Chapter 07

1840 Words

"SHEA, samahan mo naman ako sa St. Lukes," tukoy ng kaklase niyang si Gerald aka Geraldin, bakla kasi ito, sa section ng HNC ng school nila. Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit ako?" turo pa niya sa sarili. "Sige na, importante lang. Wala ka naman yatang ginagawa?" pamimilit pa rin nito. Tapos na naman siyang magmeryenda. Nagkatinginan pa sila nina Shaira at Margaux bago niya ibinalik ang tingin kay Raldin. Iyon ang unang pagkakataon na magpapasama ito sa kanya. "Oo, wala nga akong ginagawa," aniya bago tumango. "Sige sasamahan na kita doon." Mabait naman siya kaya pumayag na rin siya. "Sasamahan ko lang si Raldin, ha?" paalam niya kina Shaira at Margaux. Wala namang masama kung sasamahan niya ito. "Sure." "Ano ba'ng gagawin mo Geraldin sa St. Lukes?" tanong pa niya kay Geraldin ng pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD