Nakapag-usap-usap na sila sa nagdaang gabi subalit kailangan nilang mapaniwala ang may sakit na si Lola Rosa na wala silang nalalaman. Ayaw nilang dagdagan pa ang alalahanin nito. Lagi nitong hinahanap ang bunso ng pamilya. Gusto raw nitong makita kaya't kailangan nilang gagawa ng paraan upang makausap Ito. Kaya naman ay kahit labag sa kalooban nila ay nagkunwari sila sa harap nito. "Tumawag na ba ang kapatid mo, anak?" tanong ni Mang Ronald sa manugang. "Hindi pa nga po, Papa. Matagal na siyang hindi umuwi pati pagpaparamdam sa tawag at text ay hindi na rin niya magawa. Baka busy po sa trabaho," tugon ni Jamaica na labis-labis ding nanalangin na huwag makahalata ang abuela nila na napag-usapan na nila ang tungkol doon. "Ganoon na nga siguro, anak. Sana magparamdam na siya para hindi na