CHAPTER SEVEN

2338 Words
Few days later... It's a bright Sunday morning. Dumiretso nang uwi ang magkasintahang Anna Marie at Paul nang natapos ang misa. Ngunit nawiwirduhan talaga ang dalaga dahil bukod sa panay ang buntunghininga nito ay para pa itong balisa. Kaya naman pagdating nila sa bahay ng mga ito na nakasanayan na rin niyang sumasama sa tuwing linggo. Hatid-sundo pa rin siya nito pero tuwing linggo siya sumasama sa kanilang bahay. "Love, may problema ka ba? Kaninang umaga ka pa ganyan ah. Ayaw mo na ba sa akin, love?" tanong niya. "Don't say that, love. Ikaw lang ang nakaukit sa puso ko. Hindi ko ugaling nangangako pero nais ko ring ipasigurado sa iyo na walang maaaring makapa sa iyo sa puso ko. Please don't think it that way, love." Hinarap agad ng binata ang kasintahan dahil sa tinuran nito. "Hmmm, kung ganoon bakit kanina ka pa ganyan? Aba'y, love naman eh. Ano ba kasi ang problema mo?" nakangusong tanong ng dalaga. "Bago ko sasagutin ang tanong mo, love. Maari bang magtanong muna ako sa iyo?" balik-tanong niya. "Oo naman, love. Sige na, ano ba iyon?" muli ay tanong mg dalaga. "Kung may malalaman ka ba tungkol sa akin ay magagalit ka? Paano kung may inililihim ako sa iyo, mapapatawad mo ba ako?" tanong niya. Naupo naman ng maayos ang dalaga. Hawak-hawak ng kasintahan niya ang kaniyang palad ngunit hindi iyon sagabal sa pag-upo niya ng tuwid. Nakipagtitigan siya sa kasintahan. Ngunit agad nitong binawi ang paningin kaya't nakumpirma niyang may problema ito. Idagdag pa ang sinasabing inililihim. "Love, lahat ng bagay ay napag-uusapan. Maaari naman nating pag-usapan iyan kung ano man ang sinasabi mong inililihim mo. Magagalit oo pero kagaya nang sinabi ko ay lahat ng bagay ay napag-uusapan. Ngayon, sabihin mo na kung ano ang nais mong tukuyon bago ako magalit ng tuluyan sa iyo," nakapout niyang tugon. Pilit niyang inaarok kung ano ang nais nitong tukuyin ngunit wala siyang mabasa sa isipan nito. Kahit ang mga linya nito ay wala rin siyang masabi. Nararamdaman lamang niya na may nais itong ipagtapat. Pero sa tanong nito kung mapapatawad niya? Of course, she will forgive him no matter what it is. "Hindi ako ordinaryong taxi driver, love ko. Isa akong alagad ng batas sa NBI department. Kung naaalala mo ang araw na umalis ka sa inyo ay napadaan lang ako roon dahil sa misyon ko. Isa akong undercover agent, love ko," anito. Kaya naman ay napangiti siya. Ngiting nauwi sa hagikhik. Napahagikhik siya dahil akala naman niya ay ano na ang nais nitong ipagtapat. Actually, napansin na niya iyon dahil sa pananalita pa lamang nito ay hindi ito ordinaryong taxi driver. Isinantabi lamang niya dahil ayaw niyang isipin nito na pinapangunahan niya. Nang nakuha niya ang sariling magsalita na sana ay naunahan naman siya nito. "I'm sorry, Anna. Pero iyan ang totoo, isa akong alagad ng batas kaya minsan hindi mo ako nakikita, minsan bigla akong hindi nagpaparamdam dahil sa trabaho. Alam mo naman siguro ang batas ay hindi puweding ihalo ang personal na buhay kaya't kahit gustong-gusto kong magpaalam sa iyo ay hindi ko na nagagawa. I'm really sorry, love ko," bakas sa tinig nito ang sinseridad sa paghingi ng paumanhin sa kaniya. Hindi pa rin makapaniwala si Anna dahil sa narinig, akala niya ay sa mga drama at kuwento lang nangyayari ang mga bagay na iyon. Napapangiti tuloy siya dahil sa pahayag nito, idagdag pa ang expression ng mukha nito. Kaysarap kurot-kurutin ang pisngi nito. "Love, magsalita ka naman oh. Sumbatan mo ako kung iyan ang makapagpapagaan sa damdamin mo. Alam kong panloloko ang ginawa ko pero hindi naman iyon intentionally. Mahal na mahal naman kita at hindi na 'yun magbabago," pagsumamo pa ng binata. Hindi naman siya galit. Siguro nga ay nagtampo siya pero hindi siya galit. How can she get mad to him samantalang call of duty naman ang dahilan ng hindi nito pagpaparamdam. Nais lang naman niyang namnamin ang pagsuyo nito. Magkasintahan na sila pero in every little thing na ginagawa nito sa kaniya ay kinikilig talaga siya. Kasali na ang paghahatid-sundo nito sa kaniya, nakaakbay kahit sa public place, nanghahalik kahit kaharap ang ina. And most of all ay ang walang kasawaan nitong pagsasabi ng mahal na mahal siya. Dahil sa kaisipang iyon ay hindi na niya napigilan ang napangiti bagay na hindi nalingid sa kasintahan. "Pinagtatawanan mo naman ako love eh." Para tuloy batang niloloko ang hitsura ni Paul ng oras na iyon dahil sa pagkamot nito sa ulo. Idagdag pa ang expression ng mukhang halatang hindi mapakali. "Sira ka talaga, love. Hindi naman ako galit sa iyo, nagtampo oo sure iyan dahil nga ilang araw ka ring hindi nagparamdam. Subalit ang malaman kong isa kang alagad ng batas, tagapaglingkod, at tagapagligtas ng mga mamamayan ay sapat na iyon upang mabura ang agam-agam ko. I love you, Sir my love," nakangiting sambit ng dalaga. Dahil dito ay hindi na nagpatumpik-tumpik ang binata. Agad niyang hinawakan sa magkabilang palad ang kasintahan ay bahagya siyang umusog upang mas mapalapit dito. Idinikit niya ang kaniyang noo sa noo nito. Tuloy ay para silang naghahalikan. "Thank you, love ko. Magpakasal na tayo, love. Gusto ko kasing makasama ka sa bawat oras lalo na kapag nandito ako sa bahay," aniya. Sa biglang tingin ay parang naghahalikan ang mga ito pero sa malapitan ay makikita ang tama. Ngunit siya naman ang napangiti dahil sa isinagot nito. "Hmm... Pumunta ka muna sa bahay upang kausapin mo sina Tatay at Nanay. Aba'y kapag nagkataon na babae ka ay ganyan din ang nais mong mangyari," anito. Naka-pout man pero sa kaloob-looban ay halatang kinililig. Bugso ng damdamin ay tuluyan na niya itong niyakap ng mahigpit. Hindi pa siya nakuntento kaya't tumayo siya saka isinayaw-sayaw. Saka pa lamang niya ito ibinaba nang nakaramdam sila ng pagod. Hinawakan niyang muli ang magkabila nitong pisngi saka hahalikan akmang ilalapat ang labi sa labi nito. Ngunit eksakto namang pumasok ang ina niya. "Hep! Hep! Umayos ka anak hindi porke't nandito ka sa pamamahay natin ay magagawa mo na ang gusto mo. Aba'y mamanhikan ka muna kina Pareng Romeo at Aling Rosa kung gusto mong makahalikan ang nobya mo." Nakapamaywang na pambabara ni Aling Eva sa anak. Bagay na ikinatawa ni Anna. Hindi niya mawari kung bakit madali niyang nakapalagayan ng loob ang ina ng nobyo. Kahit noong bagong salta pa lamang siya sa lugar na iyon ay ganoon na ito sa kaniya. Palangiti at lagi itong may baong biro. Hindi nauubusan ng comforting words. "Si Inay talaga oo panira ka ng moment eh." Napasimangot at kakamot-kamot tuloy sa ulo ang binata. "Aba! Aba! Hoy! Paolo Marcus, ang tatay mo nga ni hindi ako inakbayan hanggat hindi kami kinasal. Hala ihatid mo na si Anna at makapagsabi ka na roon. Huwag mo akong daanin sa pagsimangot diyan." Napatawa na ring pagtataboy ni Aling Eva sa anak. Para naman kasing batang pinapagalitan ang hitsura nito. Kaya naman walang nagawa ang binata kundi ang sumunod sa pinapagawa ng ina. Subalit kahit hindi siya sabihan ng kahit sino man ay talagang plano niyang kausapin ang nobya tungkol sa pagpapakasal nila. He really love her and he wants her always on his side. Sa tahanan ng mga Garcia, hindi na kagaya ng dati ang sigla sa buong paligid. Unti-unti na ring iginugupo ng depression ang Don. Dahil sa pag-aakalang palubog na talaga ang kumpanya. Ang kumpanyang pinaghirapan nilang mag-asawa. "Helen, anong gusto mong kainin? Ako na ang gagawa," saad ng Don isang gabi bago niya ito pipainum ng panggabing gamot. "Bakit ikaw ang gagawa, Amador? Wala na ba ang mga kasambahay natin?" may pagtatakang tanong ng Ginang. "Hindi naman sa ganoon, Helen. Subalit sinasanay ko na ang sarili ko na ako ang mag-alaga sa iyo. Siguro nagtataka ka dahil ako na ang gagawa na dati gawain ng mga katulong natin," sagot ng Don. Nakakapanlulumo lang talaga ang mga pangyayari sa kanilang pamilya. Pinalayas niya ang kaniyang bunsong anak at papalubog pa ang kumpanya nila. "Salamat, Mahal, dahil bumalik na ang dating maalaga kong asawa. I miss the old Amador whom I love the most. Itulak mo na lang ang wheelchair ko mahal sabay na lang tayong kakain." Nakangiting tiningala ng Ginang ang asawa. Kailanman ay hindi niya magawang magalit dito. Inunawa niya ito hanggang sa abot ng makakaya niya. Hindi tuloy alam ng Don kung ano ang unang sasabihin sa asawa. Tama naman kasi ito. Maalaga siya kahit busy siya sa trabaho. Napalago nilang mag-asawa ang kumpanya. Ngunit noong isinilang nito ang bunso nila ay unti-unti siyang nagbago. Ibinunton niya lahat ang galit sa anak dahil nalumpo ang mahal niyang asawa. "I'm sorry, Mahal. Patawarin mo sana ako kung naging palalo ako. Naging bulag ako, naging bingi sa katutuhanan. I'm so sorry kung nagpadala ako sa galit ko. I'm really sorry, Mahal," sa kawalan nang masabi ay iyon ang mga katagang namutawi sa labi ng Don saka niyakap ang asawa na nakaupo sa wheelchair. "It's alright, Mahal. Huwag kang mag-alala dahil kailanman ay hindi nagbago ang pagmamahal ko sa iyo. Magsimula tayong muli, hanapin mo ang anak natin para bumalik dito sa bahay I'm sure babalik din si Rosa. Hindi pa naman siguro huli ang lahat upang magpabagong-buhay tayo." Gumanti ito nang yakap sa kaniya. Damang-dama niya ang kasenseruhan sa mga binitawan nitong salita. Kaya naman ay natigilan siya. Aminado siya sa mga pagkakamali lalong-lalo sa bunsong anak ngunit ang hanapin ang ito samantalang na wala siyang kaalam-alam kung nasaan ito ay nagbibigay ng malaking puzzles sa kaniya. Mali, alam niya kung nasaan ito ngunit ayaw niya itong mapahamak kaya't hindi na niya binaggit kahit kanino. Hindi lang niya alam kung aware ang asawa niya na nasa pangangalaga ito ng Yaya nito. "I know it's not easy, Mahal. Subalit mabait ang anak natin kahit hindi kasing talino ng mga kapatid niya ay sigurado at alam kong mauunawaan ka niya," sa pag-aakalang iyon ang dahilan kung bakit natigilan ang asawa ay iyon ang nasabi ni Helen. "Alam kung karma ko na ito sa pagpapalayas ko sa kaniya rito, Mahal. Imbes na unawain at suportahan ko kung ano ang nais niya ay kinutya ko pa siya. Alam ko kung nasaan siya Mahal, pero mas malala pa roon ang bumabagabag sa akin at hindi ko alam kung paano ito sabihin sa iyo, Mahal." Kumalas ang Don sa pagkakayakap sa asawa. Bago sumagot muli ang Ginang ay tinapunan muna ng makahulugang tingin ang pintuan na para bang sinasabing lock the door. Agad naman itong nakuha ng Don kaya't inunahan na sa pagsasalita. "Walang tao, Mahal. Bukod sa ating dalawa at mga katulong ay wala ng iba pa. Bakit may mahalaga ka bang sasabihin, Mahal?" Napaangat ang tingin ng Don sabay locked sa pinto. "Hindi ko alam kung makakabuti itong sasabihin ko sa iyo, Mahal. Ngunit bakit hindi mo ba papaimbistigahan ang madalas ninyong pagtalunan ni Armando? Oo marahil nga ay bilanggo ako ng upuang de-gulong na ito pero hindi ibig sabihin noon na bingi at bulag ako sa mga pangyayar," saad ng Ginang. "I did it already, Mahal. Ngunit ganoon at ganoon pa rin ang resulta. Talagang pabulusok ang kumpanya." Umiwas nang paningin ang Don. Buong pagkakaalam niya ay walang kaalam-alam ang asawa niya ngunit iyon pala ay aware ito sa mga kaganapan. "Don't be shy, Mahal. Ang makapag-isip-isip ka ay sapat na para maunawaan kita. Managing a company is not that easy. Nakapagpa-imbistiga ka na sabi mo 'diba? Sino ang kasama mo? Kanino at kailan kayo nagsagawa ng imbistigasyon?" tanong ni Helen. "Kami ng mga anak natin, Mahal. Sina Christina at Armando at ang mga taga financial department." Hinila ng Don ang wheelchair ng asawa saka inilapit sa sofa saka muli itong hinarap. "Kaya pala hindi ka na masyadong pumapasok, Mahal. I'm not saying na wala akong tiwala sa mga anak natin pero try to have a secret investigation towards them. Hindi na tayo mga bata at higit sa lahat hindi na tayo baguhan sa mga ganyang bagay. Alam kong alam mo rin ang ibig kong sabihin," muli ay pahayag ng Ginang. "Mahal?" tanging sambit ng Don sa sinabing iyon ng asawa. "Yes, Mahal. Mag-imbistiga ka ng sarili mo. Hindi mo ba napapansin na tuso ang dalawa? Well hindi naman sila dating magka- close pero this past few months lalo ng umalis si bunso parang biglang nagkamabutihan ang dalawa? Mahal you heard me right, saftey ang kumpanya pero ikaw ang dapat tumuklas kung sino ang may kagagawan sa pagbulusok ng kumpanya. Are you not aware too of falsification of the documents? Did you forget all those what we've learnt way back then? If all the original papers is with you, kahit ano pang gawin ng sumasabutahe sa iyo ay hindi nila makukuha ang kumpanya kahit makakuha pa sila ng pera but as I told you safety ang kumpanya natin. Just do what I'm telling you, Mahal," mahabang paliwanag ng Ginang. "I'm so sorry, Mahal. Nahihiya tuloy ako sa iyo. It's been a while simula ng ako ang namahala sa kumpanya. Hindi ko naisip na kahit bilanggo ka ng upuang iyan ay hindi tumigil ang isipan mo. Hayaan mo mahal I'll do what you've said. I'm sorry again, Mahal." Tumayo ang Don saka niyakap ang asawa. Tama naman lahat ang sinabi nito. Walang makakakuha sa kumpanya dahil nasa kanilang mag-asawa ang full authority. "That's ingredients of life so nothing to worry, Mahal. I never change mahal kita, Amador. Kaya nandito at lumalaban pa rin ako para sa iyo at mga anak natin. But for now baka naman puweding kain na muna tayo, Mahal?" mula sa seryosong usapan nilang mag-asawa ay nakuha pang nagbiro ni Helen. Kaya naman ay naginhawaan na rin ang Don narinig. Kahit kailan ay hindi siya pinabayaan ng asawa. Ito lagi ang nakakaunawa at nakasuporta sa kaniya kahit sabihing minsan ay napapabayaan na niya ito. Kaya naman aminado siyang nahihiya siya dito. Hinagkan muna niya ang asawa sabay bulong ng "mahal din kita, at maraming salamat ". Ilang sandali pa ay masaya na silang nagtungo sa kusina. Kumbaga sa mga bagong kasal, pinagsilbihan ng Don ang asawa na para bang mga teenagers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD