KATULAD NG sinabi ni Eldridge ng nagdaang gabi ay sinundo nga siya nito sa bahay nila. "Ang aga naman ng HNC," biro pa niya ng makasakay sa kotse nito. "Ayaw mo kasing ma-late sa pagpasok kaya nakakahiya naman sa iyo kung idadamay kita sa pagka-last minute late ko." Hindi niya maiwasang matawa. "Kumusta ang braso mo?" Iginalaw-galaw niya ang kaliwang braso. "Medyo okay na siya. 'Wag lang mapuwe-pwersa sa paggalaw." "That's better. Ayaw mo rin talagang paawat sa pagpasok." "Kailangan ko kasing pumasok. Bawal magkaroon ng absent. Kahit wala ako sa top section katulad mo hindi naman big deal kay Mama. Ang importante sa kanya unahin ko lang ang pag-aaral para may marating ako sa buhay." "Sa nakikita ko, napalaki kang mabuti ng Mama mo." "Pero hindi kasali doon ang pagsisinungaling ko