NAKATANAW pa rin si Shea sa may gate ng SAA. Hindi pa rin kasi dumarating ang sasakyan ni Eldridge. "Tampo pa rin kaya siya sa akin?" mahina niyang anas. Aalis na sana siya sa may corridor ng bumukas ang gate at pumasok ang magarang kotse ni Eldridge Hedalgo. Napangiti tuloy siya ng malapad. Nakaramdam siya ng excitement sa hindi niya malamang dahilan. Basta natutuwa siya na makita itong dumating na. Hanggang sa maiparada ni Eldridge ang kotse nito sa may parking lot na tanaw pa rin niya buhat sa may kinaroroonan niya, hindi pa rin niya ito nilulubayan ng tingin. Animo naka-glue na roon ang atensiyon niya. Very cool and casual na bumaba ng sasakyan si Eldridge. Pansin pa niya ang mga babaeng naagaw ang atensiyon dahil sa pagdating nito. Napatuwid siya ng tayo ng may babaeng lumapit ka