chapter three

1340 Words
Bumalik kami sa restaurant. Kumain at gumala ng kaunti pagkatapos. Hindi na rin kami sumakay sa gandolas dahil maraming tao na naghihintay para makasakay sa ganoon. Anong oras na rin naman. Iniisip ko lang din si Kaiva na baka mainip. Maybe next time. Talagang si Kaiv ang naghatid sa akin dito sa apartment. Ilang beses na din akong tumanggi but he really insist. Hindi daw siya kampante kapag hahayaan niya lang daw ako mag-isa umuwi kaya wala na din ako magagawa kungdi pagbigyan nalang siya. Medyo takot lang ako kasi malalaman niya kung saan ako nakatira. "Dito nalang, Kaiv. Thank you sa paghatid." Sabi ko nang pagbuksan niya ako ng pinto at tagumpay akong nakalabas sa sasakyan nang bigla ulit siya nagsalita. "You have class tomorrow? Can I pick you up then?" He asked. Natigilan ako. Seryoso ba siya? Bakit kailangan pa niya akong sunduin? "Wala akong klase bukas." Which is true. Ayon iyon sa schedule ko. Buti na rin iyon dahil gusto kong magkulong sa apartment at magpaint or magdrawing. Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. Parang may ibig sabihin iyon pero hindi ko lang alam kung ano. "Alright, my Bethany. I'll call you when I got home." Magsasalita pa sana ako nang biglang kumalabog ang aking dibdib sa sinabi niya. Bakit naaapektuhan na naman ako? Parang kanina lang noong nilayasan ko lang siya sa Resto... "S-sige," Tanging nasabi ko. Nagmamadali na akong umalis sa harap niya hanggang sa tagumpay akong nakapasok sa loob ng aprtment. Agad ko dinaluhan ang bintana na makikita ang labas. Hinawi ko ng kakaunti ang kurtina para silipin kung nakaalis na ba siya. Nanlaki ang mga mata ko, kasabay na napaawang ang bibig ko nang makita ko na naroroon pa siya sa labas. Nakatayo at nakatingin dito! Dahil d'yan ay agad akong lumayo sa bintana. Napasapo ako sa aking dibdib. Para akong kakapusin ng hininga! Oh my... Bakit ganoon? Pumikit ako ng mariin at marahas na umiling para mawala iyon sa aking isipan. Umupo ako sa gilid ng kama. Napahawak ako ng singsing na nakasabit sa aking leeg. "Ano na ngayon ang gagawin ko?" Tanong ko sa aking sarili. I lie down on my bed with extended arms. I stare at the ceiling. "Hindi ko na uulitin ito. Pero hindi ibig sabihin iyon ay lalayo ako sa iyo." "I'll take it slowly until you'll fall with me again, my Bethany." Sa tono ng pananalita niya, parang kinikilabutan na ako, eh. Hindi na talaga tama ito... It's quarter to eleven pm nang biglang tumunog ang cellphone ko. Halos magwala ang buong sistema ko dahil sa ringtone. Sinilip ko ang cellphone ko. Napasinghap ako nang makita ko ang unknown number. Oo nga pala, hindi ko pa nakukuha ang numero ni Kaiv. Pero papaanong... Sa huli ay sinagot ko ang naturang tawag. Idinikit ko ang cellphone sa aking tainga. "H-hello?" "Nasa bahay na ako." Wika niya sa pamamagitan ng baritono niyang boses. Napalunok ako. Ngayon ko lang narealize, ang swabe pala ng boses niya maski sa telepono! Oh shiz, Eurille! Ano bang nangyayari sa iyo! Tumigil ka nga! "A-ah..." Wala akong makapang salita. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko. "Inaantok ka na ba?" Tanong niya. "I'm really sorry for what have I done, my Bethany." Hilaw akong ngumiti kahit na imposibleng makita niya iyon. "Okay lang..." Sabi ko. "I know you're tired. Get some sleep, my Bethany." "I-ikaw din." "Goodnight." He said sweetly. "Goodnight din." Ganting sabi ko sabay binaba ko na ang tawag. Idinikit ko naman ang cellphone sa aking dibdib. Bakit ganito? Parang hindi na naman ako makahinga?! Maaga ako nagising kinaumagahan ding iyon. Nagbago ang isip ko. Imbis na magkulong ako dito sa bahay ay mabuti pang lumabas-labas nalang ako. Magmumuni-muni. Lumabas ako na may naka-floral dress at naka-ponytail. Suot ko din ang brown leather shoulder bag ko. Hawak ko ng isang kamay ko ang sketch pad. Nakangiti akong umalis sa apartment. Natigilan lang ako nang makita ko ang sasakyan ni Kaiv na nasa harap lang ng apartment! "Morning," Nakangiting bati niya sa akin nang nasa harap ko na siya. "A-anong ginagawa mo dito?" Hindi mawala ang ngiti niya. "I'm planning to pay visit but it seems like you're going... somewhere?" Sabay pinagmasdan niya ang suot ko. Niyakap ko ang sketch pad. "Balak ko sanang mag-unwind nalang... Wala rin naman akong gagawin." "I'll go with you, can I?" Napalunok ako. "E-eh, baka mainip ka lang." Umiling siya. "Nope. As long as I see you. I'll never be bored." Tugon niya. Mukhang seryoso siya na gusto niyang sumama sa akin. Kumawala ako ng isang buntong-hininga. "Oh sige na nga. Basta kapag ikaw nabored, huwag na huwag mo akong sisisihin, ha?" "Yes, baby." Then he opened the door at the passenger's seat. Sumakay ako doon. Siya na din ang nagsara. Ako na ang nagsuot ng seatbelts. Nang nasa tabi ko na siya ay bumaling siya sa akin. "May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya.  "Hmm... Kahit saan basta park or any public place. 'Yung mafifeel mo ang tranquility." Tumango siya na tila nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan. Tahimik kaming nakaalis sa apartment. Sa Paco Park kami napadpad. Namangha na agad ako sa entrance nito. Parang makikita mo talaga ang kalumaan nito. Bato ang gamit sa paggawa nito, hindi semento kaya ang galing lang. Mahahalata na matibay ito. "Ang ganda..." Hindi ko mapigilang mabulalas iyon nang nasa loob na kami. "I'm glad you like it." Sabi niya sa akin habang patuloy ko pa rin iginagala ang paningin ko sa paligid. "Actually, originally named this as Cementerio General de Dilao. Once a Manila's municipal cementery built by the Dominicans during the Spanish colonial period." Napatingin ako sa kaniya. "Mahilig ka pala sa history?" "Not really, actually, napag-aralan din namin ito. You know, architecture and designs..." "Oh! Oo nga pala." Bigla niyang may itinuro sa hindi kalayuan sa amin. Sinunod ko naman ng tingin iyon. "And that's St. Pancratius Chapel." Hindi ko mapigilang mapangiti habang patuloy pa rin kami naglilibot namin sa naturang park. Hindi ko na nga namamalayan na natutuwa na ako sa pinag-uusapan namin. Lalo na't pareho pa ang interes namin, arts and designs. Fine Arts student ako habang siya naman ay kumukuha ng Architecture. "Bakit nga pala Fine Arts ang gusto mo?" He asked. Nagkibit-balikat ako. "Actually, hindi ko rin alam. Basta, gusto ko lang ilabas kung anong naiisip ko. Lalo na 'yung mga unusual na nangyayari. Alam mo na 'yon." Bumaling ako sa kaniya. "Eh ikaw? Bakit Architecture kinuha mo?" "I enjoying arts, meseums, churches which makes me calm." Sagot niya. "If a building becomes architecture, then it is art." Napangiti ako. "Ang lalim mo, ah. Hindi ko kinaya." Saka tumawa ako. Buong araw kami magkasama ni Kaiv. Hindi ko nga akalain nagiging okay na kami. Bakit ganoon? Parang ang layo ng nasasagap kong tsismis na suplado siya kaysa nakasama ko siya? Hindi naman siya suplado sa akin. Agressive lang. Daig pa na girlfriend niya ako kung asikasuhin niya ako. "Thank you sa paghatid, ha?" Nakangiting sabi ko nang nagawa niya ulit akong ihatid dito sa apartment. "No problem." Saka tinititigan niya ako. "Eurille..." "Bakit?" Tumikhim siya. "Can you go with me this coming weekend?" He asked. "Saan naman?" "Batangas." Kumunot ang noo ko. "Malayo, ha." I paused for a seconds. "Wala naman akong gagawin ng weekends... Pwede naman." Napangiti siya sa pagpayag. "I'll see you in school for more details." "Sige, papasok na ako, ha? Ingat sa pag-uwi." Sa pagpasok ko sa apartment ay hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi. Pero napapaisip ako kung bakit bigla niya akong inaya sa Batangas. Ano bang meron doon? May family gathering ba? Or what? Nagkibit-balikat nalnag ako saka humiga muna ako para magpower nap. ** [ Kaiv ] Pinark ko ang kotse sa basement kung nasaan ang parking lot ng RCB Towers, kung saan ako nakatira ngayon. Ayoko sa bahay dahil may dahilan. Tahimik pa rin ako pagkatuntong ko sa mismong unit. I can see the skyscraper from here. Kinapa ko ang pader para buksan ang ilaw sa paligid ko. Dim ang ilaw dahil narerelax ako. Sa pagbukas ko ng ilaw ay tumambad sa akin ang tatlong lalaki na kanina pang naghihintay sa akin. Napatingin sila sa aking direksyon. "Welcome home, dude." Raziel greeted me. Smirking. "Do you invite her?" Primus asked while his son, Rhys sitting in the couch beside him. Hindi ako nagsalita. Sa halip ay sumilay na ngiti sa aking mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD