MULING nag-inat ng mga braso si Shea nang matapos nila ang ginagawang project. Bukas na kasi iyon ipapasa kaya naman tinapos na nila ng gabi ring iyon. Sinipat niya ang relo. Malapit ng mag 10pm. Agad niyang kinuha ang cellphone sa bag at tinawagan si Eldridge pero walang sumasagot. "Uy, Shea, sasabay ka pa ba sa amin pauwi o susunduin ka ng sweetheart mo?" tanong ni Maila. Napabungisngis pa ito. "Ha, ah. Hindi ako makakasabay sa inyo, eh. Sige mauna na kayo." "Okay, bye." Nakita pa niya ng ismiran siya ni Harmony. Napaka-bitter talaga nito sa kanya. Inayos muna niya ang sarili bago lumabas ng bahay nina Xhak matapos nilang magpaalam lahat. "Bakit kaya hindi siya sumasagot?" Nagtataka pa rin niyang anas habang palabas ng gate. Natigilan pa siya ng makita ang kotse ni Eldridge sa la