Isang gabi sa hapag kainan. Nandoon silang lahat. Dahil nakasanayan naman nilang lahat na magkakasabay sa hapunan. Bihira rin silang sabay-sabay kumakain ng sa umaga dahil na rin sa maagang pumupunta sa bukid ang mag-asawa. Silang tatlo na nag-aaral ang talagang sabay sa umaga kahit pa sa lunch subalit simula nang nakilala niya ang kaibigan niya ay mas madalas na silang magkakasama. Idagdag pa ang bago nilang friendship. Salitan ang pinupuntahan nila. Minsan sa bahay ng tiyuhin ni ZJ kung saan ito nakatira. Minsan sa apartment naman ni Leonard. Ang Ate Jamaica at Zandro na lamang ang madalas magkasama. "Malapit na ang pagtatapos ninyo mga anak. Ibig kong sabihin kayong dalawa, Zandro at Jamaica, may kurso na ba kayong napili para sa kolehiyo?" tanong ni Mang Ronald. "Gusto ko pong maging