chapter one

1657 Words
"Mga lalaking iyan, kapag nanliligaw, nahihiya pero kapag nagloloko, ang kakapal ng mukha!" Bakas sa boses niya ang sama ng loob sabay lagok ng vodka pagkatapos ay marahas niya iyon inilapag sa mesa. "A-ang sakit, ah! Ang sakit-sakit!" Halos mapiyok na siya dahil sa mga nagbabadya niyang mga luha. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hinagod ko ang kaniyang likod habang ang isa pa naming kasama na si Gilly ang awang-awa na sa kalagayan ni Meera. Hindi kami masyado uminom ni Gilly para may umasikaso sa kaniya sa oras na tinamaan na ito. Broken kasi siya. Sa three years na boyfriend niyang si Alec, hindi niya sukat akalain na magagawa siyang lokohin nito. Noon kasi crush siya ni Alec at nahihiyang mag-approach sa kaniya tapos ganito ang kahahantungan ng relasyon nilang dalawa. "Tama na iyan, Meera. Ang dami mo nang ininom, oh." Suway ni Gilly sa kaniya. "Hindeee! Ayaw! Isa pa!" Sabay kinuha pa niya ang isa pang shot. Kukunin pa sana ni Gilly ang baso na hawak niya pero huli na ito, nainom ulit ni Meera ang alak. "Sayaw tayo!" Akmang tatayo na siya. "Meera, baka masubsob ka naman niyan , eh." Suway ko pa. Pero hindi niya ako pinakinggan. Tumuloy pa rin siya sa dance floor ka pagewang-gewang na siyang maglakad papunt doon. Nagkatinginan kaming dalawa ni Gilly. Tumango siya sa akin at sinundan niya si Meera. Naiwan ako dito sa pwesto namin. Isinandal ko ang aking likod sa sofa. Ang totoo niyan ay dapat hindi ako kasama dahil may tinatapos akong painting pero sadyang makulit si Meera, uhaw na uhaw na daw siya kaya wala na rin akong choice kungdi sumama nalang. Ayoko naman may masabi siya. Ilang shot lang din ang ininom ko. Siguro mg dalawa lang kasi wala rin akong ganang uminom. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata para naman maipahinga ko lang ito pero gising na gising pa naman ang diwa ko kaya okay lang. Tumigil ang sasakyan ni Gilly sa tapat ng bahay nina Meera. Pareho kami ni Gilly ang nasa front seat habang si Meera naman ay prenteng nakahiga sa backseat. Mukhang tulog na tulog siya dahil sa dinami ng ininom. "Papaano natin sasabihin ito sa mama niya?" Tanong niya sa akin. Nilingon niya si Meera sa likod at napangiwi. "Actually, hindi ko rin alam..." I muttered. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan. "Tara na, para makauwi na din tayo." Saka tuluyan na akong nakalabas sa sasakyan. Ganoon din si Gilly. Pinagtulungan naming buhatin si Meera hanggang sa marating namin ang pinto ng bahay nila. Natext na din namin ang mama niya kaya paniguradong inaabangan niya ang pagdating namin. Ako na ang kumatok at ilang saglit pa ay kusa itong nagbukas. Tumambad sa amin ang mama ni Meera. "Tita," Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Pasensya kung inabala man kayo ni Meera." Pareho kaming ngumiti ni Gilly. "Okay lang po." Sagot ko. "Ken! Nandito na sila! Ikaw na muna bahala sa kapatid mo!" Malakas na tawag niya sa nakakatandang kapatid ni Meera. Dumating ito at binuhat niya ang kaibigan namin. Hinatid niya paakyat sa kuwarto. "Mauuna na po kami, tita." Paalam naming dalawa ni Gilly. "Oh sige, mag-iingat kayo. Salamat ulit, mga iha." "You're welcome po." Pagdating ko sa apartment ay agad kong dinaluhan ang kama. Sumampang ako at nakipagtitigan sa kisame. Ano kaya ang pakiramdam kapag nagmahal ka? Masaya ba? Madali lang ba? Pero bakit ganoon ang kinakalabasan? Base sa experience ni Meera, mukhang nasaktan siya ng husto na dahil niloko lang siya ni Alec. Hindi lang siya ang kilala mong niloko ng lalaki. Maski ang mama ko, nahuli niya si papa na may iba ito. Ang akala ko ba, love can bring joy and happiness to everyone, pero bakit ganito? "Years will pass and you will grow old, but my love for you will never, ever change..." Napapikit ako ng mariin ang marinig ko ang boses ng lalaki. Palagi ko na-eencounter ang ganito. Hindi lang iyon ang mga salita na sumasagi sa isipan ko. Maski ang ibang eksena. Isang babae at isang lalaki. Minsan pa nga ay napapanaginipan ko iyon. Madalas ay ang ilog, ang malaking bahay, at ang singsing na suot-suot ko... Kasal... Dumilat ako at marahas bumangon. Ginulo-gulo ko ang aking buhok. Napangiwi ako. Bakit ba ganito nalang ang nakikita ko? Hindi na normal ito, ah! Papunta na ako sa room para tapusin na ang painting ko. Binuksan ko ang locker ko saka nilabas ang canvass. Napangiti ako nang pinagmasdan ko iyon. Mukhang malapit ko nang matapos ito. Sana ay makaabot pa ako sa mismong deadline ng pagpasa. Nang palapit na ako sa madalas kong pwesto ay natigilan ako. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang bagay na hindi ko malaman kung may nag-iwan ba o nakalimutan lang? Nilapitan ko ang easel saka hinawakan ang bagay na iyon. Red rose and a love knot. Kung hindi ako nagkakamali, love knot is a celtic symbol of eternal love. Sino naman ang nag-iwan ng mga ito dito? Iginala ko ang aking paningin. Tumaas ang kilay ko at nagkibit-balikat. Itinabi ko muna ang dalawang bagay na iyon sa tabi saka ipinatong ko ang hawak kong canvass sa easel. Nilabas ko din sa back pack ko 'yung mga watercolor tubes, brushes and plate. Dahil sa hindi ako tinatantanan ng mga madalas kong napapanaginipan ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong ipinta ang mga iyon. Ang pinipinta ko ngayon ay dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Nasa ilog sila na may waterfall. Obre color ang ginawa ko sa langit tapos bilog ang buwan. May mga alitaptap sa paligid. Sa gitna ng pagpipinta ko ay biglang umulan. Napatingin ako sa bintana na nasa tabi ko. Kasabay noon ay nabitawan ko ang paint brush ko. Bumagsak iyon sa sahig. Napasapo ako sa aking dibdib. Parang pinipiga ang puso ko. Nagbabadya na naman ang mga luha na gustong kumawala... Biglang kumulog... "Hindi! Ayoko! Hindi ka aalis! Hinding hindi, Ramael! Ang sabi mo... Gusto mo makita ang magiging baby natin! Ang sabi mo... Gusto mo makita ang bunga ng pagmamahalan natin..." "M-maghihintay ako, Ramael. Mahal na mahal din kita... Mahal na mahal... Hihintayin kita..." Boses ng isang babae ang naririnig ko ngayon. Umiiyak siya... Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon... "A-anong..." Wala na akong makapang salita. Napayuko ako't napahagulhol. Nang kumalma na ako ay pinili ko nalang umuwi na. Mas mabuting sa apartment ko nalang itutuloy ang painting. Natatakot na ako. Baka kasi may makakita sa akin na ganito ang estado ko. Baka isipin nila ay nababaliw na ako kahit alam ko sa sarili ko na matino naman talaga ako. Sadyang hindi ko lang naiitindihan ang sarili ko. Kahit na mahina na ang ulan ay hindi pa rin ako makauwi. Nakalimutan ko ang payong ko! Nakakainis naman. Sa dinami-dami na pwedeng maiwan bakit payong pa? Ugh! Naghintay nalang ako habang nakatayo dito sa may pinto. Huminga ako ng malalim. I personally love the rain. Pero bigla nalang nawala iyon noong tumuntong ako ng eighteen years old. Madalas ko na napapaginipan iyon... "Mukhang malungkot ka," Halos mapatalon ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Nang tingnan ko iyon ay mas lalo ako nagulat kung sino iyon. H-He's Kaiv Tyler Martinez, an Architect student! Sikat siya sa school dahil bukod sa guwapo siya, matalino at anak ng mayor sa isang probinsya. Pero ang sabi pa, suplado daw ito kaya mas lalo dumadami ang nagkakandarapa sa kaniya na kapwa ko ding estudyante. How come na bigla siyang nandito? Hindi ko magawang magsalita. Sa halip ay natitigan ko pa siya. Bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko? Bakit... Tumaas ang kilay niya na may pagtataka sa kaniyang mukha. "Miss...?" Napaawang ang bibig ka. Pinutol ko ang tingin ko sa kaniya. Oh my dear heart, please calm down! What the... "P-pinapanood ko lang ang ulan." Pormal kong sagot. Napalunok at pinipigilan ang sarili kong bumaling ulit sa kaniya. "Mukhang wala kang dalang payong." Sabi niya. Natigilan ako. What the... Papaanong...? Iritado ko siyang binalingan. "Ano bang pakialam—" "Do you received my gifts for you?" Seryso niyang tanong sa akin. Kumunot ang noo ko. "A-ano?" Bago man siya sumagot ay may inilabas siyang dalawang bagay. Medyo nanlaki ang mga mata ko ang mga bagay na iyan kanina. "These gifts." "A-anong pinagsasabi mo?" "Para sa iyo. Kaya nilagay ko sa easel mo ang mga ito." Saka hinawakan niya ang isang kamay ko at nilagay niya ang dalawang bagay na iyon sa palad ko. "Love knot. It represents eternal love because it has no beginning or end." "B-bakit sa akin mo binibigay ito?" Naguguluhan na ako! He offer me a small smile. "Just like you, I get sad whenever I saw a rain. And I don't know why." Nagtama ang mga tingin namin. "Whenever I see you, there's something popped out at back of my mind. You are Bethany." "I love you, Ramael... I'll wait until our paths cross again." "I'm so inlove with you, baby. You are my breath, my every heartbeat, Bethany." Pumikit ako ng mariin... "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Dumilat ako't bumaling sa akin. "K-kaya ko pa naman. M-mauuna na ako..." Akmang lalayasan ko na siya nang bigla niyang hinila ang isang kamay ko. Binuksan niya ang kaniyang payong at walang sabi na inakbayan niya ako! "Anong ginagawa mo?!" Hindi ko mabawi ang kamay ko dahil sa mahigpit ang pagkahawak niya sa akin. Ngumisi siya. "Because I want to." Humakbang siya hanggang nasa kaye na kami. Naglalakad na! Hindi ako makawala. Pinagtitinginan na nga kami ng mga babae na may mga gusto sa kaniya pero wala man lang siyang pakialam! "Bitawan mo ako, Kaiv." Hindi ko mapigilang sambitin iyon. "Why? Wala naman magagalit, ah. Besides, we're both single." Sabi niya at patuloy pa rin niya niya ako kinakaladkad. "The first time I saw you. I promise to myself I won't ever let you go." "W-what...?" "Pareho tayo ng sitwasyon. Parang magkakilala na tayo noon pa. Palagi kong naririnig ang mga pangalang Ramael at Bethany." Tumigil kami sa paglalakad. Hinarap niya ako. Seryoso siyang nakatitig sa aking mga mata. "I'll be your Ramael and you'll be my Bethany, once again, Eurille de Acosta." Parang hindi ako makahinga sa sinabi niya. Papaano niya nalaman ang pangalan ko?! Bethany? Ramael? Sino ba kasi talaga sila?! Bakit kami nagkakaganito ng lalaking ito?! ▶▶
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD