[ Eurille / Bethany ]
Kakalabas ko lang ng Library nang nakita ko si Kaiv na parang may hinihintay. Nakatitig siya sa akin sabay ginawaran niya ako ng isang matamis na ngiti. Humakbang siya palapit sa akin. Mas humigpit ang pagkayakap ko sa libro na hawak ko. Medyo kinakabahan ako hindi dahil sa presensya niya. Dahil sa mga taong nasa paligid namin. Hanggang ngayon ay medyo trending pa rin na biglang pagsasama namin ni Kaiv. Lalo na 'yung mga babaeng nagkakagusto sa kaniya. Paniguradong ilang beses na nila ako pinapatay sa kani-kanilang isipan.
"Hi, my Bethany." Masayang bati niya sa akin.
Hilaw akong ngumiti. "Napagawi ka dito..." Sabi ko at lihim ko tinitingnan ang mga babae sa gilid ko. Nagbubulungan. Hayys.
"Yeah, as what I've told you yesterday, we will discuss regarding for weekend... Batangas?"
Napasinghap ako. "Oo nga pala!" Muntik ko nang makalimutan iyon, ah. Medyo focus kasi ako sa pinepaint ko. "A-ano nga pala tungkol doon?"
Muli siyang ngumiti. "Bago iyan, kailangan muna nating pumunta sa Sweet & Coffee." He prefer the Coffee Shop na nasa labas lang ng Campus na ito. "I'll introduce you to my friends out there."
A-ano daw? Ipapakilala niya ako? Sinong mga kaibigan naman na tinutukoy niya?
**
Pagpasok namin sa Sweet & Coffee ay napukaw ng aking atensyon ang isang grupo ng kalalakihan sa hindi kalayuan sa amin. Pero hindi ko akalain an doon din ang diretso ni Kaiv! Kakilala niya pala ang mga iyon?
"Hey, ang tagal mo, dude!" Pagmamaktol na sabi ng lalaki na mukhang anghel. Bumaling siya sa akin. "It's been a while, Bethany." Saka ngumiti sa akin.
A-ano daw? T-tinawag niya akong Bethany?
Tumayo siya saka nilahad ang kaniyang palad sa akin. "Hi! I'm Raziel." Pakilala niya sa akin na hindi maalis ang ngiti niya sa akin pero bakit parang naluluha siya?
"Hi!"
"Medyo natakot ba kita kanina? Sorry. I'm Raziel, by the way."
"Ops. Masyado yata akong feeling close sa iyo."
"It's nice to meet you, Beth."
Natigilan ako nang kusang lumabas sa isipan ko ang eksenang iyon. Ang akala ko kay Raiv lang ako nakakaramdam ng ganito... Pati rin pala sa kaniya. Pero, ano bang kinalaman niya sa buhay ko? Ang mas ipinagtataka ko lang, bakit ganoon pa rin ang histura niya? Hindi siya tulad namin na iba na ang katauhan? Ano bang ibig sabihin nito?
"You'll know the answers once we got there, my Bethany... In Batangas." Kaiv suddenly spoke.
Bumaling ako sa kaniya. Nagtaka naman ako bigla siyang sumimangot habang nakatingin siya sa nagpakilalang Raziel. Ano ba talagang meron?
"I'm Primus and this is my son, Rhys. It's nice finally to meet you, Bethany." Biglang sabi ng isang lalaki na kasing edad lang nina Raziel at hKaiv.
Pinagmasdan ko ang tinutukoy ni Primus na Rhys na seryoso ang tingin niya sa akin para kinikilatis niya ako sa hitsura kong iyon. Balot-balot siya. Hindi ba siya naiinitan sa suot niyang iyan? Natigilan ako nang biglang may sumagi sa aking isipan... Feels like, there's something hit me.
"Tatawagn kitang Rhys Corson Black..."
Napasapo ako sa aking noo. Biglang sumakit ang ulo ko. Hindi ko alam na ganito. Umiiba din ang pakiramdam ko. Parang bumibigat...
"Bethany, are you alrght?" Bakas sa boses ni Kaiv ang pag-aalala nang tanungin niya ako n'on.
Pilit kong ngumiti sa kaniya. "A-ayos lang ako..." Huminga ako ng mallim. "I think, I should go for a while... M-may nakalimutan pala ako sa art room..." Bumaling ako sa mga kasamahan niya. "Nice to meet you, see you n-nalang..." Nagmamadali akong talikuran sila hanggang sa nakalabas na ako sa Cofee Shop.
Dumiretso ako sa art room. Marahas kong binuksan ang locker at inilabas ko doon ang canvass. Pagkatapos n'on ay nilapitan ko ang easel. Pinatong ko doon ang canvass. Tinititigan kong mabuti ang painting.
"This is part of my memory, I think." Mahinang sabi ko.
"I believe so..."
Napalingon ako nang may biglang nagsalita sa bandang likuran ko. Isang babae. Pormal ang kaniyang suot... "W-who are you...?" Tanong ko na may halong kaba na akong nararamdaman
"I'm Ylena but somebody calls me Ms. Yen. I'm also an art professor here in Stoneford." Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi bago pa niya dugtungan ang kaniyang sasabihin."I'm a grim reaper..."
Napasinghap ako. Mas lalo nangibabaw ang takot sa aking dibdib. Agad ako umalis sa harap ng painting at sumandal sa pader. "G-grim reaper..."
Pumikit siya. "I won't harm you, don't worry." Dumilat siya. "Hindi ka naman mamamatay para sunduin ka."
Taas-baba ang aking dibdib. Hindi pa rin mawala ang kaba at takot sa aking sistema. Kung ganoon, ano talaga ang kailangan niya sa akin?
"Sa oras na makarating ka sa lugar na iyon, malalaman mo din ang lahat. Lalo na't hinihintay ka niya."
"S-sino?" Hindi ko mapigilang tanungin iyon.
"Malaking parte siya sa buhay mo... Sa buhay ninyo ni Ramael." Tinalikuran niya ako. Bago siya tuluyang lumabas sa silid na ito ay tiingnan pa niya ako't nagsalita. "Well, see you around, Bethany. And I'm warning you. Please be careful." The she leave.
Napasapo ako sa aking dibdib. Bumaba ang tingin ko. Hindi na talaga normal itong nangyayari sa buhay ko. Sino ang tinutukoy niya na may naghihinta sa akin? At bakit sinasabi niyang mag-iingat ako? Para saan?
Napatingin ako sa kawalan. Hindi kaya, kailangan kong sumama kay Kaiv na pumunta talaga sa Batangas malaman ang totoo?
**
[ Raziel ]
"Bnigla mo kasi, ayan, tuloy, umalis na." Pang-aasar ko kay Kaiv... Or should I call him Ramael. Yeah, tao na talaga siya. Simulang nakilala siya ni Lilith ay talagang sinusundan na namin sila ng nareicarnate na Bethany. Hindi ko akalain na ganito ang magiging resulta.
"Shut up, Raziel." Pasulpadong sagot niya sa akin.
Tinawanan ko lang siya.
"Tiyak matutuwa si Lilith sa oras na isinama natin siya sa Batangas." Dagdag pa ni Rhys.
"Panigurado iyon." Sabi naman ni Primus at sumimsim ng kape.
"Kailan nga ba tayo tutulak papuntang Batangas, dude?" Tanong ko sa kaniya.
"This coming next week." Tipid niyang sagot. "I have to go. May klase pa akong pupuntahan." Tumayo na siya. Sinundan lang namin siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas dito sa coffee shop.
Tiningnan ko ang mag-ama na kaharap ko. "Nakalimutan ko pala ang cellphone sa kotse. Kukunin ko lang." Paalam ko at umalis muna sa harap nila.
Papunta na sana sako sa kotse nang may pumukaw ng aking atensyon. Isang babae na kakalabas lang sa kaniyang sasakyan. Nakatalikod lang siya sa akin. Yumuko siya ng kaunti parang tinitingnan ang kaniyang sarili sa window pane. Kulay rose gold ang buhok niya na hanggang balikat lang ang haba. Maganda ang kurba ng katawan dahil sa hapit niyang damit. She's also wearing stilettos.
"You can do it, Sigourney!" I heard her sweet voice.
So Sigourney ang pangalan niya? Unique..
Maglalakad na sana siya pero bigla siyang tumili. Hindi ko alam kung bakit mabilis ang kilos ko at nasalo ko siya. Mukhang natapilok ang isang ito.
"Ouch..." Rinig kong daing niya.
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.
Tumingala siya sa akin habang nanatili pa rin ako nakahawak sa kaniyang bewang at nasa dibdib ko naman ang mga palad niya. "M-medyo..." Then she pouted. Marahan siyang kumawala sa akin at sinubukan niyang maglakad pero matutumba na naman siya kaya agad ko pinulupot ang isang braso ko sa kaniyang bewang.
"Hindi ka nga okay. Teka..." Binuhat ko siya. Bridal style.
"Oh my gosh!" Bulalas niya dahil sa gulat.
Dinala ko siya sa kotse ko. Yumuko ako ng kaunti para mabuksan ko ang pinto. Marahan ko siyang pinaupo sa front seat. Tinukod ko ang isang tuhod ko sa semento. Marahan kong hinubad ang isang sapatos niya. Hinawakan ko ang paa niya na masakit. Nang ginalaw ko iyon ng kaunti ay rinig ko ang impit niya.
"Sorry..." Malumanay kong sabi saka tumingala sa kaniya. Natiiglan lang ako nang nagtama ang mga tingin namin. That beautiful gray eyes... Parang pamilyar... Ang mas ipinagtataka ko parang naiiyak siya. Dahil sa sakit ng paa niya o...
"You really like her."
"How do you say so?"
"Halata ka naman, eh. Pero ewan ko lang kay Beth kung nahahalata niya din iyon pero tingin ko ay hindi. Kasi inlove na inlove siya kay kuya."
"Mas maganda nga na huwag nalang niyang malaman o mahalata. Para walang gulo."
"But I like you."
"Mahal na mahal kita, Lucille... Nagsisisi ako kung bakit hindi ko agad sinabi sa iyo ang totoo..."
"S-sapat na sa akin... Na... Marinig ko na... Mahal mo din ako... Raziel... M-mahihintay mo ba... Ako?"
"Oo, Lucille.. Hihintayin kita... Kahit na wala ka na... Patuloy pa rin kitang hihintayin... Even if... Even if 400 years will passed. I'm willing to wait for you, right here... I'll never get tired to wait for you."
"I... I love you too, Raziel..." Nakangiting sambit niya. Unti-unti na siyang nawawala...
"R-Raziel..." Mahinang tawag niya sa aking pangalan.
Kumunot ang noo ko. "L-Lucille? P-paanong..."
Unti-unti siya ngumiti kasabay na pagpatak ng kaniyang luha. "I miss you..." Halos mabasag ang boses niya nang sambitin niya ang salita na iyon na dahilan para pigain ang puso ko.
Hindi ko magawang magsalita. Sa halip ay sinunggaban ko siya ng yakap. Isang mahigpit ng yakap. Isang yakap na sabik na sabik sa pagbabalik niya.
"Tapos na ang paghihintay mo, Raziel... Nakabalik na ako... Makakasama na ulit kita..." Garagal niyang sabi saka ginantihan niya din ako ng yakap.