Chapter 08

2055 Words

PAGPASOK ni Shea sa room nila ay napansin agad niya ang masamang tingin ni Harmony. Kahit sina Shaira at Margaux parang galit sa kanya dahil inirapan pa siya ni Shaira. Kahahatid lang sa kanya ni Eldridge sa labas ng room nila. Makulit kasi masyado at ayaw papatalo sa gusto. "Bakit hindi niyo ako pinapansin?" kulit niya sa dalawang kaibigan ng makaupo sa silya niya. Umirap na naman si Shaira, ganoon din si Margaux. Napamaang na siya sa ginawa ng dalawa. "Ano ba'ng problema ninyo?" "Hay, naku. Ano raw ang problema," pairap na sabi ni Shaira sabay suklay sa buhok. "Tinatanong pa ba 'yon?" sabi naman ni Margaux na umasim ang mukha. "Oo naman para malaman ko," nakasimangot na niyang sabi. "Sige na Shaira ikaw na ang magsabi ng problema kay, Miss Shea Megara." Tiningnan niya si Shaira

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD