Chapter 12

2244 Words

NAPASULYAP si Shea sa may pinto nang marinig ang munting tunog ng siradura niyon. Hudyat na may papasok sa silid na inuukupa niya. Pumikit siya at nagtulug-tulugan. "'Wag kayong masyadong maingay dahil kailangan pa rin ng pahinga ng katawan ni Shea." Narinig niya na sabi ni Eldridge. "Kawawa naman si Shea," malungkot na sabi ni Shaira. "Dapat kasi umuwi na lang siya kahapon sa kanila para hindi siya na-ospital." "Ano raw sabi ng Doctor? Gagaling pa ba 'yung braso niya?" "Hala, Margaux, baka putulin ang braso ni Shea kapag hindi gumaling. Ang pangit niya kapag nangyari 'yon." Parang gusto niyang bumangon at pukpukin ang ulo ni Shaira. Ang OA talaga nito. "Not like that. Gagaling pa naman, kailangan lang ng pahinga." Bigay assurance ni Eldridge sa mga ito. "Mabuti naman kung ganoon."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD