"Mahal mo ba talaga ang anak ko, Iha?" magiliw na tanong ni Christina sa anak ng investor nila. Kung papalarin ay makipagsosyo rin sila. "Opo, Tita. Matagal ko na pong gusto si Michael Carrick," tugon ni Ellysa. "Gusto mo ba siyang mapasaiyo ng tuluyan?" muli ay tanong ng Ginang. Sa isipan niya kaunting-kaunti na lamang ay mapapayag na niya ito. Alam naman niya ang mga bagay na iyon subalit kailangan niyang magsigurado. Ayaw ng anak niya sa usapang dasalan ay gagawin niya sa santong paspasan. Wala namang ibang makikinabang sa kayaman nila kundi ito rin. Sadya nga lamang na hindi niya maunawaan kung bakit hindi nito kayang mahalin ang dalagang Cojuanco. Maganda ito, edukada, at higit sa lahat ay mayaman ito. At iyon ang kailangan nila. Ang kayaman ng mga Cojuanco upang maiahon at maisalb