"Kumusta ang asawa ko, Doc?" salubong na tanong ni Paul nang nakita ang manggagamot galing sa emergency kung saan ipinasok ang asawa. "They're very much fine, Mr Marcus. Ang masasabi ko lamang ay iwasan ninyo ang bigyan siya ng dahilan para ma-stress siya. She's still on her first trimester of her pregnancy kaya delikado pa kahit na malapit ang fetus. By the way maari mo rin naman siyang maiuwi dahil bukod sa pagdugo niya ay wala na akong ibang makitang deperensiya. Congratulations, Mr Marcus and I'm going," pahayag nito. "Thank you, Doctor." Nakipagkamay siya rito ngunit hindi na ito sumagot bagkus ay ngumiti na lamang ito bago tuluyang umalis para maglibot pa sa ibang pasyente. Inilipat muna ng mga nurses na nandoon ang buntis bago nagtungo si Paul sa cashier upang ayusin ang bill