chapter two

1540 Words
Pasado alas nuebe na ng gabi ay hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Nasa study table lang ako at nagdadrawing. Pampalipas ng oras, nagbabakasakaling antukin. Buti nalang, hindi umuulan ngayon. Wala rin naman napabalitaang babagyo. Ano 'yon? Trip lang ng langit na umulan? Tsk tsk. Ang ending, hindi rin naman natapos ang dinodrawing ko. Pero hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Hindi naman ako nagkape o ano. Sinubukan ko naman mag-online sa sss. Nakanguso lang ako habang nagsascan kung anu-ano. Wala rin naman pumukaw ng interes ko dito. Maliban nalang sa biglang may nag-pop out na mensahe sa messenger. Meera Agustin : Hey, girl! Sorry talaga kung nahirapan kayo ni Gilly na inuuwi ako! Huhuh! I smirked. Naiiling-iling pa ako. Nagpasya akong replyan ang kaniyang mensahe. Okay lang. No problem. As long as safe kaming umuwi ni Gilly. Meera Agustin : Eh! Babawi ako sa inyo bukas, ha? Ililibre ko kayo. Sureee! Gusto namin iyan. Then I tapped send button. Mag-ooffline na sana ako nang biglang may nagnotify sa akin. Sinilip ko kung ano 'yon. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan! Kaiv Tyler Martinez wants to connect with you. Halos malaglag ang panga ko. Papaano niya nalaman ang f*******: account ko?! Ay, shunga ka ba, Eurille?! Malamang, alam niya ang pangalan mo! At isa pa, sa mukha ng lalaking iyan, hinding hindi mo siya maiisahan! Sinilip ko ang mensahe niya. Kaiv Tyler Martinez : Hi, my Bethany. "Ano?!" Bulalas ko. Ano kamo tawag niya sa akin?! Nababaliw na ba siya?! Tatanggapin ko ba o hindi? Bago pa ako magkamali ng hakbang ay pinili ko nalang na mag-offline na. Pinatong ko ang cellphone ko sa study table. Dinaluhan ko ang kama ko saka matulog na. Sana huwag na huwag magkrus ang mga landas namin. Noong tinawag niya akong Bethany kahapon, kinikilabutan ako nang literal! ** Kakalabas ko lang sa last subject ko nang nakita ko sina Gilly and Meera sa hindi kalayuan. Kumakaway pa sila sa direksyon ko. Ngumiti ako at hindi ako nagdalawang-isip na lapitan sila. "Wala na kayong klase?" Tanong ko. "Kakatapos lang pero may last subject pa ako." Sagot ni Gilly. Oo nga pala, she's taking up Secondary Education, habang si Meera naman ay kumukuha ng HRM. "Ako naman, ganoon din. May next subject ako. Bale one hour lang ang vacant namin ni Gilly!" Masigla niyang sagot sa akin. Tumango lang ako saka sabay na kaming naglakad papunta sa isang fast food. Wala naman kaming reklamo ni Gilly dahil mas feel pa nga namin iyon kaysa sa mga mamahaling resto. Kahit na parehong galing sa maykayang pamilya itong mga kaibigan ko, gora lang sila sa mga pangmasa. Isa pa sa mga gusto ko sa kanila ay napaka-down to earth nila. "So, okay ka na?" Bigla kong tanong kay Meera habang kasalukuyan na kaming kumain ng mga libre nila. Dine in. Ngumuso siya. "On the process. Huwag na muna nga natin siyang pag-usapan dahil naiirita lang ako." Saka sumubo siya ng spaghetti. Nagkatinginan kaming dalawa ni Gilly. Pareho kaming nagkibit-balikat. "By the way, Ms. De Acosta, napag-alaman namin na magkakilala pala kayo ni Kaiv?" Pag-iiba ni Meera ng usapan. Halos mabilaukan ako nang banggitin niya ang pangalan na iyon. Pinagdilatan ko siya ng mata. "A-ano?" Nakangisi ang dalawa. "Oh, bakit? Tatanggi ka pa eh kita na ang ebindensya." Sabay ipinakita sa akin ang isang litrato. Talagang pinost pa sa social sites?! "Hm, medyo trending po kayo." "How about comments?" Tanong naman ni Gilly na nangiti din. Ngumuso si Meera. "Alam mo na, may mga bashers. Pero kung ako kay Eurille, wala akong pake. Mamatay sila sa inggit." Saka tumawa siya na parang bruha. "Pero in fairness, ang swerte mo, 'day! Saka, maganda ka naman, sexy, pang-model nga ang histura mo, ewan ko ba kung bakit wala man lang lumalapit sa iyo para aayain ka maging artista." Ngumiwi ako. "Ayoko. Hindi naman nakakatagal sa ganyan... And besides, mas masaya pa ako sa ganito. Simpleng estudyante at mamamayan ng Pilipinas." "Ay, oo nga, huwag ka na nga lang mag-artista. Corny mga jokes mo." Saka nag-apiran pa silang dalawa ni Gilly sa harap ko. Nang-aasar na naman. Pero hinayaan ko nalang, Baka makatulong din na makamove-on ang isang ito. Pagkatapos namin kumain ay sinamahan ko muna sila pabalik sa University. Nang nagkahiwa-hiwalay na kami ay natigilan ako nang makita ko si Kaiv na hindi kalayuan sa akin. Nakatingin siya sa aking direksyon. Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan na tila may hinihintay. Umalis siya doon at humakbang hanggang nasa harap ko na siya mismo. Walang sabi na bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. "H-hoy! Anong ginawa mo?!" Tumaas ang boses ko dahil sa pagkagulat. "Sumama ka lang sa akin dahil may pupuntahan tayo." Bago man ulit ako makapagsalita ay tuluyan na niya ako nahila hanggang sa narealize ko nalang nasa loob na pala ako ng kotse niya. Sinundan ko siya ng tingin habang pinapanood ko siya umikot sa may bandang bumper. Ngayon ko lang din narealize na hindi siya naka-uniporme! Sa halip ay naka-sky blue polo shirt siya na talagang tinupi hanggang siko niya.... M-medyo hot... Tapos naka-beige color na slacks siya. "Bakit kailangan kasama pa ako?" Kunot-noo kong tanong nang nakapasok na siya dito sa loob ng sasakyan. Bumaling muna siya sa akin. "Because you are my Bethany." "Puro ka Bethany!" Hindi ko mapigilang sigawan siya. Ginulo ko na ang buhok ko dahil sa frustration! Arghhh! "Huwag kang ganyan, mas lalo ako mahuhulog sa iyo." Like, what the f**k?! Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, nababaliw ka na!" Singhal ko pa. "Well, when it comes to you, why not?" Saka ngumisi siya. Napahilamos ako ng mukha. "Kaunti nalang, mapagkakamalan na kitang stalker!" "My mama said, follow your dream. Well, you are my dream, my Bethany." Pumikit ako ng mariin. Ayaw ko naaaa! ** Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa Mckinley Hill. Sa The Venice! Hindi makapaniwalang binalingan ko si Kaiv habang naglalakad kami sa loob ng Mall na ito. Ang mas hindi ko inaasahan ay talagang pinulupot pa niya ang isang braso niya sa bewang ko. Parang wala lang sa kaniya na medyo nainis ako sa ginawa niya, ah. Medyo shunga ka sa part na iyan, Eurille. Bakit kasi hindi ka makatanggi? What the hell?! Sa isang Italian Resto kami pumasok. Medyo nawindang ako dahil narinig ko sa kaniya na nagpabook siya ng table dito! Para akong tuod dahil parang natural lang sa kaniya na makapunta sa ganitong lugar. Seryoso, first time ko 'to! Hinila ni Kaiv ang isang upuan at pinaupo niya ako doon. Wow, gentleman pala siya, ah. Nang nakaupo na siya ay lumapit ang waiter sa amin. Inabot niya sa amin ang menu. Binuklat ko iyon. Kumunot ang noo ko dahil sa mga menu nila! Jusko, wala akong naiitindihan! "Two tagliatelle alla creama di tartufo and ossobuco di vitello alla milanese. And two blue lemonade." Biglang nagsalita si Kaiv. Wait, may order na siya. "How about desserts, signor?" Tanong ng waiter. "Just two panna cotta. That's all." Tumango ang waiter. "Just a minute, signor, signorina." Saka umalis na siya. Bumaling sa akin si Kaiv pero matalim ko siyang tinitingnan. "What?" Takang tanong niya. "Ano ba talagang gusto mong palabasin, Kaiv? Bakit kailangan mo pa akong dalhin sa mga ganitong lugar? Pinapamukha mo ba sa akin na marami kang pera?" May bakas na iritasyon nang sabihin ko ang mga bagay na iyon. He gasped. Parang hindi siya makapaniwala. "Eurielle, actually—" Naputol ang sasabihin niya nang bigla akong tumayo. Nilayasan ko siya. Bastos na kung bastos pero mas bastos ang ginagawa niya! Basta ka ba naman kaladkarin kung saan-saan! Hindi ko naman siya gaano kilala para ganituhin niya, ano! Panay tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Bahala ka d'yan, Kaiv Martinez. Bagay lang sa iyo 'yan. Hindi ako tulad ng ibang babae na madaling mahulog sa iyo. Aba, malay ko ba, baka naman playboy ang isang ito! "Eurille!" Sabay napigilan niya ako sa pamamagitan na paghawak niya sa isang braso ko. Pinaharap niya ako. "What's the matter?" Kumunot ang noo ko. Marahas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. "Dahil wala kang pakundangan!" Inis kong sabi. "Basta-basta mo lang ako dinadala kung saan-saan. Ni wala man lang tanong kung papayag ako o hindi. Hindi rin naman kita kilala, ah. Kung makaasta ka parang matagal na tayong magkakilala—" "Baby," Bigla ako natigilan nang marinig ko mula sa bibig niya ang endearment na iyon. Bakit ganito ang epekto n'on sa akin? Ramdam ko ang paglapit pa lalo sa akin ni Kaiv. Masuyo niyang idinapo ang mga palad niya sa magkabilang pisngi ko. "I'm sorry, my Bethany. I was... Just... Excited." Namamaos niyang sabi. Parang kakapusin ako ng hininga sa mga binitawan niyang salita. 'Yung way na pagsasalita ng Ramael sa panaginip ko pati ang way ng pasgsabi ni Kaiv na mismo sa harap ko ay parehong-pareho! Bumaba ang tingin ko. Marahan kong tinanggal ang kaniyang mga kamay niya sa akin. Hindi ko na naman maitindihan ang sarili ko... "Kaya ko ginagawa ito para makabuo din tayo ng sarili nating alaala. Hindi lang puro sina Ramael at Bethany na mula sa nakaraan." Sabi pa niya. Hindi ko alam kung bakit parang kumirot ang puso ko nang marinig ko iyon. Parang gusto kong maiyak na ewan. Pinipigilan ko lang dahil nasa public place kami. Hanggang nasa harap ko na siya. "I'm sorry..." Masuyo niyang sambit. Inangat ko ang aking tingin at nagtagpo ang aming mga mata. Marahan niyang hinawakan ang aking kamay. "Hindi ko na uulitin ito. Pero hindi ibig sabihin iyon ay lalayo ako sa iyo." "K-Kaiv..." Ngumiti siya. "I'll take it slowly until you'll fall with me again, my Bethany."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD