[ Eurille / Bethany ]
Hindi ako madalaw ng antok ng mga oras na ito. Nanatili lang ako nakikipagtitigan sa kisame. Hindi kasi maalis sa isipan ko ang sinabi ni Ms. Yen. Actually, kilala ko din naman siya pero madalang ko lang siya nakikita at never ko pa siya nagiging prof isa sa mga subjects.
"Sa oras na makarating ka sa lugar na iyon, malalaman mo din ang lahat. Lalo na't hinihintay ka niya."
"Malaking parte siya sa buhay mo... Sa buhay ninyo ni Ramael."
"Well, see you around, Bethany. And I'm warning you. Please be careful."
Sino ba kasi ang tinutukoy niya na malalaman ko din ang lahat? Sino ba ang naghihintay sa akin? Mas lalo ako nababahala kung ano anng mangyayari. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Sobrang kaba at takot. Parang ayaw ko na tuloy lumabas! Ugh.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Marahas akong umiling para mawala sa isipan ko ang mga iyon. Huwag ko nalang alalahanin ang mga iyon. Ayokong maging apektado doon. Baka kasi joke-joke lang. Ang isipin ko nalang ang painting!
Tumayo ako. Pinuntahan ko ang easel pero natigilan ako nang umiba ang pakiramdam ko. Napasapo ako sa aking ulo. Parang pinipiga ang utak ko... Mariin akong napapikit.
"H-huwag..."
"Don't ever dare to stop me, Bethany."
'Tama na!'
'Why you must have do this with me? Why...'
"You are my desire, Bethany. And you can't stop it. Remember that."
Napadilat ako kasabay na pagkapos ng aking hininga. Napasandal ako sa pader. Napasapo ako sa aking dibdib. "A-ano iyon?" Tanong ko kahit bigo naman ako maakakuha ng sagot.
Naputol ang pag-isiip koa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha mula sa taas ng study table ko. Si Kaiv ang tumatawag! Walang alinlangan kong sinagot iyon.
"K-Kaiv..."
"Hi, are you free tonight?" Tanong niya. Bakit bigla ko nalang naiimagine na nakangiti siya habang kausap niya ako sa telepono?
Napangiwi ako. "I can't... Masama ang pakiramdam ko ngayon, Kaiv..."
"I'm coming over, my Bethany. Please wait for me." Saka pinutol na niya ang tawag.
Dahan-dahan kong ibinaba ang cellphone. Ibinalik ko iyon sa taas ng mesa. Dumapo ang tingin ko sa salamin. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Naguguluhan na ako...
Lumipas ang sampung minuto ay dumating na si Kaiv. Hindi ko sukat akalain na may dala siyang pagkain. Mukhang dumaan muna siya sa isang fast food resto bago siya makarating dito.
"Hindi ka na sana nag-abala pa, Kaiv." Sabi ko sa kaniya pagkapasok niya dito.
"I was worried, baby. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa iyo." Bakas nga sa mukha ang boses niya ang pag-aalala. Idinikit niya ang likod ng kaniyang palad sa aking noo. "Naulanan ka ba?" He asked.
Agad akong umiling. "H-hindi naman..." Pilit akong ngumiti. "Baka sa pag-iba ng panahon or mahina lang ang immune system ko." Sagot ko nalang.
Tumango siya. Sabay kaming pumasok sa loob ng kuwarto. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama. "I'll prepare your food. Stay put, hm?" Then he suddenly kiss my temple before he leave.
Medyo nagulat ako sa ginawa niya. Bakit bigla nalang niya akong hinalikan? Dahil talagang pinanindigan niya na ako si Bethany at siya si Ramael? Ang mas ipinagtataka ko kung bakit hind ko man lang magawang magalit sa kaniya? Kung ibang babae na gagawan niya ng ganoon, paniguradong sampal ang aabutin niya.
Ilang saglit pa ay dumating na siya. Ipinatong niya sa side table ang tray na may sopas at panghimagas at inumin. May gamot pa pala siyang binili.
Hinila niya ang wooden chair papunta sa tapat ko at umupo. "I'm sorry, I admit, I am a terrible cook so I bought these, my Bethany but I'm trying my best to take care of you." Malumanay niyang sambit.
Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Sa mga binitawan niyang salita ay tila may humaplos sa aking puso. Para akong naiiyak na ewan.
Ngumiti siya sa akin at marahan niyang idinapo ang kaniyang palad sa aking pisngi. Nagtama ang aming mga mata. "You're still beautiful, my Bethany." He said.
Isang maliit na ngiti ang iginawad ko sa kaniya. "Thank you." Sabi ko.
"I'll feed you..."
"Ako na." Sabay agaw ko sa kaniya ang kutsara. "Hindi na ako bata..."
He chuckled. "I know, but you're still my baby.
Ngumuso ako. Sinimulan ko na din kumain. Umiiba ang pakiramdam ko sa tuwing nasa tabi ko si Kaiv. Kung kanina, mabigat ang pakiramdam ko, ngayon kapag naririto siya, nakikita at nakakusap ko, nawawala ang pangangamba na akong nararamdaman. I feel safe...
"Hindi ka rin ba kakain?" I suddenly asked him.
"Kumain na ako sa unit." He answered. "Talagang binili ko ang mga iyan para sa iyo."
"Salamat..."
**
Pagkatapos kong kumain at magpapababa ng kinain ay nag-usap kami ng kaunti ni Kaiv. Pinagmamasdan niyang mabuti ang aking kuwarto. Nilapitan niya ang isang painting na nakasabit sa pader.
"Ah, dark mansion ang tawag ko sa painting na iyan." Sabi ko habang pinapanood ko siya. "Palagi ko rin siyang napapanaginipan. Hindi siya maalis sa isipan ko kaya nagawa ko siyang ipinta."
Lumingon siya sa aking direksyon. "But this mansion really exist." He said.
Napaawang ang bibig ko. "T-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Saan?!" Bigla ako naexcite!
Ngumiti siya. "In Batangas."
Napasinghap ako sa aking narinig. "S-seryoso?!"
Tumango siya bilang tugon. "I'll bring you there this coming weekend."
Hindi mawala sa aking mga labi ang saya nang malaman kong dadalhin niya ako doon! Hindi ko rin alam kung bakit tuwang tuwa ako kahit na napaka-dark ang lugar na iyon. Oo, nakakatakot siya sa panaginip ko pero parang wala lang sa akin.
"Kailangan mo nang matulog, my Bethany." Malumanay niyang sabi. Masuyo niyang hinawakan ang isang kamay ko at pinahiga na niya ako sa kama. Siya pa ang nag-ayos ng kumot para sa akin. Binuksan niya ang lampshade tas pinatay naman niya ag ilaw sa may kisame. Hinawi niya ang mga takas kong buhok. Pinagmamasdan niya lang ako ng ilang segundo saka binigyan niya ako ng ngiti. Muli niya ako dinampian ng halik sa noo. "Please sleep well and dream on me, baby."
"Mag-iingat ka sa pag-uwi."
"Yeah, I will. I'll lock the door and windows before I leave." Pagkatapos ay likod ng aking palad naman ang kaniyang hinalikan. "I love you..."
I can't able to say any words. Hindi ko magawang sagutin ang tatlong salita na iyon.
Tumayo na siya at ginawa nga niya ang kaniyang sinasabi. Nilock niya ang mga bintana pati ang pinto bago siya umalis.
Napangit ako saka marahan kong ipinikit ang aking mga mata...
**
[ Someone's POV ]
Nilalakbay ko ang masukal na kagubatan. Hinawi ko ang mga nakaharang na halaman sa aking dinadaanan. Tumambad sa akin ang ilog na napapaligiran ng mga alitatap pati ang talon na kumokoneta sa ilog na ito. Napatingin ako sa kalangitan.
It's already a full moon. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata habang dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadapo sa aking balat. Marahan kong idinilat ang mga mata ko pagkatapos ay hinawi ko ang hood ng ang aking kapa. Itinaas ako ang hawak kong baso ng tubig saka itapat ko iyon sa buwan Dinadama ko ang tamang enerhiya na kailangan ko. Pagkatapos ay ibinaba ko ito mula sa pagkaangat.
Then I tip my index finger in the glass back and forth lightly.
"Show me the future, I want to see... Show me the future, I want to see..." Sambit ko hanggang sa paulit-ulit ko iyon ginagawa.
Until the cup is almost half-empty.
Then I look through the glass. I can see something through the glass from the top...
Napasinghap ako sa aking nakita.
"This is not good..." Mahinang sambit ko. "I need to warned them..."
Muli ako napatingala sa madailim na kalangitan.
May mga dadating na hindi dapat... May mabubuhay mula sa kamatayan... May mga babalik mula sa nakaraan...
"Artemis, the goddess of the moon, blessed us..." Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. "Isis, Astarte, Diana, Hecate, Demeter, Kali, Inanna..." I chant with a small voice.
Sa pagdilat ko ang aking mga mata ay sumagi sa aking isipan ang dapat kong gawin.
"There's an incubus and succubus and a human from the past will appear in this land, I call upon the power of the Full Moon's light. Heed my call... Please protect them from danger..."