Few days later... "Captain Marcus, tawag ka ni Boss," dinig niyang pukaw sa kaniya ng isa sa mga kasamahan. "Sige paki-sabi pupunta na ako," tugon niya subalit hindi pinagkaabalahang tingnan ang kausap. Kaya naman ay hindi niya napansin ang pagdating ng opisyal na nagpapatawag sa kaniya. Nagulat na lamang siya nang nagsalita ito. "You may go now, Amos. I'll talk to captain Marcus here," tinig ng superior nila kaya naman napatayo bigla ang dalaga saka sumaludo. "Carry on, Captain Marcus." Tumango ang General bilang sagot. "Take a sit, Sir. Gusto n'yo po ba ang kape? Or water na lang po?" hindi tuloy maiwasan ng dalaga ang mataranta dahil sa hindi inaasahang pagdalaw ng ama ng Camp Kidapawan sa kaniya. Feeling niya tuloy ay VIP siya sa araw na iyon samantalang pantay-pantay sila kung i