CHAPTER SIX

2571 Words
Few days later... "Sasabay ka rin ba, Rosa? Gusto mo na ba talaga kaming iwan ni Helen? Dapat nagsabi ka ng mas maaga kung hindi ka na babalik para nakakuha ako ng nurse ni Helen. Paano na siya kapag uuwi ka na?" malungkot na tanong ni Don Amador sa Yaya ng anak niyang pinalayas niya halos isang buwan na. Ito rin ang pinagkakatiwalaan niya sa lahat ng kailangan ng bed ridden niyang asawa. "Sinabi ko na s'yo dati, Sir. Subalit sa mga nakaraang araw ay parang lagi kang balisa at sigurado akong nakalimutan mo na. Nauunawaan naman po kita Sir at sana maunawaan mo rin ako," sagot ni Aling Rosa. "Kung iyan ang gusto mo wala na akong magagawa pa, Rosa. At sana dalawin mo rin ang asawa ko rito kapag may oras ka. Kung gusto mo ay ipasundo pa kita sa driver. Alam mo namang ikaw lang ang nakatagal kay Helen. Heto na ang sahod mo dinagdagan ko na para may pandagdag ka sa pera mong uuwi. Mamayang gabi ka na rin bibiyahe para makabili pa kayo ng driver pampasalubong mo sa mag-ama mo at may maghahatid sa iyo sa terminal. Kung kailangan n'yo ng tulong ay tawagan mo lang kami ng asawa ko." Ipinahawak ng Don ang sobre sa Yaya ng anak niyang pinalayas niya at personal nurse ng asawa niya. Kung tutuusin mabait naman ito. Sa tagal niyang nanilbihan sa pamilya Garcia ay wala siyang maipintas sa amo niyang lalaki. May sobre na iniabot ang amo niyang babae at ayun din ang ibinigay ng lalaki. Sadya lamang na hindi niya maunawaan kung bakit galit na galit ito sa bunsong anak. Samantalang ito ang pinakamabait sa tatlong magkakapatid. Malambot ang puso, may pagkasensitive nga lamang kaya't laging umiiyak. "Maraming salamat, Sir. Sige mamayang hapon na lang ako magpapahatid sa terminal. Hayaan mo Sir kapag may time ako dadalaw ako rito sa inyo ni Helen. Mauna na po ako sa silid at ililigpit ko pa ang mga gamit ko," muli ay sabi ni Aling Rosa at hindi na hinintay na makasagot ang amo. Hindi man siya sigurado pero may kaugnayan ang mga ipinatago ng amo niyang babae sa kaniya sa mga kaganapang kinakaharap ng mga amo. Ayaw din sana niyang iwan ang amo niyang bed ridden dahil naaawa siya rito ngunit ito na rin ang nagsabing kailangan niyang makauwi sa probinsiya upang alagaan ang dalaga. Wala na siyang balak alamin kung anu man nakapaloob sa librong ipinagkatiwala ng amo niyang babae. Ang mahalaga sa kaniya ay ang maalagaan ito kasama ng alaga niyang si Anna Marie na kasalukuyang nasa piling ng mag-ama niya. Samantala, sa paglipas ng mga araw mas nakikilala ni Anna Marie ang binata. Hatid-sundo siya nito araw-araw maliban na lamang kung may lakad siguro ito at hindi kaya ng schedule nito na isama siya. Sa tuwing hindi ito nagpapakita'y hinahanap-hanap na niya ito. Kagaya ng araw na iyon, nalulungkot na siya dahil hindi niya ito nasilayan ng ilang araw. Nahihiya naman siyang magtanong sa Kuya Ronald niya kung ano ang nangyari at hindi ito nagpapakita sa kaniya. "Mahal ko na nga siya pero hindi na niya inulit ang mga katagang iyon sa akin. Paano ko siya masasagot sa ngayon?" Nakapangalumbaba siya sa harap ng kaniyang laptop. Gustuhin man niyang makapagsulat dahil maraming nagsisisulputan sa isipan niya pero hindi niya magawa-gawa dahil mas nangunguna ang binata. Ukupado nito ang buong isipan niya. Kahit nangangati ang palad niya na magsulat ngunit sadyang ayaw makibagay ng sarili niya. Nakikita pa nga niya ito sa imahinasyon niya. Ngunit napalalim yata ang pag-iisip dahil napahiyaw at napatalon siya nang may nagsalita sa likuran niya. "Sorry naman Anna kung nagulat kita. Pinayagan kasi ako ni Tatay Romeo na pumasok hanggang dito sa room mo. Subalit napalalim yata ang pag-iisip mo nang maisusulat kaya hindi mo napansin at narinig ang pagkatok ko," labis-labis ang paghingi ng paumanhin ni Paul sa dalagang pinanabikang mayakap at makita dahil sa nakitang reakayun nito. "Saan ka ba galing, Paul? At bakit bigla ka na lang sumusulpot? Nakakagulat ka naman eh." Napahawak naman si Anna Marie sa dibdib bunga nang pagtataray. Hindi naman siya galit sa binata ngunit nais lamang niyang pagtakpan ang pagkapahiya dahil bukod sa nagulat at napatalon siya ay huling-huli pa siya nitong nakapangalumbaba sa harapan ng laptop. Nais niya tuloy batukan ang sarili dahil hinayaan niyang mahuli siya ng binata sa oras na iniisip niya ito. She really miss him by the way. Ngunit mas nagulat siya sa sumunod nitong hakbang. Tinawid nito ang pagitan nila at niyakap siya ng mahigpit. "I'm really sorry, Anna. Kung ilang araw din akong hindi nagpakita s'yo dahil may trabaho ako. Miss na miss kita alam mo ba iyon, Anna? Kahit hindi ko na inulit s'yo ang three magical words ay nakatatak na iyon sa puso at isipan ko. Hindi ko man sinasabi sa tuwing magkasama tayo ay ipinaparamdam ko na lamang dahil iyon ang alam kong paraan upang mapatunayan ko ang wagas kong pagmamahal sa iyo. Mahal na mahal kita, Anna." Nakayakap siya ng mahigpit sa babaeng unang bumihag sa puso niya. Ito ang bukod tanging nakapukaw sa kaniya. It's been a while since she's living with her Yaya in that place at naging malapit na rin sa kaniya ang mag-inang Paolo at Eva. Wala man silang formal na relasyun ngunit dinadalaw siya ng mag-ina. Kung hindi sila ang dumadalaw ay isinasama siya ng binata sa kanilang tahanan. Magpapakipot pa ba siya? Hindi na dahil sinagot agad ng Diyos ang panalangin niyang makapiling ang taong pinangungulilahan niya. Kaya't tumango siya bilang sagot niya rito. "Say it please, Anna Marie?" kumawala ang binata sa pagkakayakap sa dalaga nang naramdmang tumatango ito. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi. "Mahal na mahal din kita, Paul. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa tulad ko. Wala akong ibang maipapangako sa iyo kundi ang tapat at wagas kong pagmamahal. I love you so much, Paul Marcus," she honestly answered. Sa narinig ay hindi na nag-atubling hinagkan ni Paul ang dalaga. Ilang araw din siyang nagnilay-nilay upang siguraduhin ang nararamdaman niya para sa dalaga. Kahit may trabaho siya basta may oras siyang ihatid-sundo ito ngunit umayon sa kaniya ang pagkakataon dahil nagsigurado niya ang tunay niyang nararamdaman. "Mukhang magiging manugang ko na talaga ang binata mo, Eva?" nakangiting wika ni Tatay Romeo sa Ginang. Hinayaan naman kasi niyang pumasok ang binata. May tiwala siya rito kaya't malaya itong pumasok sa loob ng kabahayan. Nasa labas din naman sila kaya't walang problema. Alam naman din niyang miss na miss na rin ito ng dalaga. Ilang araw ding hindi ito nagpakita. "Aba'y ayaw mo ba iyon, Romeo. Mas maganda na ring dito makapag-asawa ang batang iyan para matigil na ang mga tao sa pagtsitsismis sa kaniya. Saka gusto ko rin ang dalaga ninyo. Nahihirapan man na pag-aralan ang salita natin ngunit desidido siya. Sa ilang beses niyang pagsama sa bahay ay nakita ko na ang tunay na siya," sagot ni Aling Eva saka napatingin sa loob ng bahay. "Tama ka, Eva. Wala akong masabi sa batang iyan. Maaaring alaga lang siya ni Rosa ngunit anak na ang turing namin sa kaniya. At kagaya nang sinabi mo ay wala kaming ibang hinahangad kundi ang mapabuti siya. Naikuwento naman niya siguro ang dahilan kung bakit nandito siya sa probinsiya," pahayag ng Ginoo. "Hayaan mo na iyan, Romeo. Ang mabuti ay nagmamahalan silang dalawa. Ang pinakaasam-asam ko ay mag-asawa na ang binata ko dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Hangad ko ang kaligayahan nilang dalawa." Humarap naman ang Ginang sa kausap. Sasagot pa sana si Tatay Romeo ngunit lumabas namang magkaakbay ang dalawang pinag-uusapan. Kitang-kita pa nila kung paano kinurot ng dalaga ang binata ngunit nakangiti nitong sinangga. "Sa lagay na iyan ay magmamanugang na ako, anak?" salubong na tanong ni Aling Eva. "Opo, Inay. Sabi ko naman sa iyo na hindi ako malalagas sa kalendaryo na wala akong maipapakilala sa iyo." Nakaakbay man siya sa kasintahan ngunit nagawa pa rin niyang hinarap ang ina. "Aba'y bilis-bilisan ninyo kung ganoon dahil baka unahan ko kayong dalawa. Pagdating ni Nanay mamayang gabi ay mamamanhikan na kami sa nobya ko bukas," ayaw ding patalo na saad ni Ronald. Tuloy! Naging maugong ang hapon na iyon sa bahay ng mag-amang Ronald at Romeo. Nais nilang ipadama sa dalaga na suportado nila ang pakikipagrelasyon nito sa binata. Kitang-kita nila ang kislap sa mga mata nito sa tuwing kasama ang binatang si Paul. Kaya't gusto nilang iparamdam na pamilya na ito sa kanila. Kinagabihan... "Anong plano mo ngayon, anak? Ngayong formal na ang relasyun ninyo, wala ka bang planong ipagtapat sa kanila ang tunay mong trabaho?" tanong ni Aling Eva sa anak. "Magtatapat po ako sa kaniya, Inay. Ayokong may inililihim ako sa kaniya dahil iyan din ang magiging mitsa nang hindi namin pagkakaunawaan balang-araw. Alam mo naman siguro kung ano ang nais kong tumbukin, Inay." Itinigil ng binata ang pagsubo sana ng pagkain dahil hinarap niya ang ina. "Wala ng ibang mas higit na nakakakilala sa iyo, anak. Ako at ako lamang ang tunay na nakakaunawa sa iyo. Sabihin mo man o hindi ay alam kong naiso siyang pakasalan. Ganoon pa man ay kausapin mo muna sina Rosa at Romeo tungkol sa tunay mong trabaho. Dahil kahit alaga lang nila ang nobya mo ngunit nasa pangangalaga nila ito. Huwag mo akong alalahanin dahil kahit mahirap lamang tayo ay may nakalaang pundo para sa kasal mo," pahayag ng Ginang saka tinapos na rin ang kinakain. Sa pahayag ng kaniyang ina ay napangiti siya. Tama naman kasi ito. Ang dakila niyang ina ang tunay na nakakaunawa sa kaniya. Ina niya ito ngunit partner in crime niya ito. Ito ang kasama niyang naglihim sa tunay niyang trabaho hanggang sa kasalukuyan. "Kung hindi lang masamang ipamukpok sa ulo mo ang sandok ay kanina pa kita pinalo eh. Daldal ako nang daldal ngunit para ka na namang nasiraan ng bait diyan. Hala, bilisan mong kumain diyan kung ayaw mong ikaw ang paghugasin ko ng plato." Napaangat siya nang paningin dahil sa tinig ng ina. Hindi na lamang niya pinatulan dahil sanay naman siyang naghuhugas ng plato. Sa boarding house siya nakatira sa trabaho niya kaya't siya lang din ang naninilbihan sa sarili. Kahit nasa bahay siya ay ganoon din lalo kapag umaalis ang Nanay niya. Siya ang gumagawa sa gawaing bahay kahit pa ang pagwawalis sa paligid ng bahay nila. Sa kabilang banda, sinadya ni Anna Marie na hintayin ang mag-amang kumakalinga sa kaniya. Sabay-sabay naman silang kumakain, nakagas na rin siya nang pinagkainan nila ngunit naiwan ang dalawa dahil pinag-uusapan nila ang pagdating ng Yaya niya. Iyon nga lang ay hindi nila alam kung anong oras darating sa bus terminal ang sinakyan nito. Ilang buwan na rin siya simula noong bumiyahe siya mula Manila hanggang Vigan City at ayun kay Paul ay pitong oras ang ibiniyahe nila. Ibig sabihin ay madaling-araw na darating ang Yaya niya. "Nandito ka pa pala, anak? Bukas na darating ang Yaya mo rito. Kaaalis pa lang daw ng bus na sinakyan niya. Huwag mong sabihing hihintayin mo siya? Matulog ka na muna at gigisingin kita pagdating niya. Alam kong miss na miss mo na siya." Napakislot siya dahil sa tinuran ni Tatay Romeo. Napalalim pala ang pag-iisip niya at hindi na niya namalayang nasa tabi niya ang dalawa. Ganoon pa man ay umiling-iling siya. Bahagi na iyon ng dahilan niya ngunit iba ang nais niyang sabihin sa mga ito. Kaya nga hinintay niya silang matapos sa pag-uusap. "Tama po, Tatay. Miss na miss ko na po si Yaya. Gusto ko ring makibalita kina M-mommy at D-daddy. Pero iba po ang nais kong sabihin sa inyo ni Kuya Nald." Napatungo tuloy siya dahil kung kailan nasa harapan na niya ang mga taong gusto niyang kausapin ay saka pa siya nahihiya. "Sabihin mo na, Adeng. Alam kong mahalaga iyan dahil sa ganitong oras ay abala ka na sa pagsusulat mo ngunit hinintay mo kami ni Tatay. Ano ba iyon?" dinig niyang tanong ng binata kaya't muli niyang inangat ang paningin. "Hindi po ba kayo nagagalit sa akin? Kasi po, kababae kong tao ay lagi pang nandito si Paul. Sumasama pa po ako sa kaniya sa kanilang bahay. Tapos ngayon ay magkasintahan na kami. Hatid-sundo na po niya ako noong wala pa kaming formal na relasyun at ngayong formal na po ang lahat ay sigurado akong mas madalas na siya rito," pahayag niya. Akala niya ay magagalit ang mga ito dahil sa ipinahayag niya. Alam naman nila ang relasyun nila ni Paul dahil nandoon sila ng hapon na iyon. Ngunit hindi pa niya binaggit sa kanila ng personal. Tanging ang biruan lamang nila ang naging tulay upang maipaalam nila ang tungkol sa relasyun nila. "Anak, walang masama sa ginagawa ninyo. Normal na iyan sa mga magkakaibigan ang magkaigihan. Mas gusto ko pa ngang dito ka niya dinadalaw kaysa naman kung saan-saan kayo nagkikita. Ganoon din ang pagsama mo sa kaniya sa kanilang bahay. At least sigurado kaming doon lang din kayong dalawa. Ipahinga mo na ang isipan mo anak dahil wala kaming tutol ng Kuya mo sa pakikipagrelasyon mo kay Paul. Asahan mo ang aming suporta sa inyong dalawa." Lumapit sa kaniya si Tatay Romeo saka tinapik sa balikat. "Akala ko naman kung ano ang sasabihin mo, Adeng. Wala na akong masabi dahil nasabi na lahat ni Tatay. Ipanatag mo ang iyong kalooban kung iyan ang bumabagabag sa isipan mo. Kami ang numero-unong taga-suporta mo. Don't worry, Adeng, pamilya tayo," segunda naman ng binata. Kaya naman ay walang malisya niyang niyakap ang dalawa. Una ay ang Tatay Romeo niya bago ang Kuya Ronald niya. Damang-dama niya ang kasenseruhan nila kaya't labis-labis ang pasasalamat niya. Napakabait talaga ng langit sa kaniya, pinalayas man siya ng amang hindi matanggap-tanggap ang pangarap niya. Subalit tinanggap at sinuportahan siya ng mag-anak samantalang maaari siyang abandunahin dahil hindi siya bahagi ng pamilya kundi alaga siya ng Yaya Rosa niya. Hindi na siya matapos-tapos sa pasasalamat hanggang sa magalang siyang nagpaalam upang papasok na sa kuwarto niya. "Hanggang ngayon ay mukhang may phobia siya. Halatang malaki ang naging epekto sa kaniya nang pagpapalayas sa kaniya ng ama niya. Kung hindi ko lang siguro kilala si Paul ay maaaring tututol ako pero kahit hindi kami super close ay masasabi kong kilala ko siya," ani Ronald habang nakasunod ang paningin sa dalagang pumasok na sa silid. "Kaya't suportahan natin siya, anak. Malaki na nga ang ipinagbago ng katawan niya simula dumating. Hindi na siya maaaring tawaging payatot kagaya ng dati. Hiyang na siya sa buhay dito sa probinsiya at sigurado akong mas gaganda pa ang pangangatawan niya kapag magkasama na sila ni Paul," sang-ayun din ng Ginoo. "Kung ganoon, Itay. Naiisip mo rin ba ang nasa isipan ko?" tanong tuloy ng binata. "Papunta pa lang kayo samantalang pabalik na ako, anak. At hindi na iyan bago sa akin dahil noong wala pa silang formal na relasyun ay napansin ko na iyan. Alam kong pagpapakasal ang tungo nila. Kaya't ikaw, kausapin mo na rin ang nobya mo para sa pamamanhikan natin sa kanila." Tumango-tango si Tatay Romeo tanda nang pagsang-ayun niya sa anak. Nais pa nilang magpatuloy sa pag-uusap ngunit dahil maaga ring gigising ang binata ay naghiwalay na rin sila ng landas. Pumasok na rin sila sa kani-kanilang silid upang mamahinga. Nakaset na ang alarm clock ni Ronald para sa pagdating ng bus na sinakyan ng ina sa Vigan City. Kaya't oras na rin upang magpahinga sila sa gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD