Sa hindi malamang dahilan ay biglang pumalahaw nang iyak ang batang si Jamaica. Kahit anong pagpapatahan ng ina ay hindi tumitigil kaya naman nabahala si Anna. Napasugod na nga si Aling Eva dahil sa palahaw ng apo kahit pa sabihing kakaabot lamang nito sa manugang ang apo dahil kadarating nito galing sa trabaho. "Anong nangyari, anak? May sakit ba si baby? Namumula na siya sa kaiiyak ah. Akin na nga muna baka mapatahan ko siya." Natataranta itong lumapit sa mag-ina saka kinargang muli ang mag-iisang taong sanggol. "Tahan na apo ko. Bakit ka ba biglang pumalahaw? May masakit ba sa iyo?" kausap nito sa sanggol. Ngunit bukod sa hindi pa ito nakapagsalita at nakakaunawa ay baby pa talaga ito. Kahit anong gawin nila ay mas lumakas ang iyak nito. Kaya naman ay mas nabahala sila. Namumula