CHAPTER NINE

2181 Words
"Akala ko ba okay na ang lahat, Christina? Ano ba ang nangyari at hindi naman pala natin maaring makuha ang pera? Napaniwala na natin si Daddy na palubog ang kumpanya pero anong nangyari?!" galit na tanong ni Armando sa nakababatang kapatid. "Relax huwag kang sumigaw, Kuya. Hindi makakatulong iyan sa problema natin ngayon," kampante pa ring wika ng dalaga na mas nagpainit sa ulo ni Armando. "What! How could I relax myself kung hindi naman pala natin magalaw ang pera? Look Christina, naka-freeze ang pera sa bangko at tanging sina Daddy at Mommy lang ang makakagalaw o makabukas ulit niyan tapos ngayon you're telling me to calm down? My God Christina! Even you hired someone to eliminated the financial officer of the company yet your still calming me? Have you gone mad at all?" Ayaw paawat ng binata dahil totoo namang hindi siya mapakali. Sa laki nang winaldas nilang pera para maging malinis ang paglilipat nila sa ownership ng kumpanya sa kanilang pangalan ay mas nakapagtataka na. It's questionable at all. Kung kailan malaki-laki na ang gastos nila ay saka pa lamang nila nalamang naka-freezed ang company account. Kaso mas umiinit ang ulo niya dahil sa pagpapakalma sa kaniya ng kapatid samantalang mas nararapat sanang ito ang higit na nakakaalam kung ano ang gagawin nilang hakbang. Without a word! The lady lawyer pulled her own gun from her bag and pointed out to her brother. "Ang sabi ko ay manahimik ka, Kuya! Huwag mo akong galitin dahil kahit kapatid pa kita ay hindi ako mangingiming tuluyan ka pa kung ayaw mong magpaawat. Sinabi ko namang huwag kang maingay dahil kaya kong gawan iyan ng paraan pero daig mo pa ang inahing manok na putak nang putak. Lintik naman, Kuya! Imbes na tulungan mo ako sa pag-iisip kung ano ang dapat gawin! But you're such a stupid jerk, do you know that?! Kung wala ka rin namang maitutulong sa akin, just shut up and hide from your fiancee's bones!" galit na sigaw ng dalagang abogada. Labis namang nahintatakutan si Armando dahil sa pagtutok ng kapatid niya sa kaniya ng baril. Oo inaamin niyang nakipagsabwatan siya rito upang makuha nila ang full rights ng kumpanya. Pero hindi niya inakalang kaya siyang pagsalitaan ng ganoon at higit sa lahat ang tutukan siya ng baril. Mas matapang pa ito kaysa sa kaniya. Hindi lang iyon dahil mas tuso ito kahit kailan. Kayang-kaya nitong paikot-ikutin ang kaganapan at heto siya ngayon. Mukhang siya na mismo ang pinapaikot-ikot nito. "Ngayon ay natahimik ka? I told you don't worry dahil gagawan ko iyan ng paraan eh. Hindi ko nga alam kung kakampi kita o hindi eh. Ano kaya kunh supurtahan mo na lang ako sa ginagawa ko total para sa atin din naman ito. Tama ka nagawa kong ipinaligpit ang opisyal ng financial department pero may naka-alam ba bukod sa atin at ang killer? Wala naman 'diba? Ang susunod nating gawin ay ang hanapin ang original papers ng kumpanya dahil ito ang magiging susi para mapasakamay natin ang full authority nito. Kapag nahanap natin ito ay malaya na nating magagalaw na rin ang pera sa bangko. At ito ang tandaan mo Kuya, kailangang mawala lahat sa landas natin ang magiging sagabal sa anumang plano and no one is exemption!" malakas nitong sigaw saka muling ibinalik sa bag ang baril at mabilis na iniwan ang hindi makahumang kapatid. "Damm that woman! Babae nga ba iyon o hayop? Ang gagang iyon siya pa lamang ang nakagawa sa akin ng ganoon! Pero teka lang, sabi niya ay kailangang mawala lahat ang mga balakid sa plano upang wala nang makakasagabal sa ownership ng kumpanya. Ibig bang sabihin ay kaya niyang ipapatay sina Mommy at Daddy? She is really a fearful woman!" Napakuyom ang palad ni Armando dahil sa pagngingitngit. Idagdag pa ang katutuhanang sumiphayo sa isipan niya. Kayang ipapatay ng kapatid niya ang kanilang magulang para lamang sa pera. Kung hindi lang sana niya kailangan ang pera ay hindi siya magiging sunod-sunuran dito. Sa paraan paraan pa lamang nang pananalita into ay plano na ito. Ngunit ang hindi mawala-wala sa isipan niya ay ang huli nitong sinabi. Kailangang mawala sa landas nito ang mga sagabal sa plano. As the days and months goes on... "May nakain ka bang hindi maganda kahapon, love?" may pag-aalalang tanong ni Paul sa asawa. Umagang-umaga ngunit wala itong sigla. Hawak pa ang tiyan na para bang namimilipit sa sakit. Malamig naman ang simoy ng hangin ngunit parang pinapawisan din ito. Pero baka naman naglilihi na ang mahal niyang asawa? Ilang buwan na rin silang mag-asawa at bihira lamang na walang nangyayari sa kanila sa gabi. "Hmmm, love, maaring magtanong? Hindi ka naman ganyan dati pero ngayon umaga ay biglaan yata. May baby na ba tayo, love? Bahagi na ba ito nang paglilihi mo?" masuyo niyang tanong kasabay nang paghaplos niya sa noo nito upang punasan ang tagaktak na pawis kahit umagang-umaga. "H-hindi ako siguro, love. Dahil dumating pa naman ang buwanang dalaw ko noong---" pero hindi na rin natapos ni Anna Marie ang pananalita dahil naduduwal siya. Sapo ng isang palad niya ang sumasakit na tiyan samantalang nakatakip naman ang isa sa bibig niya upang pigilan ang pagduduwal niya. Kaya naman sinundan niya ito. Hinaplos-haplos ang likuran niya ang likuran nito upang kahit papaano ay maibsan ang nararamdaman. Sa isipan niya ay may nabuo na siyang hinala. Maaaring naglilihi na ito na hindi namalayan. "I-im sorry, love. Pasok ka na sa trabaho mo. B-baka mahuli ka na," namumulang wika ni Anna Marie sa asawa. Hindi naman kasi siya sigurado kung buntis na na siya pero ilang araw na niyang napapansin ang pangangasim ng sikmura niya. Pinapawisan pa siya kahit malamig ang simoy ng hangin. May oras pa na gustong-gusto niyang nakikita ang asawa niya kahit wala siyang masabi. Kaso dinatnan naman kasi siya sa buwang iyon kaya't hindi niya naisip na maaring naglilihi nga siya. "It's okay, love ko. Wala namang problema dahil may service ako. Ikaw ang inaalala ko baka kung ano na iyan. Huwag ka nang papasok sa trabaho, love. Gusto mo bang magpacheck up?" masuyo nitong tanong sa kaniya. "Okay lang ako, love ko---" kaso muli ay naputol ang pananalita niya dahil naduduwal na naman siya. Kung ilang sandali siyang nasa ganoong sitwasyun ay hindi niya alam. Nahihiya na nga siya sa asawa dahil hindi makaalis-alis dahil nakaalalay sa kaniya. Panay ang pagduduwal niya kahit wala namang maisuka. Panay pa ang punas nito sa pawis niya na hindi matukoy kong naiinitan nga ba siya o ano dahil malapot ang pawis niya. "Paolo Marcus aba'y bakit hindi mo na lang dalhin ang asawa mo sa clinic? Kapag ako ang mainis sa iyo talagang papaluin kita. Nakikita mo na ngang namumutla siya tapos hindi mo man lang maisipang gawin ang tama?" Napatingin silang mag-asawa sa Ginang na nakapamaywang. "O-okay lang po ako, Inay," nautal na sabi mo Anna Marie. Pero nagsisinungaling lamang siya sa bagay na iyon. Umiikot na nga ang paningin niya sa oras na iyon. Masamang-masama ang pakiramdam niya ngunit ayaw niyang liliban ang asawa niya sa trabaho. Tapos nasa harapan na nila ang biyanan niyang sa pag-aakala niya ay nangabilang bahay. Nagsabi naman kasi ito na may pupuntahan sa araw na iyon. "Anak, alam kong gusto mo lang itago ang tunay mong karamdaman dahil ayaw mo kaming mag-alala sa iyo. Pero tama ang asawa mo na mas magandang magpacheck up ka upang malaman natin kung ano ang dahilan ng pagkakaganyan mo. Kung dinatnan ka kamo sa buwang ito ay baka iba na iyan kaya't huwag ka nang sumalungat, anak," malumanay nitong sabi sa kaniya. "Pero may trabaho po siya, Inay." Napatungo siya dahil nahihiya siya rito. "Kahit na, anak. Maaari naman siyang liliban ngayong umaga upang masamahan ka niya sa clinic. Mamayang hapon na lamang siya papasok sa trabaho. Saka mas iniisip mo pa ang trabaho niya kaysa sa sarili mo. Malakas pa iyan kaysa kalabaw ng Tatay Romeo mo. Kaya't hayaan mo siyang mag-absent. Para minsan lang naman, anak," muli ay sabi nito. Lihim namang napapangiti si Paul dahil sa mga binibitawang salita ng kaniyang ina. Ikinumpara pa talaga siya sa kalabaw ng ama-amahan ng asawa niya. Kaso napakatalas ng pakiramdam nito. Agad siyang binalingan dahil sa napapangiti siya. At bago pa siya makaiwas ay nakurot na siya nito. "At ikaw namang lalaki ka nakukuha mo pang ngumiti samantalang namimilipit na sa sakit ang asawa mo. Hala, dalhin mo siya sa clinic. Alam ko namang nakahanda na ang wallet at cellphone mo," anito. "Opo, Inay. Ako na po ang bahala sa asawa ko at magiging apo mo." Nakangiti niyang hinarap ang asawa saka walang salitang binuhat ito. Doon niya napagtanto na mas bumigat nga ito kaysa dati. Umaasa siyang sana ay tama ang hinala niyang buntis ito. Ilang buwan na rin simula nang nagsama sila bilang mag-asawa kaya't may chance na nagbunga na ang pagmamahalan nila. Kitang-kita pa niya sa sulok ng mata niya ang reaksyun ng ina pero hindi na niya pinatulan. Inalalayan na lamang niya ang asawa para hindi mahulog. Ikinabit niya ang seatbelt nito lalo at halos pumikit na. May pagmamadali man ang pagmamaneho niya ngunit may pag-iingat. Ang hindi alam ng magkapatid na Christina at Armando ay nag-imbistiga rin ang kanilang ama. Wala silang kamalay-malay na alam na ng tunay na nagmamay-ari sa kumpanya ang tungkol sa falsification of the documents. At ang dahilan kung bakit nagpupursige silang mapasakanila ang original papers ng ownership o ang mga papeles ng kumpanya. Isang hapon, habang nasa silid ang mag-asawa. "Siguro nga ay karma ko na ito sa kagaspangan ng ugali ko sa anak natin, Mahal," sabi ng Don nang ipinagtapat sa asawa ang tungkol sa katutuhanan. "Huwag kang mag-isip ng ganyan, mahal. Sa isang pamilya mayroon talagang ganyan at huwag ka nang magtaka kung kabilang ang mga anak natin sa ganyang pag-uugali. Ipinagpalit nila tayo sa pera, masakit man ngunit iyan ang totoo mas mahalaga sa kanila ang salapi kaysa tayo." Nakaupo man sa wheelchair ang Ginang subalit hindi naging sagabal iyon sa paghaplos sa mukha ng asawa. Magkatabi lang naman kasi sila kaya't malaya niyang naaabot ang mukha nito. "Tama ka nga, Mahal. Dapat na nating hanapin ang bunso nating anak---" Subalit pinutol ng Ginang ang pagsasalita ng asawa. Hindi siya papayag na idamay ng dalawa ang kaniyang bunsong anak. Mga anak niya ang dalawa ngunit hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang ugali nila samantalang napakabait naman ni Anna. Sadyang naiiba ang ugali ng dalawa. "Huwag, Mahal! Alam ko kong nasaan siya ngunit hindi ako papayag na saktan din nila si bunso. I'm sure of it na pag-iinitan na naman nila ito kapag nandito siya. Kung gusto mo ay tayong dalawa na lang ang dadalaw sa kaniya. And besides oras na para malaman mong may asawa ang anak natin." Idinantay niya ang palad sa labi ng asawa upang patahimikin ito. "Ha? Hindi kita maunawaan, Mahal. Bakit nila sasaktan ang kapatid nila?" tanong ni Don Amador na bakas sa tinig ang labis-labis na pagtataka. Hindi na nga pinansin ang kaalamang nag-asawa na ang bunsong anak. "Mahal, ikaw na rin ang nagsabing tuso ang mga anak natin. Namatay ang officer sa financial department na hindi n'yo nalaman kung sino ang may kagagawan. Kaya hindi rin malayong tayo ang isunod nila dahil sa paghahanap nila sa original na papeles ng kumpanya. At kung sakali man na gagawin nila iyon ay hindi nila magagalaw si bunso. Alam ko kung nasaan siya ngunit sila ay walang kamalay-malay kung nasaan ito." Umiling-iling ang Ginang dahil na rin sa kaisipang maaaring manganib ang buhay nila dahil na rin sa pera. Naguguluhan man ang Don dahil hindi maarok ng damdamin ang naiisip ng asawa ay wala itong nagawa kundi ang sumang-ayun. Eksakto namang tumawag si Aling Rosa at sinabing nais silang kausapin ng kanilang manugang. Dito rin nagsimula ang pakikipag-ugnayan nila sa asawa ng bunsong anak. Ang anak nilang nag-asawa na pala ngunit mas pinili ang sagradong kasal. Kung hindi pa sinabi ng manugang nila ay wala silang nalaman. Ganoon pa man ay inunawa na lamang nila dahil na rin sa pagkakamali nila sa nakaraan. "It's our time to support her, Mahal. Mabait si Anna and I'm sure magkakaroon din tayo ng maayos na usapan. Ngayon ka pa ba susuko asawa ko? Samantalang ang manugang na natin ang mismong humanap sa atin? Edukadong tao ang manugang natin at isa ang paghahanap niya sa atin na prowebang nasa mabuting kalagayan ang bunso nating anak. Hindi siya pinabayaan ng Diyos. About Christina and Armando? Let's pretend to them Mahal na wala tayong kaalam-alam sa pinaggagawa nila upang malaman kung ako ang tunay nilang motibo sa ating magulang nila. Kung kaya nga ba nila tayong saktan dahil lang sa pera," muli ay pahayag ni Donya Helen lalo at natahimik ang asawa niya. Napagkasunduan ng mag-asawa na walang ibang makakaalam kung nasaan ang bunso nilang anak. Nakipagnegosasyon sila sa kanilang manugang na lihim sa kaalaman ng lahat kahit ang asawa nito. Minsan na silang nagkamali kaya't ayaw na nilang ulitin dahil baka iyon din ang ikapapahamak nito. Gagawin nila ang lahat upang maprotekhan ito kahit pa buhay nila ang kapalit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD