CHAPTER FOUR

2121 Words
"Pare, huwag mong sabihing naging insekto ka na rin? Aba'y umagang-umaga ah." Pangangantiyaw ni Ronald kay Paul nang nadatnan niya ito sa harap ng kanilang bahay. Hindi naman siya manhid upang hindi makahalata. Lalaki rin siya tulad nito kaya't alam niyang malakas ang tama nito sa alaga ng kaniyang ina sa Manila ngunit simula noong pinalayas ito ng amang negosyante dahil hindi matanggap-tanggap na isa itong manunulat. Sa kanila na ito tumira hanggang sa kasalukuyan. Si Paul din naman kasi ang naghatid dito kaya't hindi na nakapagtataka kung agad silang napalapit sa isa't isa. Maganda rin naman iyon dahil palagay ang pakiramdam niya dahil kilala na niya ito. "Naku, Pare, purely blooded Filipino tayo. Aba'y masama na ba ang dumalaw ngayon?" pabirong sagot ni Paul. Sa isipan niya ay talaga namang tinamaan siya sa dalagang ihinatid niya dati. Ang babaeng parang laging may crystal ball sa mata. Hindi na ito nawala-wala sa isipan niya simula ng araw na iyon. Malapit na siyang malagas sa kalendaryo ngunit wala pa siyang naging kasintahan. Sabi nga ng Nanay niya oras na hindi pa siya mag-asawa pagpadating niya sa edad na triyenta-uno ay magpakatandang binata na lamang siya. Ngunit mabait ang langit sa kaniya dahil bago pa magtapos ang tanong iyon ay nakilala na niya ang babaeng ihaharap niya sa damdana. At sa unang pagkakataon ay tinamaan ang puso niya sa dalagang parang babasaging crystal. She's so fragile in his eyes yet he is falling for her. He want her to be his rightful companion for the rest of his life. He will do everything he could do to win her heart. Kaso napalalim yata ang pag-iisip niya dahil napakislot siya nang nagsalita ang kababata. "Mukhang tinamaan ka na talaga kay bunso ah. At kahit mas kilala kita kaysa sa kaniya ay inuunahan na kita, Pareng Paul. Huwag na huwag mo siyang lulukuhin dahil kahit hindi kami magkadugo ay kapatid ang turing ko sa kaniya. Total kako ay naging insekto ka na rin ay ikaw na maghatid sa kaniya total nandito ka naman sayang ang pamasahe niya at tutulong ako sa bukid." Napaangat ang paningin niya at napatitig dito. Hanga siya sa katapatan nito dahil kahit wala pa silang formal na relasyun ng dalaga ay nagpakatotoo na ito. Seryoso siya sa nararamdaman at wala siyang balak lukuhin ang dalaga. At sa kaisipang iyon ay napangiti si Paul dahil sa tinuran ng kababata. Hindi pa rin ito nagbabago sa mga banat. "Salamat, Pare. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko siya paiiyakin. I know still early to say that I love her pero iyan ang totoo, Pare. Parang gusto ko tuloy pasalamatan ang kaibigan ko dahil ako ang nagmaneho sa taxi niya ng araw na iyon. Dahil napadaan ako sa kanilang tahanan and I met her. Don't worry, Pare, may isang salita ako. Mahal ko siya at hindi na iyan magbabago," tugon niya rito saka ito tinapik sa balikat upang ipasiguradong seryoso siya sa nararamdaman para kay Anna Marie. "Good luck, Pare. Sige na maiwan na muna kita dahil ako ay pupunta na sa bukid." Gumanti ito ng tapik sa kaniyang balikat. Samantala pagka-alis ni Ronald ay agad dinukot ni Paul ang cellphone upang ipaalam sa dalaga ang presensiya. Hindi pa namna niya nasabi sa nakaraang araw na siya ang maghahatid dito sa araw na iyon. Sinita nga siya ng kaniyang ina dahil kung kailan daw siya nasa probinsiya ay saka pa raw siya nagiging lagalag. Ayaw naman kasi niyang pangunahan ang plano niya. Gusto niyang siguraduhin muna ang lahat bago ipagtapat dito ang tunay na dahilan kung bakit nagiging lagalag siya ayun dito. "Baka ayaw niyang sagutin," may panlulumong sambit ng binata dahil hindi sinasagot ng dalaga ang kaniyang tawag. It's just overnight that he didn't see her but he already longing for her. Ang hindi niya alam ay natanaw na siya ng dalaga sa labas kaya hindi na nito sinagot ang tawag. Instead she stepped out from the house and get closer to him. "Magandang umaga, Paul. Saan ang lakad mo? Aba'y baka magalit ang kasintahan mo? Umagang-umaga ay nandito ka na." Nakangiting biro ni Anna Marie sa binatang parang sinabugan ng granada dahil hindi niya sinagot ang tawag. And deep inside of her, she's so lucky to have him. Either he love her as friend or in other way around. For her he is the kind of person that can keep and hold to one's heart like her for the rest of her life. It's just a week ago when she met him and take them home the other day in the radio station where she will be working. But she is so sure that she's infatuated with him. "Maganda ka pa sa umaga, Anna Marie. You look so simple in your attire but the truth is you are more elegant than anyone else in the universe. By the way, wala namang magagalit kahit maaga akong nandito dahil wala naman akong nobya. Ngunit kung papayag kang maging nobya ko para may magalit kapag pumupunta ako rito," pabiro niyang sagot. Ayaw niyang isipin nito na nagmamadali siya kaya idinaan na lamang niya sa biro. Mahal niya ito at sigurado na siya sa bagay na iyon ngunit ayaw niya itong samantalahin. Kahit matatagalan siya sa panunuyo rito basta makamit niya ang matamis nitong oo. Ang pagmamahal niya rito ay walang hanggan. "Hmmm, niloloko mo ako eh. Baka naman gusto mo lang akong ihatid kaya mo iyan nasasabi?" Nakanguso tuloy ang dalaga dahil sa kalooban niya ay kinililig siya. She is feeling blue on what's her new friend's doing. Aminin man niya o hindi may puwang na ito sa puso niy. Subalit ayaw naman niyang ipaalam dito ang tungkol sa nararamdaman niya dahil hindi ito nanliligaw sa kaniya. Kahit mahal niya ito ay hindi rin naman siya papayag na ibaba niya ang kaniyang digdidad dahil sa pagmamahal niya rito. Napangiti si Paul dahil sa tinuran ng dalaga. Idagdag pa ang pagnguso nito na mas nagpalitaw sa kagandahan nito. She's so sweet and innocent na mas nagpalutang sa kagandahang panlabas. In his mind, someday he tell him everything and if she is willing to accept him despite the facts that he is hiding a truth to her. "Oo naman, Anna. Some other time ay mapag-uusapan din natin iyan. Mamayang gabi susunduin kita at makapamasyal tayo sa tabing-dagat upang makapag-usap tayo ng maayos. Huwag kang mag-alala dahil araw-araw mo na akong makikita. Ako na ang taga-hatid at sundo mo and it's free of charge and before you'll be late sa unang araw mo sa trabaho tara na." Nakangiting inilahad ng binata ang palad sa dalaga upang alalayan ito sa pagsakay sa owner type jeep niya. He assisted her to sit besides him near the driver's seat and after few seconds they tracked their way to the radio station. Where Anna Marie will be working as their writer. A lovely young lady that catches his attention for the first time. He made a promise to himself that he will do everything to let her love him as he do. "Mukhang natauhan na ang anak mo ah," wika ng isang kapitbahay kay Aling Eva. "Ang anak ko na naman ang napansin mo, Insiang." Nakailing na hinarap ni Aling Eva na wala na yatang ginawa kundi ang makipagchismisan kahit umagang-umaga. "Balo ka naman sa pagkakaalam ko, Eva. Aba'y bakit ba ang sungit-sungit mo ngayong araw? Kako, mukhang natauhan na ang anak mo kaya't napermi na rito sa lugar natin. Kaso mukhang namali naman ang pagkaunawa mo," nakatawang wika ng kapitbahay. "Oo nga naman, Insiang. Hindi ka naman inaano ng batang iyon kaya't hayaan mo lang siya," segunda naman ng isa saka humarap sa kaniya. "Maiba nga naman ako, Eva. Sabi ng binata ko ay nasa kabilang barangay daw ang binata mo. Mukhang pinupormahan ang ampon ni Kaka Romeo. Totoo ba iyon?" tanong nito. Hindi tuloy alam ni Aling Eva kung matatawa na ba o maiinis sa dalawa. Parehas lang naman silang ang binata niya ang pinupuna. Eh ano naman kung may pinopormahan ang anak niya sa kanilang barangay? Aba'y malapit na nga itong malagas sa kalendaryo kaya't nararapat lamang na mag-asawa na ito. Kaso mas excited pa yata ang mga kapitbahay nila kaysa sa kaniya na ina nang pinagtsitsismisan nila. "Iyan ang hindi ko alam, Minyang. Nagpaalam na may pupuntahan pero hindi ko na tinanong kung saan ba siya pupunta. Saka hayaan n'yo na siya ni Insiang. Aba'y kung hindi pa siya mag-aasawa sa taong ito ay baka magpakatandang binata na siya. Mabuti sana kung magkaigihan sila ng mga dalaga ninyo pero hindi naman saka nakakahiya sa inyo kung sila ang magustuhan ng anak kong kagaya kong mahirap lamang," biro niya sa dalawa. "Ang taong ito oo. Kung saan-saan na nakarating ang sinasabi. Aba'y magkakaparehas lang naman tayo ng estado sa buhay ah." Napailing tuloy si Aling Insiang. "Ikaw naman kasi, ang binatang lagalag ang napupuna mo ayan tuloy," paninisi pa ng Ginang. Kaya naman ay sinamantala ni Aling Eva ang pagsisisihan ng dalawa upang makaalis sa harapan nila. Hindi sila naghihirap na mag-ina dahil nakapag-aral naman ang anak niya. Sa katunayan ay siya lamang din ang nakakaalam sa tunay nitong trabaho. Buong akala ng mga kabarangay nila ay isa itong hamak na taxi driver. Ngunit hindi dahil isa itong alagad ng batas. Iyon nga lamang ay undercover ito. "Magsisihan kayo hanggat gusto ninyo. Aba'y ang anak ko na naman ang nakikita ninyo. Mabuti sana kung may ginagawa siyang masama ngunit wala naman. Mga tao nga namang kay hirap unawain." Lumingon siya sa kinaroroonan ng dalawa niyang kapitbahay ng nakapasok na siya sa hindi kalakihang sala ng bahay nilang mag-ina. Sa kabilang banda, pagkahatid ni Paul kay Anna Marie sa stasyun ng radio ay dumiretso na rin siya sa NBI. Doon siya nagpatransfer sa superior niya. Matagal na siyang sinasabihan ng ina na ilantad ang tunay na trabaho niya upang matigil ang mga tsismosa at tsismoso. Ngunit hinayaan lamang niya iyon dahil wala silang mapapala sa mga pinaggagawa. Hindi siya ang nagkakasala kundi silang mga walang magawa sa buhay kundi ang pagtsismisan ang mga kagaya niyang nagsusumikap upang mabigyan ng kaginhawaan ang kaniyang ina na nagpaaral sa kaniya at ang magiging pamilya niya. "Salamat kay Anna Marie dahil napag-isip-isip kong tama pala si Inay. Oras na rin upang ang sarili kong probinsiya ang pagsisilbihan ko. Nandito sina Inay at ang babaeng pinakamamahal ko kaya't nararapat lamang din na nandito ako upang maprotektahan ko siya. It's been a while since I'm working in secrecy so I need to face the reality, the place where I belong. This is my beloved province," bulong niya bago humakbang papasok sana sa NBI building. Ngunit bago pa niya maihakbang ang mga paa niya ay natigilan siya dahil may nagsalita sa kaniyang harapan. "Well, well, well. The recommended investigator by my friend from Manila. Hindi ko akalaing ikaw pala ang sinasabi niya, Paolo "Paul" Marcus. Akala ko ay nagkataon lamang na kapangalan mo ang batang naging studyante ko ilang taon na ang nakalipas. Iyon pala ay ikaw naman talaga. Ngunit kanino kaya ako dapat magpasalamat dahil naisipan mo nang umuwi rito sa Ilocos Sur?" tanong nito na umaabot na yata sa taenga ang ngiting nakabalot sa buong mukha. Dinaig pa ang mga kubrador na nakapanalo sa jueteng! Kaya naman ay napatingin siya ng husto. Wala pang nakakaalam kung ano ang tunay niyang trabaho ngunit sa unang araw yata niya sa NBI ay mabubuko na siya. Nais niya tuloy itong suntukin dahil sa pinagsasabi kaso agad din niyang namukhaan. Ang isa sa mga trainor nila dati sa university. Hindi niya akalaing ito rin pala ang magiging Boss niya. "Ikaw naman, Sir. Sino pa ba ang paborito mong parusahan sa ROTC kundi ako? But I guess I should say thank you, Sir. Dahil naabot ko ang pangarap ko dahil sa mga payo at ang iba kong trainor noon. Kailan ka rito sa NBI, Boss?" Inilahad niya ang kaniyang palad upang makipagkamay. "I'm glad to hear that from you, Officer Marcus. Alam kong malayo mararating mo. Halika na sa loob, alam kong walang nalalaman ang mga taga rito sa totoo mong trabaho. Doon mo na lang malalaman kung kailan pa ako naging director ng NBI." Tinapik pa siya nito sa balikat nang matapos siyang kamayan. Masaya siyang sumunod sa dating trainor niya noong nag-aaral pa lamang siya. Sa tagal ng panahong nakalipas ay maaaring nakalimutan na siya ng iba nilang kamag-aral. Ngunit para sa kaniya ay nasa utak na niya ang bawat nilalang na nakasalamuha niya noong nag-aaral pa lamang siya. Kaya nga pinakatitigan niya ang bago niyang Boss nang nagsalita ito dahil pamilyar ito. Kahit ang tinig nito ay para nang narinig niya noon. Iyon pala ay hindi lang narinig dahil natuturete siya way back then into his college life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD