chapter seven

1589 Words
Note : Please lang. Kung ano man ang gagawing rituals or spells dito sa istorya na ito, sa mga chant o latin spells, huwag na huwag ninyong gagawin (Kung balak o babalakin niyo palang). Basa lang gamit ang mga mata huwag lang bigkas. Mind your own risk. Thank you. - [ Eurille / Bethany ] "W-what? A black witch?" Ulit ko pa na hindi makapaniwala. Nanatili siyang seryoso at tumango. "Anong sinasabi mong bibigyan mo kami ng babala? Para saan?" Si Raziel naman ang nagtanong. Binalingan siya ng babae na ganoon pa rin ang kaniyang ekspresyon sa mukha. "May mga dadating na hindi dapat... May mabubuhay mula sa kamatayan... May mga babalik mula sa nakaraan..." "A-anong ibig mong sabihin?" Si Lilith naman ang nagtanog. Naging seryoso na din siya. Mukhang naging kalmado na siya buhat kanina. "Ang tinutukoy kong mga dadating na hindi dapat, ang mga kasamahan ko sa Ouraphia. Hindi ko alam kung ano ang tunay nilang pakay, ngunit, nasisiguro ko na maghahasik sila ng kasamaan sa mundo ng mga mortal. Ang mga babalik mula sa nakaraan ay kayo ang tinutukoy ko, Ramael, Lucille, Bethany... Tungkol naman sa may mabubuhay mula sa kamatayan... Ay isa sa mga malalapit sa inyo." Kumunot ang noo ko. Sino bang tinutukoy niya? "Narito rin ako para hingiin ang mga tulong ninyo. Sapat na kayo ang makakatalo sa kanila dahil nasisiguro ko na hinding hindi ko sila kakayanin na mag-isa." Napahawak siya sa kaniyang kuwintas. "Bilang pagpapatunay na isa akong kakampi ay kahit anuman ang hihilingin ninyo ay maibibigay ko. Maliban lang sa pagbabalik ko ng mga alaala ni Bethany dahil kusa kong ibibigay iyon sa kaniya." "H-hiling?" Ulit ng lalaking may kargang bata. She smirked. "Hindi porke isa akong black witch ay masama na ako. Ang mga kasamahan ko lang ang mga masasama." Napabuntong-hininga ako. "My aim is to return them in Ouraphia, my real world." Naputol lang ang pag-uusap namin nang biglang umiyak ang bata. Agad dinaluhan iyon ni Lilith. Sinundan lang namin siya ng tingin. Iba ang pakiramdam ko habang pinagmamasdan ko ang mag-ina. Ganoon ang asawa ni LIlith na palagay ko ay Harlan ang panagalan n'on dahil madalas ko naririnig ito kina Raziel, Primus at Rhys. Hindi ko mapigilang mapangiti. Parang ang saya-saya nila... Gusto kong ibalik lahat ng alaala ni Bethany noong nabubuhay pa siya... Gusto kong malaman kung ano bang buhay na meron siya noon... "P-payag na ako..." Mahina kong sambit. Nakuha ko ang kanilang atensyon. Nang tingnan ko sila ay bakas sa kanilang mga mukha na hindi makapaniwala. Bumaling ako kay Mystia Circe. "Bago mo ibalik ang mga alaala ko, bakit hindi ko rin magawang maalala ang lahat?" "Dahil tao ka rin naman noon sa nakaraaan mo na hanggang ngayon ay nabubuhay ka pa rin bilang tao na madali para burahin ang iyong mga alaala. Iba naman sa kaso nina Lucille at Ramael. Hindi sila tao noon kaya kahit na tao na kanilang katauhan ngayon, maaalala pa rin nila kung ano ang buhay nila sa nakaraan." Kinuyom ko ang aking mga kamao. Gusto ko nang maalala ang lahat. Gusto ko nang tapusin ang lahat ng kakaibang bagay na kusang lumalabas sa aking isipan. Gusto kong matapos ang paghihirap ko. "Kung ganoon..." Mahina kong sabi. Tiningan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata. "Buo na ang loob ko... Please, bring back my memories..." Tumayo siya ng tuwid. "Mas maganda kung mamayang alas dose ng hatinggabi isagawa ang ritwal para mas lalo umepektibo." Bumaling ako kay Kaiv. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Parang tinatanong niya ako kung sigurado ba ako sa gagawin kong ito. Diretso ko rin siya tiningnan sa kaniyang mga mata. Sa pamamagitan ng aking mga mata ay sinasabi ko na nakahanda na ako. Mismo si Lilith ang naghatid sa amin kung nasaan ang magiging kuwarto na tutulugan ko. Pagkapasok namin mismo sa kuwarto ay umiba na naman ang pakiramdam ko. Napapikit ako ng mariin nang may biglang mga imahe na sumasagi sa aking isipan. Kasabay na pagkirot ng aking ulo. "Bethany!" Nag-aalalang tawag sa akin ni Kaiv. "Are you alright?" "A-ang ulo ko..." Nanghihinang sambit ko. Mas lalo sumasakit. Dahil d'yan ay pati ang tuhod ko ay bumigay na. Hindi ko na kaya hanggang sa itim nalang ang nakikita ko. ** [ Rhys ] "Mukhang malalim ang iniisip mo," Napalingon ako nang nasa bandang likuran ko. Si Lilith. May ngiti sa kaniyang mga labi at humakbang hanggang nasa tumabi siya ng upo sa akin dito sa bench. "Nagpapahangin lang ako." Sagot ko. "Bakit ka nga para narito? Baka hanapin ka ng asawa mo at ako na naman ang awayin n'on." Mahina siyang tumawa. "Hindi pa rin kayo nagbabago. May anak na kami, magseselos pa rin?" Tumingala siya sa kalangitan na hindi pa rin maaalis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Mas hindi ka nagbabago, Lilith. Kung ano ang hiling mo noong mga bata palang tayo, ngayon ay natupad na ngayon. Masaya ako para sa iyo dahil makakasama mo na ang mga magulang mo kahit na nasa ibang katauhan na sila. "Mas masaya kung narito din ang nanay mo, Rhys. Para hindi lang ikaw ang makakasama niya, pati na din ang papa mo." Saad niya. "Iyon din ang iniisip ko kanina." Tumingala na din ako sa langit. Maraming bituin ngayon. Maganda ang liwanag ng buwan ngayon. Parang siya... Pinipigilan ko lang ang sarili kong tumitig sa kaniya dahil baka biglang sumulpot na Harlan na iyon at masapak pa ako. "Bakit hindi nalang iyon ang hilingin mo?" Biglang tanong niya. "It's kinda selfish if I will do that, Lilith." Tugon ko. "It's not about selfishness, Rhys. It's a reward. For your sacrifice and loneliness." She added. Pinatong niya ang kaniyang palad sa aking balikat na dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Noong mga bata palang tayo, uhaw na uhaw tayo sa ina. Pareho tayong mamuhay na wala ang mga magulang natin. Ngayon, narito na sina mama at papa, hinihiling ko na kahit ikaw din. Wala naman masama... Dahil ang tanging gusto mo lang makita at makasama mo lang siya." Napabuntong-hininga ako. Imposible kaya iyon? Can Mystia resurrect my mother from death? Can my mother will be alive again and be with us? "Sana maalala na din mama ang lahat mamaya..." Sabi pa niya. "She will, Lilith." "Hoy, Rhys!" Sabay kaming napalingon ni Lilith. Tumalikwas ang isang kilay ni Lilith habang ako naman ay napangiwi dahil sa biglang pagsulpot na naman ang gagaong ito. Kung kailan maganda ang nangyayari. Tss. "Napatulog mo na ba si Cade?" Kaswal na tanong ni Lilith sa kaniya. "Yes, wife. Kanina pa. Nandito ako para sunduin ka." Sabay hawak niya sa kamay nito. "Lumayo ka kay Rhys. Baka bigla kang akitin ka ng isang iyan." "Oo, aakitin ko talaga siya kapag hindi ka pa umalis sa harap ko." Iritado kong sagot ko sa kaniya. "Kita mo yan, wife?! Tara na! Baka sumabog na naman ang bulkan. We need to evacuate!" Sabay yakap siya kay Lilith na ikinatawa lang nito. "Baliw ka talaga. Halika na nga." Bago man sila umalis ay bumaling siya sa akin. "Be happy, Rhys. Matulog ka na din. Goodnight." "Yeah, good night." Inakbayan ni Harlan si Lilith at sabay na silang bumalik sa loob ng mansyon. Nang tuluyan na silang makalayo ay kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. I'm happy for them. Sa aming tatlo nalang talaga, ako nalang ang walang asawa o girlfriend. Well, I don't mind. Wala naman akong ideal girl o ano. Basta matino lang kausap, iyon lang. Kung may ibibigay, edi masaya. Kapag wala, okay lang din... I'm contented anyway... ** [ Eurille / Bethany ] Isnag maingay na tulog mula sa labas ng mansyon ang dahilan upang magising ako. Dahan-dahan ong idinilat ang aking mga mata. Unang bumungad sa akin ay ang mukha ni Kaiv. May pag-alala sa kaniyang mukha. "Baby," Masuyo niyang tawag sa akin. "Hinimatay ka kanina..." Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Narito ang iba, kasama na din si Mystia Circe na nakatayo lang sa isang tabi at nakatingin lang dito. "A-anong oras na? And... It's raining?" "It's quarter to twelve before midnight. Yes, it's raining. How was your feeling?" Sagot niya. Pilit kong bumangon. Sapo-sapo ko ang aking ulo. "Nawawala na ang sakit ng ulo ko..." Sagot ko naman. "Thank goodness." "It's about time, Elizabethany Arles-Black." Seryosong tawag sa akin ni Mystia. Tahimik akong tumango. Nakapatay ang ilaw mula sa chandelier dito sa salas, tanging mga kandila sa paligid ng kuwartong ito ang nagsisilbing ilaw dito. Nasa isang tabi lang ang mga kasamahan namin. Including Kaiv. Tahimik lang naming pinapanood si Mystia. May dinodrawing siya sa may sahig. It's like a magic circle... Bilog na may malaking bituin sa loob... Pinasuot dn niya sa akin ang victoria night gown na sinasabi na palagi daw suot ito ni Bethany habang nananatili daw siya sa mansyon na ito. Nang matapos niya iyon at tumingin siya sa akin. "Humiga ka sa ibabaw ng magic circle." Utos niya. Sinunod ko. Lumapit ako at humiga sa magic circle. Sunod namna niya ginawa ay nagsindi siya ng mga puting kandila. These are meditation candles, I think. Itinirik niya ang mga iyon sa magkabilang gilid ko. Sa magkabilang balikat, braso at paa. Habang ang isang malaking pulang kandila naman ay itinirik niya iyon sa uluhan ko. Bigla ako kinabahan... "Don't be nervous, Bethany. Calm down. Take a deep breath and slowly close your eyes..." Malumanay niyang utos sa akin. Sinunod ko iyon. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Kailangan kong pakalmahin ang aking sarili. Gusto ko nang malaman ang totoo... Naamoy ko nalang ang mabangong amoy mula sa mga kanila. It smells like jasmine and rose... "Let's start," She announced. "In the name of Gods.. Isis, Astarte, Diana, Hecate, Demeter, Kali, Inanna... Please bless us... Remove the chains time and space... And make my spirit soar! Let this mortal arms embrace... The life that haunts before! I mote to be..." Maya-maya pa ay pakiramdam ay gumagaan ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD