As the days goes on!
"Ilang araw na lang, love. Magiging ganap na tayong mag-asawa. Saan mo gustong ipagdaos ang pulot-gata natin?" tanong ni Paul sa kasintahan.
"Wala, love. I mean hindi na kailangan iyan. Alam kong gusto mong ibigay ang lahat para sa akin at labis-labis ko iyang ipinagpapasalamat. Ang pagmamahal mo sa akin ay sobra-sobra na. I can't ask for more, love ko. Tayo lang naman nina Nanay sa bahay kaya't bakit pa tayo aalis? Doon na lang tayo hindi pa tayo gagastos ng mahal." Humarap siya sa kasintahan saka niyakap.
Wala na siyang mahihiling pa. Subrang bait nito, para siyang baby kung ituring. Siya pa nga ang nahihiya rito dahil wala na yata siyang sinabi na hindi nito sinunod. Hindi na nga siya nagsasabi minsan ngunit kusa rin nitong ginagawa.
"As you wish, love ko. Pero kung sakali mang magbago ang isipan mo ay sabihan mo ako. Alam kong matagal mo nang pinapangarap ang magpuntang Baguio. So what if doon tayo?" pagbabakasakaling wika ni Paul.
Sa kalooban niya ay mas humahanga siya sa katapatan at kasimplehan ng kasintahan niya. Kung ibang babae siguro ito ay sinamantala na ang pagtatanong niya. Pero pinanindigan nito ang pagsalungat sa sinasabi niyang pulot-gata sa ibang lugar. Umiling-iling ito saka tumingala sa kaniya.
"Salamat, love ko. Pero alam ko ring may trabaho kang naghihintay sa iyo. Ayaw ko sanang sabihin pero tandaan mong hindi mo lang pag-aari ang buhay mo. Ang taong bayan na umaasa sa tapat at magiting na mambabatas na tulad mo. Ang mapanindigan mo ako at maiharap sa altar ay labis-labis na. All I want is you, love ko." Hinagkan siya nito ng kusa saka muling yumakap sa kaniya.
Ayaw niya itong mapahiya kaya't tumugon siya sa yakap nito. Pero kumalas siya makaraan ng ilang sandali saka niya hinawakan ang magkabila nitong palad. Dinala niya ito sa kaniyang labi at hinagkan. He really love everything about his girlfriend. She's not demanding instead she always pursuing and supporting him on his plans.
"I love you so much, love ko," aniyang muli habang hawak-hawak niya ang mga palad nito.
"And I love you even more, love ko. Pero teka lang, baka naman kakagatin na tayo ng mga langgam dito? Mukhang masyado na tayong sugary." Nakatawang panunukso ni Anna Marie sa kasintahan.
Kaya naman ay napahalakhak siya. Isa pa iyon sa nagugustuhan niya rito. Napapatawa siya nito even in a simplest way. Kagaya ng hapon na iyon habang nakaupo sila sa tabing-dagat. They are exchanging their jokes even in a sugary ways. Pero dahil nagsisimula nang lumaganap ang dilim ay magkahawak-kamay silang naglakad pabalik sa motorcycle niya. Ihahatid pa niya ito sa kanila bago siya uuwi sa tahanan nilang mag-ina. Kung tutuusin ay walking distance lang naman ang tabing-dagat sa bahay nila Aling Rosa ngunit sinundo kasi niya ito kaya't nakamotor sila.
Kinagabihan, kinausap ng mag-anak ang dalaga tungkol sa nalalapit nitong kasal.
"Anak, sigurado ka bang hindi mo na ipapaalam sa mga magulang mo ang tungkol sa kasal ninyo ni Paolo?" tanong ni Aling Rosa.
"Tama nga naman ang Nanay mo, anak. Kahit ano pa ang mangyari ay sila pa rin ang magulang mo. Mapapalitan mo ang mga kaibigan, asawa, kapatid, ngunit ang magulang ay hindi iyan mapapalitan. Nagpapasalamat kami dahil itinuturing mo kaming tunay na kapamilya ngunit mas may karapatan pa rin ang mga magulang mo. Kung hindi man sila makakadalo ay atleast naipaalam mo sa kanila," pahayag din ni Tatay Romeo.
Nagpakawala ng malalim na hininga ang dalaga. Dahil wala naman sa isip niya ang ipaalam sa mga magulang ang kasal nila ng kasintahan niya. Hindi naman kagaya ng ibang anak mayaman na bongga ang kasal. Maaaring bongga na para sa taga-probinsiya ngunit sa siyudad ay simple. Ngunit balewala iyon. Dahil simula nang umalis siya sa magara nilang pamamahay sa siyudad ng Quezon ay kinalimutan na niya ang tungkol sa pagiging anak mayaman niya.
"Sis? Okay ka lang? Hindi ka naman namin pipilitin na ipaalam sa kanila kung ayaw mo kaya ngumiti ka na riyan. Aba'y baka biglang sumulpot si Pareng Paul iisipin pa niyang pinapaiyak ka namin," hindi na rin nakatiis na sabad ni Ronald dahil sa pananahimik ng dalaga. Biro lang naman niya iyon ngunit talagang nag-aalala siya dahil bigla itong nanahimik.
Hindi naman kasi nila ito masisi dahil sa ilang buwan nitong paninirahan sa kanila ay ni tawag o pangungumusta ay hindi nagawa ng mga magulang. Alam din nilang lihim itong umiiyak pero hindi ipinapaalam sa kanila kaya hindi nila ito masisi kung ayaw ipaalam at imbitahin ang mga magulang sa araw ng napakahalagang araw sa buhay. At tama nga sila sa kanilang sapantaha.
"Sorry po, Nanay, Tatay, at Kuya Ronald pero hindi ko kayo mapagbibigyan sa bagay na iyan. Alam kong masama at wala akong karapatang magkimkim ng sama ng kalooban subalit nauunawaan n'yo rin siguro ako. Simula nang umalis ako sa bahay namin sa Quezon City ay itinuring ko na ring wala akong ibang pamilya kundi kayo na kumupkop sa akin. Nagagawa ko rin ang dikta ng damdamin ko at malaya akong nakakapagsulat na naaayun sa aking kalooban. Sino ba ang umunawa at tumanggap sa akin? Kayo hindi po ba? Kanino ba ako sumandal simula nang pinalayas ako ni Daddy hindi po ba sa inyo rin? They never become proud of me alam n'yo po iyan. Samantalang sinupurtahan n'yo po ako mula nang natanggap ako sa trabaho hanggang kasalukuyan. On what reason na ipaalam ko pa sa kanila ang kasal namin ng kasintahan ko? I know hindi naman naghihirap ang pamilya na pinanggalingan ng mapapangasawa ko pero ayokong ipaalam sa kanila ito. Dahil ayaw kong lait-laitin din nila ito kagaya ng madalas sabihin sa akin ni daddy na bobo, walang mararating sa buhay, mangmang at iba pa. Sorry po hindi ko po talaga kayo mapagbibigyan," mahaba-habang pahayag ng dalaga talikod saka humagulhol patakbo sa tabing dagat.
They're all speechless!
Kaya naman hindi agad sila nakapagsalita. Ngunit makaraan ng ilang sandali ay nakahuma ang Ginang. Binalingan niya ang anak saka inutusang sundan ang dalagang tumakbo sa tabing-dagat.
"Sundan mo anak baka kung ano pa ang maisipang gawin," utos ni Nanay Rosa sa anak na si Ronald.
Pero hindi pa ito nakakagalaw ay yakap-yakap na ito ng mapapangasawa. Kalsada lang naman kasi ang pagitan ng bahay nila at ang dagat. Iyon nga lang ay may mataas itong wall para hindi manganib ang taong bayan kapag may bagyo. Dahil sa seryoso nilang pag-uusap ay hindi nila napansin ang paglapit ng motor ni Paul at narinig ang pinag-usapan.
Pinapunta siya ng kaniyang ina upang ibigay ang halagang para sa handa nila. Civil wedding ang kasal nila pero hindi pumayag ang Nanay niyang wala silang handa. Wala ring nagawa ang mag-anak dahil ang dahilan ng kaniyang ina ay siya lang ang anak nito kaya't nararapat lamang na may handaan. Subalit kinakausap pala nila ang kasintahan niya at aksidenting narinig niya ang lahat.
Actually he can give the best wedding to her that every woman needs pero ayaw din niyang ma-offend ito kaya pinagbigyan niya ang kahilingan nito na pribado. Sa munisipyo sila ikakasal. Ayun dito ay hindi sa pabonggahan nasusukat ang katatagan nang pagsasama ng mag-asawa kundi sa tunay na pagmamahal. Hindi na rin nila sinalungat dahil alam nilang may phobia ito sa ama.
"Love, huwag ka nang umiyak hindi naman kita pipiliting itawag para sa kanila ang kasal natin kung ayaw mo. Ayaw kong nakikitang umiiyak ka. Please stop crying, love ko." Hinaplos-haplos niya ang kasing-itim ng gabi nitong buhok. Ngunit patuloy ang pag-iyak nito kaya naman ay hinayaan na lang muna niya ito na ilabas lahat ang panaghoy sa kalooban.
Ilang sandali rin ang pinalipas ni Anna Marie bago nahamig ang sarili. Nakasubsob naman kasi siya sa dibdib ng kasintahan niya. Kung paano nga ito napunta sa kanila ay hindi na niya nalaman samantalang ihinatid na siya nito bago dumilim. Subalit labis-labis ang pasasalamat niya dahil sumunod ito sa kaniya at nailabas niya ang bigat sa kalooban niya. Actually, nadala lamang siya sa sariling emosyon.
"Umiiyak na naman ako sa dibdib mo, love ko. It's already six months since we've met as you stayed with me inside the bus. Nakatadhana talaga tayo ano? You're always there when I need someone to lean on, love ko," sumisinok niyang sabi nang nahamig niya ang sarili.
"Oo, love ko. At dalawang araw mula ngayon ay ikakasal na tayo sa munisipyo. Magkakasama na tayo araw-araw. Pero huwag ka naman sanang iiyak araw-araw dahil baka mapalo ako ni Inay ng wala sa oras. Smile na, love ko. Naghihintay na sila Nanay Rosa at Tatay Romeo. Baka nga masapak ako ni bayaw Ronald dahil umiiyak ka na naman," nakangiting tugon ng binata.
Binibiro lang naman niya ito dahil gusto niya itong ngumiti. Mas nahihirapan siya kapag nakikita niya ang bolang crystal sa sulok ng mata nito. Kaso kinurot naman siya nito ng pinong-pino. Kurot na nauwi sa ilang sandaling harutan sa tabing-dagat. Ganoon pa man ay magkaakbay silang bumalik sa kinaroroonan ng mag-anak. Ipinagpatuloy nila ang usapang civil wedding.
So it be!
Ang civil wedding nila!
It's just a simple wedding!
They only want to have a blessing and consent to live together as husband and wife. Dalawang pares ng ninang at ninong lang ang kasama nila. Ang ina ni Paul na si Aling Eva, sina Aling Rosa at Tatay Romeo. At sina Ronald at ang kasintahan nito. And most of all the municipal mayor with the municipal civil registrar official who will record the wedding.
They're both in legal age kaya naman ilang minuto lang ang lumipas ay ganap na silang mag-asawa.
Mr and Mrs Marcus!
"Puwedi mo nang halikan ang asawa mo, Officer Marcus. Huwag na kayong magkahiyaan total legal na kayong mag-asawa," mapanuksong sabi ng mayor dahil parehong namumula ang dalawa at mas namula pa dahil sa panunukso niya.
Kaya naman ay kinabig ni Paul ang kaniyang asawa. Hinawakan sa magkabilang pisngi saka ngumiti ng mas matamis pa sa honey dew. As he says I love you. Then he kissed his wife with full of love, respect, and passionately.
Kinahapunan nang natapos na ang lahat. Sila-sila na ang maiwan dahil nagsiuwian na rin ang mga dumalo sa handaan. Ang kulang na lamang ay uuwi ang mag-asawa sa bahay nila Paolo o Paul. Sa bahay kung saan nila bubuuin ang kanilang pamilya.
"Huwag mong sabihing pinapaalis na kita, Adeng. Ngunit kailangang sumama ka na kay bayaw Paolo. Mag-asawa na kayo kaya't siya na ang may karapatan sa iyo. By the way, masaya ako para sa inyong dalawa." Nakangiting inilahad ni Ronald ang palad sa mag-asawa.
"Ikaw naman, Kuya Ronald. Siyempre uuwi pa rin ako rito dahil dito ang bahay natin, hindi ba Nanay?" masaya ring tugon ni Anna Marie.
"Oo naman, anak. Ngunit kagaya nang sinabi ng Kuya Ronald mo ay may asawa ka na kaya't hindi ka na basta-basta nakakalabas o nakakagala na wala siyang pahintulot. Kung gusto mong pumarito ay nararapat lamang na ipaalam mo sa kaniya." Tumango-tango ring pagsang-ayun ng Ginang.
Kaya naman sumabad na rin ang mag-inang Paul at Eva.
"Mag-adjust pa siya sa bahay dahil dito na siya nasanay kaya't hayaan n'yo lang siya na pumarito anumang oras. Kung sakali mang nasa trabaho ang anak ko at gusto niyang pumarito ay ako na mismo ang sasama sa kaniya," wika ng huli.
"Tama po ang Nanay ko, kung anuman po ang nakasanayan niya noong hindi pa kami mag-asawa ay malaya pa rin niya itong magagawa. Ayaw ko po siyang higpitan. Saka alam ko naman pong dito lang din siya tutungo," segunda naman ng una.
At nagpatuloy sila sa kanilang pag-uusap. Simple man ang naging kasal nila ngunit masayang-masaya naman sila. Ang kasiyahang naidulot nang pag-iisang dibdib nila ay hindi matatapatan ng kahit anumang halaga ng pera. That special day for them will be buried deep into their hearts and souls for the rest of their lives. Because they love each other unconditionally.
Later that night, as a newlyweds does, they spent their first night in making love. They made love again and again until their lustful feelings subsided. Ipinaunan ni Paul ang asawa sa braso niya saka yumakap dito. Napaiyak pa nga ito sa unang pasok niya. It's his first prize that night is his wife virginity. Pero kalaunan din ay nakasabay na rin with his help. Inalalayan niya ito sa bawat galaw nila. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pagod sa marubdubang pagniniig nila ngunit mas nangingibabaw ang kasiyahan sa pagkatao nito. Para itong kuting na nagsumiksik sa dibdib niya.
"Thank you for this wonderful night, love ko. I love you so much." Hinagkan niya ito sa noo kasabay nang pagyakap niya rito.
"Masaya ako, love ko. Mag-asawa na tayo at magkakasama na araw-araw. Masasabi ko na rin as iyo bago matulog at paggising ko na mahal na mahal kita. Thank you for being my everything, love ko. I love you so much and I will love you for the rest of our lives," masaya ring tugon ni Anna Marie sa asawa.
Ngumiti naman si Paul sa asawa saka hinigpitan ang pagkakayakap dito. In his mind, they are both lucky to each other because they are contented of what they have. Asawa na niya ito kaya't gagawin niya ang lahat upang maalagaan ito at maipadama ang pagmamahal niya rito. At idinadalangin niyang sana ay biyayaan sila ng MAYKAPAL ng mga anak upang makumpleto ang binuo nilang pamilya.