Dahil hindi makapaniwala si Don Amador sa nakitang financial status ng kanilang kumpanya dali-daling nagpatawag ng emergency meeting. Labis-labis ang kaniyang pagtataka dahil sa biglan nitong pagbulusok samantalang stable naman ang lahat. Kahit anong gawin niya ay ayaw pa ring pumasok sa isipan niya ang nakikitang financial report.
"I'll go straight to the point ladies and gentlemen. May nangyayari bang hindi ko nalalaman? Ano ang tunay na nangyayari? Bakit bigla na lamang bumulusok ang financial status ng kumpanya? Kilala n'yo ako, mabait ako sa inyong lahat. Hindi rin naman kayo dehado rito pero ano ang ibig sabihin nito?!" mariing tanong ni Don Amador kasabay nang pagwagayway sa hawak na financial report.
Subalit lumipas na ang ilang sandali ngunit nanatiling tahimik ang paligid. Walang gustong sumagot dahil lahat sila ay natatakot magsalita. Dahil kahit sila ay walang kaalam-alam kung ano ang nangyayari. Kung paano nga ba bumulusok ang financial report samantalang aware naman silang lahat kung gaano ka-stable ang naturang kumpanya. Ngunit sa pananahimik nila ay mas uminit ang ulo ng Boss nila.
"I'm asking you guys! Magsalita kayong lahat! Ipaliwanag ninyo sa akin kung paano ito bumulusok! I didn't tell you to shut your mouth up! Nasaan ang mga taga financial department? Stand up and move forward! Kayo ang nararapat na magpaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito!" kulang ang salitang malakas upang ilarawan ang boses ni Don Amador. Abot hanggang langit na nga ang galit niya ay dinadagdagan pa nang pananahimik ng mga tauhan ng kumpanya. Kumukulo na talaga ang dugo niya dahil sa pinaghalong emosyon!
"Ano magsasalita ba kayo o ngayon din ay mawawalan kayo ng trabaho? I'm going to count one to three at oras na nakabilang ako ng tatlo na wala pa sa inyo ang gustong magpaliwanag ay pasensiyahan na lang tayo!" Kuyom ang kamao niyang nagpalakad-lakad sa harapan ng mga tauhan niya.
Sino ang gustong mawalan ng trabaho? No one!
Kaya naman nang sumapit sa ikalawang bilang ay hindi na rin nakaatiis ang isa sa mga taga financial department. Tumayo ito na naging sanhi ng bulong-bulungan. Keyso ganito, ganyan. Ngunit mas maigi na iyon kaysa naman mawalan sila ng trabaho.
"Kung kanina ka pa sana tumayo at nagpaliwanag ay hindi n'yo na sana naranasang mabulyawan. Ngayon magpaliwanag ka kung ano ang ibig sabihin ng biglang pagbulusok ng financial natin." Hinarap ito ni Don Amador. Mahina man pero nandoon pa rin ang diin at bigat sa bawat linyang binitawan.
Pero bago pa man makapagsalita ang pobreng taga financial department ay bumukas ang meeting room, iniluwa ang magkapatid na Christina at Armando. Napagkasunduan nilang sundan ang kanilang ama dahil siguradong magtatanong ito at hindi nga sila nagkamali dahil nasa bungad pa lang sila ng pintuan ay dinig na dinig na nila ang lakas ng boses nito.
"Oh, what's happening here, Daddy? Is there's something wrong?" tanong ni Christina na agad namang sinundan ni Armando.
"Huli ka na yata sa balita kapatid? Ikaw ang abogada sa pamilya pero hindi mo pa pala alam? Palubog ang kumpanya at iyan ang dahilan kung bakit nagagalit si Daddy." Taas-kilay niyang inismiran kapatid.
"At paano ko iyan malalaman samantalang hindi naman ako nagtratrabaho rito? Aba'y Kuya, ikaw ang nandito baka alam mo ang sagot diyan," muli ay wika ni Christina bago bumaling sa nakatayong taga financial department.
"Go back to your sit, Mr Yemen. At kayong lahat magsibalik muna kayo sa inyong trabaho. Kaming tatlo na muna ang mag-uusap at huwag kayong mag-alala dahil gagawan natin iyan ng paraan upang makapagpatuloy kayo sa inyong mga trabaho," aniya.
Pero hindi tuminag ang nandoon dahil sa takot na mawalan ng trabaho kaya muling nagsalita ang dalaga. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil iyon ang unang pagkakataon na makarinig sila ng malakas na boses mula sa kanilang ama. Totoo rin ang sinabi nitong mabait itong tao at hindi dehado ang mga manggagawa.
"Huwag na kayong matakot kay Daddy. Natural lamang ns magalit siya. Lahat naman po siguro tayo ay nagagalit lamang kapag may dahilan. Kaya unawain n'yo na lang po ang may-ari ng kumpanyang pinagtratrabahuan n'yo. Kaya't sa ngayon magsibalik na lang muna kayo sa mga trabaho n'yo upang makapag-usap kami ng maayos kung ano ang susunod nating hakbang. Maliwanag po ba?" Iginala niya ang paningin upang itaboy ang mga ito. Ayaw niyang mag-eskandalo sa harapan ng mga ito dahil may iba siyang plano.
Hindi na sumagot ang mga tauhan ng kumpanya na pag-aari ng mga Garcia. Nagsibalik silang lahat sa kani-kanilang trabaho ngunit punong-puno pa rin nang pagtataka ang isipan. Sigawan man sila ng kanilang Boss sa maghapon na pasok nila ay ganoon pa rin ang mangyayari. Wala silang maisasagot. Paano sila sasagot kung wala naman silang kaalam-alam sa nangyayari? Dalangin na lamang nila na sana ay malaman na nila kung sino man ang may kagagawan sa pagbulusok ng income ng kumpanya.
Pagka-alis ng mga empleyado ng Garcia Company ay muling nagsalita ang abogada ng pamilya.
"Daddy, anong problema? I mean, bakit abot hanggang labas ang boses mo?" tanong nito.
Hindi naman agad nakasagot ang Don sa tanong ng anak. Kahit saang anggulo niya balansehin ang lahat ay ayaw pa ring pumasok sa isipan niya ang nalaman. Most of his life, he devoted himself to the company. Iyon ang ala-ala ng pinaghirapan nilang mag-asawa kahit pa sabihing parehas silang nanggaling sa mayamang pamilya. May sentimental value ito at iyon ang mas nagpapainit sa ulo niya. Ganoon pa man ay nagawa pa rin niyang sumagot sa anak.
"Hanapin ninyo ang pangahas na may kagagawan dito. Kung sino ang nasa likod nang pangyayaring ito at iharap ninyo sa akin. Ikaw Christina ang gagawa ng paraan upang mahuli ninyo ang may kagagawan sa pagdispalko. Ikaw ang lawyer kaya't alam mo na ang nararapatpat mong gawin," sagot niya ngunit kasing lamig na yata ng yelo ang boses niya.
"Kahit hindi mo iyan sabihin, Daddy, ay gagawin namin iyan ni Tina. Hindi puweding babagsak ang kumpanya. Humanda na ang may kagagawan nito dahil mabibigyan talaga siya ng karampatang parusa," wika ni Armando. Subalit sa kaloob-looban niya ay nagbubunyi na siya dahil siguradong sa kanila ipagkakatiwala ng ama ang bagay na iyon.
"Siguraduhin ninyong dalawa na hindi lang kayo magsasayang ng pera. Hanapin ninyo kung sino man ang may kagagawan sa pagdispalko ng malaking halaga. Huwag kayong padagdag sa nasayang na pera." Tumalikod na siya.
Hindi na niya hinintay na makasagot ang mga ito. Kailangan niyang maka-usap ang asawa. Hindi man siya kasing-yaman ng asawa niya ngunit kahit saang anggulo niya tingnan ay hindi maihahambing ang kayamanan nito sa kaniya. Siya ang nagpalago sa kumpanya pinaghirapan nilang mag-asawa.
Samantala, kulang na lamang ay magpagulong-gulong sa sahig ang dalawa dahil sa tuwa. Kumagat ang kanilang ama sa pain nila. Nag-high five pa nga silang dalawa. Isa lang ang nasa isipan nila. Maaari na silang maging actor at actress. Pinalipas pa nga nila ang ilang sandali bago sila muling nagpatuloy sa kanilang obligasyon.
Sa kabilang banda, naging kapansin-pansin ang saya sa mukha ng binatang si Paul. Napapangiti siyang mag-isa. Harap dito, harap doon. Hindi na nga niya namalayang nasa tabi na pala niya ang kaniyang ina. Kung hindi pa nito pinitik ang ilong niya ay nagpatuloy siya sa nakakabaliw na istilo.
"Inay naman, bakit kay ba namimitik? Binata na po ako ngunit pinipitik mo pa rin ang ilong ko." Sinapo niya ang kaniyang ilong na pinitik ng ina. Ngunit piningot naman siya nito kasabay ng pananalita.
"Saan ka ba nagsusuot na bata ka ha? Aba'y kanina pa kita kinakausap ngunit para akong nakikipag-usap sa poste. Tingin dito, tingin doon. Ngumingiti ka ring mag-isa. Aba'y sabihin mo lang kung kailangan mo nang magpacheck up," anito.
"Maari bang bitawan mo muna ang taenga ko, Inay? Paano ako makakahanap ng mamanugangin mo kung maihihiwalay ang kaenga ko sa guwapo kong mukha? Awat na Inay, masakit na ang taenga ko." Napatayo siya dahil kirot nang pamimingot ng kaniyang ina.
Binitawan man nito ang kaniyang taenga subalit naupo naman sa tabi niya saka nanermon. Ang Nanay niyang wala nang ginawa kundi beybehihin siya. Nasa tamang edad na siya ngunit baby siya kung ituring ng ina. Hindi naman siya galit iyon nga lang ay masakit itong mangurot!
"Alam mo namang ikaw ang pinagpipistahan ng mga tao rito sa atin eh. Nagiging Chinese ka na rin ba? Umagang-umaga ay nangangapit-bahay upang manligaw? Saka sigurado ka bang nasa tamang landas ka pa sa lagay na iyan?" tanong nito.
"Inay, ilang ulit ko bang sinasabi sa iyo na hayaan mo lang ang mga tsismosa nating kapitbahay? Hindi naman tayo ang nagkakasala kundi sila mismo. Kapag papatulan mo sila ay parang inamin mo na ring isa ka sa kanila. Magsasawa rin sila sa pinaggagawa nila. Sa tanong mo po kung nasa tamang landas pa ba ako ay opo, Inay. At hindi na ako pagala-gala ngayon dahil dito na ako magtratrabaho. Chinese ba kamo? Hindi ako Chinese kundi ginagawa ko lang ang dagdag pogi points para sa susunod kong dalaw ay may manugang ka na." Nakataas ang dalawa niyang palad habang nakaharap sa ina.
Nakataas na naman ang kilay nito kaya't inunahan na niya. Ganoon naman talaga ang kaniyang ina. Kahit baby siya kung ituring ay laki pa rin niyang pasasalamat dahil kailanman ay hindi siya nito pinabayaan. Ito na lamang din ang kumayod at nagtaguyod simula noong siya ay bata pa. Dahil halos hindi na rin niya matandaan ang mukha ng kaniyang ama. Police rin ito sa kanilang probinsiya ngunit sa kuwento ng mga taga roon ay namatay ito sa isang operasyon.
"Siguraduhin mo lang iyan, Paolo. Dahil hindi ko pa rin nakakalikutan ang usapan natin noong bago ka nag-enrol sa kolehiyo. Susunod ka sa yapak ng namayapa mong ama ngunit kailangang may magmamana sa pangalang Marcus. Tandaan mo iyane, Paolo. Bago matapos ang taong ito ay may asawa ka na dahil kung hindi ay talagang ipapamigay ko sa kapwa ko mahihirap ang dapat ay nasa pangalan mo," anito saka muling tumayo.
"Saan ka pupunta sa lagay na iyan, Inay? Aba'y hindi mo na ba hihintayin ang sagot ko sa speeches mo?" naitanong niya tuloy dahil matapos siya nitong gawan ng sona ay mukhang lalayasan naman siya.
"Kung wala kang maliligawan diyan sa tabi-tabi ay ako ang manliligaw ng para sa iyo," sagot nito na sinundan pa ng malulutong na halakhak bago tuluyang lumabas ng kabahayan.
Hapon na ngunit maaliwas pa rin ang paligid kaya't alam niyang may pupuntahan pa ang Nanay niya. Iyon nga lang ay hindi niya alam kung saan. Alam naman niyang hindi nito magagawa ang binitawang salita dahil kailanman ay hindi siya pikialam sa personal na buhay. Iyon nga lang ay lagi siyang sinasabihan na mag-asawa na raw siya.
"Mag-aasawa lang ako kapag si Anna Marie ang ihaharap ko sa dambana. Dahil siya ang bukod tanging pumukaw sa puso. Kung tutuusin ay marami namang babae rito ngunit sadya lamang na hindi ko sila gusto. Hindi sila ang tipo ng babaeng gusto kong iharap sa altar." Napatingala siyang muli dahil sa naisip.
Ihinatid niya ito ng umagang iyon at sinundo naman pagkagalin niya sa trabaho. Sa kakaisip na yata niya sa dalaga ay muli siyang napangiti at itinapat ang palad sa dibdib niya. Kumakabog dahil sa pagkakaalala sa maamong mukha nito. Ang labing kay sarap hagkan!
"Natuluyan ka na nga, Paolo. Iniwan kita kaninang ganyan ngunit ganyan ka pa rin hanggang ngayon. Malala na iyan, anak. Kaya't kung ako sa iyo ay agapan mo iyan bago pa lumala." Napaupo siyang muli nang maayos dahil sa tinig ng ina!
Nais niya tuloy pagbabatukan ang sarili dahil sa kakaimadyen! Ah! Kailangan na talaga niya itong maligawan. Dahil mas sumisidhi ang damdamin niyang mapasakanya ito. He really want her to be his rightful companion for the rest of his life!
Kinahapunan, dahil hindi mawala-wala ang ngiting nakabalot sa buong mukha ni Anna Marie ay naisipan itong tuksuhin ni Ronald. Halos isang buwan na rin itong nakatira sa kanila sa probinsiya. Mas nakikilala nila ito sa araw-araw. Tama ang kaniyang ina, anak mayaman ito ngunit simple lamang ito. Mababaw pa ang kaligayahan.
"In love na ba ang kapatid ko? Aba'y kulang na lamang ay umabot sa taenga mo ang ngiti mo ah," aniya.
"Masaya lang ako, Kuya. Saka kanino naman po ako maiinlove," kipot-nguso nitong tugon.
"Bunso, hindi na kita kukulitin baka mabatukan ako ng taga-hatid sundo mo. Ako na ang nagsasabing wala kang dapat ipangamba kay Paolo. Kilala ko na siya simula noong nasa sekondarya kami." Tinapik niya ito sa balikat upang pukawin ang agam-agam nito.
Aamin man ito o hindi ay alam niyang parehas lamang ang dalawa ng nararamdaman. May nobya siya at hindi siya manhid upang hindi iyon mapansin sa dalawa. Araw-araw niyang kasama sa loob ng iisang bubong ang dalaga. Samantalang kilala na niya noon pa ang binatang si Paul.
"Eh, kahit naman in love ako sa kaniya kung hindi niya ako nililigawan. Hatid-sundo lang naman po hindi nanliligaw." Namula tuloy ang pisngi ni Anna Marie. Hindi siya ang uri ng tao na sinungaling. Saka bakit pa siya maglilihim samantalang bistado siya. Inaamin din naman kasi niyang in love na siya kay Paul.
"Huwag kang mag-alala, anak. Dahil hindi ka pagkakaabalahang ihatid-sundo ni Paul kung hindi ka niya mahal. Tama ang Kuya mo na wala kang dapat ipangamba sa batang iyon. Mabait iyon ay kilala na namin kahit noong nag-aaral pa," segunda naman ni Tatay Romeo.
"Tatay, nandito ka na rin pala. Mano po." Inabot niya ang palad ng matanda saka nagmano.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak. Kumusta ang unang araw mo sa trabaho?" tugon at tanong nito.
"Masaya po, Itay. Sa wakas ay nagagamit ko na rin po ang pinag-aralan ko," aniya matapos makapagbigay-galang.
"Kami man ay masaya para sa iyo, Adeng. At sana ay tuloy-tuloy na ang kasiyahang bumabalot sa katauhan mo. Huwag kang mag-alala dahil susuportahan ka namin dito kahit ano man ang plano mo," wika naman ni Ronald.
"Maraming-maraming salamat po sa inyo, Kuya, Tatay. Sana uuwi na rin si Nanay dito dahil namimiss ko na rin po siya." Napatungo siya sa pagkakabanggit niya sa kaniyang Yaya. Aminin man niya o hindi ay palagi pa rin niyang naiisip ang mga magulang niya. Ang kaniyang ina na hindi niya nakita bago siya umalis sa kanilang tahanan.
"Malapit na iyang mangyari, anak. Pero hindi ko lang alam kung kailan. Kaya't huwag ka ng malungkot," muli ay sabi ng matanda.
Ngumiti na lamang siya bilang tugon bago nagpaalam na magpapalit ng damit pambahay. Masaya siya sa kaalamang pauwi na rin ang kaniyang Yaya ngunit nalulungkot din dahil wala nang mag-aalaga sa kaniyang ina. Bed ridden pa naman ito kaya't kailangan talaga ang nakaalalay dito.
"Hindi na nila maitago ang pag-ibig nila sa isa't isa. Masaya ako para sa kanilang dalawa." Nakasunod ang paningin ng binata sa dalaga na nagpaalam upang magbibihis.
"Wala rin naman akong tutol sa kanilang dalawa kung sakali mang magkatuluyan sila, anak. Mabuti nga iyon at hindi na tayo mag-alala sa kapakanan niya," wika naman ng matanda.
Ilang sandali pa ang lumipas ay nabusy na sila sa paghahanda ng dinner nilang tatlo. Ganoon naman kasi sila, sabay-sabay na kumakain ng hapunan. Ang almusal ang bihira silang nagkakasabay dahil minsan ay nauuna ang binata dahil maagang nagtutungo ito ng palayan.