chapter six

1898 Words
[ Eurille / Bethany ]  Friday afternoon ako sinundo ni Kaiv dito sa apartment. Hindi lang kaming dalawa ang kasama niya patungo sa Batangas. Kasama niya din sina Raziel, pati ang mag-amang Primus at Rhys. May binanggit din daw siyang Lucille pero hindi ko pa siya kilala. Kukunin din ang pagkakataon na ito para mas lalo ko pa sila makilala, magbabaka sakaling may alam sila sa nakaraan ko. Guilty din ako dahil bigla ko nalang sila nilayasan noong iniwan ko sila sa Coffee Shop. Babawi nalang ako. "You ready?" Nakangiting tanong sa akin ni Kaiv nang siya ang bumungad sa pagbukas ko ng pinto. Tumango ako. Bumaling ako sa couch kung nasaan ang back pack ko. Kukunin ko sana pero inunahan na ako ni Kaiv. Isinublit niya iyon sa kaniyang balikat. "Ayokong mahirapan ka." Aniya. Lihim ko kinagat ang aking labi at muli tumango. Ang akala ko pa nga mauuna siyang lumabas pero bigla niyang hinawakan niya ang isang kamay ko. Pinindot niya ang lock ng doorknob mula sa loob n'on. Hanggang sa tuluyan na namin nilisan ang naturang apartment. Sabay kaming bumaba hanggang sa tumambad sa akin ang mga kasamahan na tila naghihintay sa amin. "Yeah, narito na rin sa wakas ang love birds." Nakangising bungad ni Raziel sa akin habang nakaakbay siya sa isang babae na nasa kaniyang tabi. Paniguradong siya ang tinutukoy ni Kaiv na Lucille. Hindi ko maipagkaila na maganda siya. Bagay na bagay sila ni Raziel. Guwapo din naman kasi ang isang ito. "Let's go." Malamig na tugon ni Kaiv sa kaniya. Tumawa sila ni Lucille, habang nakangiti lang ang mag-ama. Parang hindi talaga mag-ama, para silang magkapatid. O sadyang hindi lang ako sanay? Si Kaiv mismo ang nagbukas ng pinto ng front seat. Inaalalayan niya akong pumasok doon. Pagkasara niya ay nilagay niya sa backseat ng sasakyan niya ang mga gamit ko. Nasa kabilang sasakyan naman sina Raziel, Lucille, Primus at Rhys. Ibig sabihin, convoy lang kami? "I'm excited, baby." Kaiv said when he reached the driver's seat. Inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Medyo umatras ako dahil sa gulat. Hala, anong gagawin niya sa akin? Iniliko niya ang kaniyang mukha hanggang sa gilid ko na iyon. Rinig ko nalang ang isang tunog sa may bandang gilid ko kaya sinundan ko lang iyon ng tingin. Nagtama ang mga tingin namin saka ginawaran niya ako ng ngiti. "For your safety, my Bethany..." Inilapat ko ang mga labi ko at bumaling nalang sa ibang direksyon ang aking tingin. Ramdam ko kasi ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Nahihiya ako na baka makita pa niya iyon. "Here we go." He announced and he started the engine. Until we left. Nilaan ko ang aking oras sa kakatingin sa mga bawat nadadaanan namin. Narito na kami sa Tagaytay. May mga napag-uusapan naman kami ni Kaiv ng mga iilang bagay pero hindi pa namin napag-uusapan tungkol sa mismong nakaraan... Kung anong katauhan namin noon. Tanging sinasabi niya sa akin na malalaman ko din daw ang mga sagot sa aking mga katanungan sa oras na marating namin ang lugar kung saan daw nagsimula. Sinasabi din daw niya na baka mapwersa ko ang aking sarili na alalahanin ang lahat. "My Bethany," Masuyong tawag niya sa akin. Bumalinga ko sa kaniya. "Hmm?" "Are you hungry? We can stop over somewhere..." Suhesyon niya. "Hmm, medyo." Pag-aamin ko. Tanghalian lang ang huling kain ko kasi. Kahit nakasideview lang siya ay kita ko pa ang ang pagngiti niya. "Alright, magsastop over tayo." Sambit niya saka marahan niyang hinawakan ang isang kamay ko. Dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad na ikinagulat ko. "Hindi ko akalain na mauulit pa ito." "A-anong ibig mong sabihin?" Bumuhay ang kuryusidad sa akin. "We're doing long drives. Seating there, beside me." Sabi niya kahit na nakatuon pa rin sa daan ang kaniyang tingin. Saglit ako natahimik pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti. Ewan ko ba, bigla ako nasiyahan nang marinig ko sa kaniya ang mga bagay na iyon. Kung maririnig ba ng Bethany na iyon na kung anong sinasabi ng Ramael niya, ganito rin ba siya kasaya? Siguro dahil mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa. "Please grab my phone there, Bethany. Call Raziel for stop over." Malumanay niyang sabi. Kinuha ko naman ang telepono niya na nakapatong lang sa harap namin. "Teka, di ba si Raziel ang nagmamaneho ng sasakyan niya? Calling while driving is prohibited." Sabi ko naman. "I'm sure it's either Primus or Lucille will take the call." Hindi pa rin mawala sa kaniya ang ngiti. Ngumuso ako at ginawa ko ang sinasabi niya. Nang dinayl ko ang numero ni Raziel, tatlong ring palang ay may sinagot na ito. "Hello?" Boses babae. Paniguradong si Lucille iyon. "Ah, pinapasabi ni Kaiv na magstop over daw tayo..." Sabi ko. "Oh! Alright, Bethany. Malapit na din naman tayo sa Starbucks. Doon nalang tayo magstop over." Sabi niya. Maski siya ay Bethany ang tawag sa akin! "S-sige," Pinutol ko an anag tawag. Ibinalik ko sa compartment ang cellphone niya. Bumaling ako kay Kaiv. "Sa Starbucks daw tayo magstop over." Tumango siya. "Got it." Pagpasok namin sa Coffee Shop ay naghanap muna kami ng mauupuan. Pero ang napapansin ko ay pinagtitinginan kami ng mga costumer. Eh? Anong problema? Dahil ba sa ngayon lang sila nakakita ng tao o dahil sa mga lalaking kasama namin? "My Bethany," May kasamang lambing nang tawagin ako ni Kaiv sabay pinulupot pa niya ang kaniyang braso sa aking bewang. "You want frappe and blueberry cheesecake?" He asked. Nanlaki ang mga mata ko. "P-papano mo nalamang iyon ang gusto ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumiti siya. "Because you are my Bethany." Mahinang sagot niya. Ang layo ng tanong ko sa sagot niya pero bakit bigla ako kinilig. Shocks! "Ano pong ilalagay na pangalan?" Tanong ng cashier. "A-ano..." Hindi ko na itutuloy ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Ramael. "Mr. And Mrs. Black is enough." He answered. Natigilan ako nang bigla na naman may sumagi sa aking isipan. Parang nangyari na ito noon pero hindi lang matandaan kung saan at kailan. And wait, how much naging Black ang apelyido ng isang ito? Hindi ba Martinez? What the... Ilang minuto din ay nakuha din namain ang mga order namin. Napapansin ko na sobra ang pag-aasikaso ni Raziel kay Lucille. Talagang inlove na inlove sila sa isa't isa. Parang matagal na silang hindi nagkita... "Stop that, tatay. Gross." Mariin na kumento ni Rhys kay Raziel. Napaawang ang bibig ko sa tawag ni Rhys kay Raziel. Ang akala ko ba si Primus ang tatay niya? Medyo naguluhan ako. "Maalala mo din ang lahat sa oras na nakarating na tayo sa destinasyon natin, Bethany." Nakangiting sabi ni Lucille na nakangiti. "Naku, Rhys. Ang sabihin mo, bitter ka pa rin kina Harlan at Lilith!" Kantyaw pa ni Raziel kay Rhys. "Tss, hindi ako bitter. They just look good together." Umiwas siya ng tingin saka ininom niya ang kaniyang kape. "Kaya mag-girlfriend ka na para naman makahabol ka na!" Tumawa lang si Primus sa inasal ng dalawa. Pero, sino ba sina Lilith at Harlan? Hays, hihintayin ko na nga lang sa oras na nakarating na kami sa lugar na sinasabi nila. Pagkatapos namin kumain ay agad na kaming tumulak patungo sa Nasugbu, tulad ng sinasabi nila. Halo-halo ang emosyon ko. Para akong naeexcite na kinakabahan. Mga ganoon. Hanggang sa pumasok ang mga sasakyan sa isang lumang gate. Kahit gabi na ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong iginala amg aking tingin. Bigla umiba ang pakiramdam ko. Parang... Parang nakarating na ako sa lugar na ito... Tumigil ang sasakyan. Unang lumabas si Kaiv. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong kalasin ang seat belts. Nang buksan niya ang pinto sa gilid ko ay inaalalayan niya akong bumaba. Napatingala ako sa mansyon na nasa aming harap. Parang napupugto ang hininga ako. I-ito ang nasa painting ko... Nagkatinginan kaming dalawa ni Kaiv. May mga katanungan sa aking mga mata pero iisa lang din ang nakuha kong sagot mula sa kaniyang mga mata. 'Malalaman mo din ang kasagutan...' "We're here." He said. "Welcome home, Bethany..." Nanatili lang akong tahimik. Hinawakan niya ang isang kamay ko hanggang sa nakapasok na kami sa loob. Mas umiiba ang pakiramdam ko pagkapasok sa bulwagan. Lalo na't tumambad sa amin ang isang malaking portrait na nakasabit sa pader. Dalawang babae at dalawang lalaki na nasa naturang litrato... Wedding photo nina Ramael at Bethany... "S-sila ang nasa panaginip ko..." Mahina kong sambit. Bumaling ako kay Kaiv. "S-sila ang... Mag-ari nitong mansyon?" Tahimik siyang tumango. Seryoso ang kaniyang mukha. "M-mama... Papa?" Sabay kaming napalingon ni Kaiv nang may biglang nagsalita. Napasinghap ako nang tumambad sa amin ang isang babae na hinding hindi ko makakalimutan. Nasa likuran lang niya sina Raziel, Lucille, Primus, Rhys at isa pang lalaki na may karga-kargang batang lalaki. Maski si Ms. Yen ay narito! Dahan-dahan siyang humakbang sa amin ngunit nanatili pa rin siyang nakatitig sa amin na tila hindi siya makapaniwala na narito kami sa kaniyang harap. Parang siyang naiiyak. Na dahilan para masaktan ako ng ganito kahit hindi ko alam kung bakit. "L-Lilith..." Mahinang tawag ni Kaiv sa kaniya. Lilith? S-siya ang tinutukoy na Lilith? Siya din ang babaeng nagpatago sa akin ng singsing noong bata palang ako... "Fi-Finally... You're here..." Halos mabasag ang boses niya dahil tumulo ang isang butil ng luha saka umagos iyon sa kaniyang pisngi. "Mama..." Hindi ko magawang magsalita pero naninikip ang dibdib ko. Kasabay na biglang may sumagi sa aking isipan ang mga eksena na ngayon ko lang nakita... "I'm gonna be the father of your child, Bethany." "B-bakit... Bakit ako pa ang pinili mo..." "I need a woman who can make a Cambion with me." "You're pregnant, baby." "Magkakabunga na ang pagmamahal ko sa iyo." "You're finally a father, Ram..." "And finally you're gonna be a mother of my child, Bethany." "Lilith Rosemarie Black." "I love you, Lilith... Mama and papa always love you, baby..." "Pasensya na, anak... K-kung wala kami ng papa mo... Para masubaybayan ang p-paglaki mo..." "K-kung alam mo lang... Na... Gaano kami kasaya ng papa mo... Na dadating ka sa buhay namin... Malaking pasasalamat ko... Dahil ikaw ang anak namin... Lilith..." Ramdam ko nalang ang mga luha na umaagos sa aking pinsgi sa mga alaala na iyon. Sinunggaban ako ng yakap na tinatawag nilang Lilith. Hindi ko alam pero bakit niyakap ko din siya pabalik. Naguguluhan na ako sa nangyayari. Sa paghagulhol niya ay siya naman ang paghikbi ko. Marahan kong hinaplos ang kaniyang buhok. Bakit ganito? Bakit nakakaramdam ako ng pangungulila? Isiniksik pa niya ang kaniyang mukha sa pagitan ang aking leeg at panga. Napatingin ako sa direksyon kung nasaan sina Raziel. Bakas sa kanilang mga mukha na may halong lungkot at saya. Nang kumalas siya ng pagkayakp niya mula sa akin at nagtitigan kami. "M-matagal ko nang hinihintay ito... Mama.." She said between her cries. "I'm sorry, but..." "Don't worry about that, Bethany." Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napatingin kami sa pinto na may isang babae na nakaitim ba bestida na pinatungan lang ng balabal. Pinaghalong pula at dilaw ang kaniyang buhok. She has a pale-white skin at petite... Humakbang siya ng kaunti palapit. Ang mas napupukaw ng aking pansin ay ang kwintas na nakasabit sa kaniyang leeg. Lalo na ang pendant... It's like pentagram "Who are you? Papaano ka nakapasok dito?" Seryosong tanong ni Raziel sa kaniya. Binalingan siya ng babae. "Pinatulog ko muna ang mga katulong ninyo. I'm Mystia Circe from the Kingdom of Ouraphia. I'm here to give you a warning and also to offer my help." Sa amin naman siya tumingin. Seryoos ang kaniyang mukha. "Especially you, Bethany Arles-Black. If you want to remember everything, I will help to gain your memories back." "What are you?" Si Kaiv naman ang nagtanong, seryoso din. Seryoso niyang tiningnan si Kaiv. "Greetings, Mr. Ramael Black. What am I?" She sighs. "I'm a black witch."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD