Few years later... "Hi, bakit ka nag-iisa rito?" tinig na nagpaangat sa paningin ni JM. Ilang araw pa lang ang nakakaraan simula pumasok silang muli sa paaralan. Kasalukuyang na silang nasa sekondarya ng Ate niya. Iyon nga lang ay nasa second year ito samantalang siya ay first year. Sa ilang araw nila sa school ay sa araw na iyon lang may namansin at lumapit sa kaniya. Kaso hindi yata nito nahintay na sasagot siya kaya't muli itong nagsalita. "Ilang araw na kasi kitang nakikitang mag-isa. Kako baka gusto mo ng friends kaya ako lumapit upang makipagkaibigan sa iyo. Ako nga pala si Zack Joseph Santiago. First year student as you are." Inilahad pa nito ang palad. Ayaw niyang maging bastos dahil iyon ang dahilan kung bakit napapaaway siya noong nasa Elementary pa lamang sila ng Ate niya. L