NAPABALIKWAS NG bangon si Shea ng may kumalampag sa sahig. Hindi makapaniwala na nasuyod niya ng tingin ang buong paligid. Nasa kanya siyang silid nang mga sandaling iyon. Nahawakan niya ang mukha pati na rin ang ibang parte ng katawan niya. Buhay siya. Buhay na buhay. Muling nanlabo ang tingin niya dahil sa nagbabantang luha. Kinurot pa niya ang sariling braso, ng makaramdam ng sakit ay masayang napatingin siya kay Eldridge na kakadampot pa lang sa alarm clock niya na nahulog sa sahig. Buhay pa sila. Ibig sabihin ay panaginip lang ang lahat? Isang masamang panaginip. Akala niya ay totoong wala na sila. Akala niya ay nasawi talaga sila sa aksidente dahil parang totoong-totoo. Umupo si Eldrige sa gilid ng kama niya at pinagmasdan siya. "O, umiiyak ka na naman. Akala ko ba tapos na 'yan?