chapter eight

1286 Words
[ Lilith ] Seryoso ko lang pinapanood sina Mystia at mama. Parang natutulog lang si mama habang pinapalibutan lang siya ng usok at kandila. Ngunit, hindi pa rin maalis sa sistema ko ang kaba. Hoping my mother can remember everything about her past. Ramdam ko nalang ang pagtapik ni papa sa aking balikat. Napatingin ako sa kaniya. Seryoso at tahimik siyanng tumango na parang sinasabi niya... 'Everything's gonna be alright.' Tumango din ako at ibinalik ko ang aking tingin kay Mystia na tinititigan lang ang katawan ni mama. "Naglalakbay ang kaniyang kaluluwa kung saan ka niya una nakilala, Ramael. Noong ikaw ay isa ka pang incubus." Biglang sabi ni Mystia. "Noong natatakot pa siya sa iyo." Muli ko tiningnan si papa. May halong pagtataka. Gusto ko din makita iyon pero hindi pwede dahil baka maghalo ang kapangyarihan ko sa kapangyarihan niya. Hangga't kaya ko ay kinakailangan kong magtimpi. Para sa ikakabuti ni mama... "Gaano katagal bago niya maalala ang lahat?" Biglang tanong ni tatay Raziel sa kaniya. "Saglit lang ito. Mga importanteng bagay lang naman ang ipapakita sa kaniya. Mula sa nakilala niya si Ramael hanggang sa namatay ito." Seryosong sagot ni Mystia. Napalunok ako. Napasapo ako sa aking dibdib. You can do it, mama. We believing in you... "Ugh..." Rinig naming ungol ni mama. Kani-kaniya kami ng galaw, lahat kami ay nag-aalala sa anuman ang mangyari kay mama! Mas lalo bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa takot. "A-ahh... Ughhhh....!" Mas lumalakas iyon. Napatingin ako kay papa. Bakas sa mukha ko ang takot. Kahit siya ay nag-aalala siya. Kita ko dina ng paglunok niya. "Beth..." Naiiyak na si tita Lucille habang inaalo siya ni tatay. "Please remember everything, Beth." Wika naman ni tatay. All of us were anticipated. Napalingon naman ako nang may mainit na palad ang dumapo sa aking sa aking balikat. Si Harlan. Kahit siya ay seryoso at tumango. Ibinalik namin ang tingin namin kay mama. "H-Huwag... R-Ram..." Naiiyak na si mama. Ano ang nakikita niya ngayon? "R-Ramael..." "Bethany..." Hindi na mapigilang banggitin ni papa ang pangalan ni mama. "RAMAEEEEEEEEEEEEELLLLL!!" Hindi na niya mapigilang mapahiyaw. "Hawakan ninyo siya!" Malakas na utos ni Mystia. Naunang dumalo sina papa, tatay, tita lucille at ako. Si papa at tatay sa magkabilang balikat at braso ni mama habang kami ni tita Lucille sa magkabilang binti niya. Nagiging agresibo na ang galaw ni mama... Para siyang babangungutin sa mga kinikilos niya. "Please, hold on, Bethany." Namamaos na sabi ni papa. "Baby, we're here. Please..." "Her wish wish to be able to remember everything..." Pagdadasal ni Mystia habang siya ay nakapikit. Limang beses niya inulit ang mga katagang iyon. "So mote to be..." "AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!" Napasinghap ako nang makita namin na may puting enerhiya na bumabalot kay mama na dahilan upang siya'y may maging agresibo! "Spirit of air, I call on you... please calm her, please calm her body and soul with your power..." Dagdag pa ni Mystia. Napaliyad si mama kasabay na pagbuka ng kaniyang bibig. Ngunit walang lumalabas na boses n'on. W-what's happening?! Maya-maya ay unti-unti kumakalma si mama. Para siyang nanghihina kung kaya maingat namin siyang binibitawan. Taas-baba ang kaniyang dibdib na tila hapong-hapo siya. "Ayos na siya." Seryosong abiso ni Mystia. Nakatitig lang kami sa kaniya. Pinapanood namin siya. Hindi maalis ang mga mata namin sa kaniya. Napasapo ako sa aking dibdib. "M-mama..." Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Napasinghap kami. Muli nabuhay ang natisipasyon sa aming sistema. Marahan siyang bumangon. "B-Bethany..." Kinakabahang tawag sa kaniya ni papa. Tiningnan siya ni mama nang diretso sa kaniyang mga mata. Kinagat niya ang kaniyang labi kasabay na pag-agos ng luha. Idinapo niya ang kaniyang mga palad sa magkabilang pisngi ni papa na nanatili pa rin siyang nakatitig. Parang pinag-aaralan niyang mabuti iyon. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala sa kanilang paghaharap. "R-Ramael..." Nanghihinang tawag ni mama sa kaniya. "R-Ram..." Hindi niya mapigilang mapahagulhol. Mariing pumikit si papa. Marahan niyang idinikit ang kaniyang noo sa noo ni mama. Napasapo ako sa aking bibig. Hindi ko mapigilang mapaluha sa aking nasaksihan. "Sa wakas... Nasa harap na kita..." Humihikbing sabi ni mama. "Tulad ng ipinangako ko... Hihintayin kita... Hinintay kita, Ram..." "I'm sorry... If I made you wait so long, baby." Hindi na rin mapigilang mapaluha ni papa. Masuyo niyang dinampian ng halik ni papa si mama sa noo. "I love you, Bethany... I love you..." "Mahal na mahal na mahal din kita, Ramael..." Dumapo ang tingin ni mama sa akin. Kahit na umiiyak siya ay pilit niyang ngumiti. Inangat niya ang kaniyang mga kamay. "L-Lilith... Anak..." Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya saka sinunggaban ko siya ng yakap sa kaniya. Pumikit ako ng mariin habang walang humpay ang pagtangis ko. "Mama..." "I'm so sorry, anak..." Marahas akong umiling. Nagtitigan kami. "Ang importante, nakabalik ka na ngayon, mama... M-magkakasama na ulit tayo..." Masuyong hinaplos ni mama ang aking pisngi. "Parang kailan lang..." Hindi ko na magawang magsalita. Muli kong niyakap si mama. Mas mahigpit. Iyong tipong ayaw ko na siyang pakawalan pa... ** [ Rhys ] Parang nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ko sila. I'm so happy for you, Lilith. Finally, your family got reunited. Buo na ang pamilya mo. Natupad na ang pinapangarap mo. Kaharap mo an sila bilang magulang, hindi bilang kalaban tulad nang dati... Nagpasya na akong lumabas sa silid at magpapahangin nalang ako. Mas lalo lang ako madudurog kapag tumagal pa ako doon. Habang naglalakad ako sa pasilyo ay hindi ko namamalayan na may nakabangga na pala ako. Tiningnan ko iyon kung sino. Mas sumeryoso ang mukha ko nang makita ko na naman ang babaeng nasa harpa ko. "S-sorry, sir!" Natatarantang sabi niya. Alam kong takot sa akin ang isang ito. "H-hindi na po mauulit!" Pinaningkitan ko lang siya ng mga mata. "Hindi mauulit pero inuulit mo." Malamig kong tugon. "Seryoso, sinasadya mo na ba?" Napaawang ang bibig niya sabay iling. "N-naku, hindi po, promise!" "Get out of my sight." Mariin at malamig kong sambit. Umaribas siya ng takbo palayo sa akin dahil sa takot. Pinapanood ko lang ang kaniyang paglayo. She's so clumsy. Ewan ko ba kung bakit nahired ni Lilith ang babaeng iyon. Sa pagkakatanda ko ay Karyle ang pangalan ng babaeng iyon. Tss, bakit ba interisado ako sa isang iyon? Pati pangalan n'on ay kailangan ko pang alalahanin? ** [ Eris ] Iritada akong nakauwi sa bungalow style na bahay kung saan kami nanunuluyan ngayon. Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin sina Hazel at Sabine na nag-uusap. Tumigil lang iyon nang naramdaman nila ang presensya ko. "Oh, buti nakauwi ka na." Nakangising salubong sa akin ni Hazel. "Badtrip ako! Madalang ko na talaga nakikita si Kaiv sa pinapasukan niyang University! Ugh!" Walang sabi na napahampas ako sa mesa dahil sa inis. Napabuntong-hininga naman si Sabine. "Patay na patay ka talaga doon, ano?" Umingos ako. Padabog akong umupo. "Hindi pwedeng hindi ko siya makita. Mas lalo nadadagan ang inis ko dahil palagi na silang magkasama ni Eurille! And guess what? Trending sila!" "Maiba ako, nakita ko na ang tipo kong lalaki. Hihi. Palagi ko naman siyang nakikita sa Coffee Shop." Sabi naman ni Hazel. "Rhys naman ang pangalan niya." "Buti pa kayo." Kumento naman ni Sabine. "Siya nga nakita ko lang sa salamin. Nakuha ko din ang pangalan ng lalaking ipinakita sa akin... Raziel ang pangalan niya..." "Narito tayo para sa mga misyon natin." Sabat naman ni Lyubina na kakalabas lang ng kuwarto. "Ako ang bahala kay Kaiv o sabihin nating Ramael." "W-what?!" Hindi mapigilang mapasigaw dahil sa gulat. "Iba nalang, Lyubina! Huwag lang si Kaiv o Ramael dahil akin siya!" "Kumpara sa kapangyarihan ko, hindi pa sapat ang kapangyarihan mo, Eris." Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. "Bakit hindi nalang si Harlan Ferretti ang akitin mo?" Kumunot ang noo ko. "Sino naman iyon?" "Asawa ni Lilith Black, anak nina Ramael at Bethany." Biglang sumeryoso ang kaniyang mukha. "Nasisiguro ko na narito din si Mystia sa mundo ng mga mortal. At paniguradong hinahanap na niya tayo." Naging seryoso na din kami. Kinuyom ko ang aking palad dahil sa galit. Kailangan na namin siya unahan para namin maisagawa ang aming misyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD