chapter nine

1631 Words
[ Eurille / Bethany ] Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harap ko ulit ang pinakamamahal ko. Si Ramael. Hindi maalis sa aking mga labi ang ngiti. Gayundin siya. Bakas sa kaniyang mukha ang saya na muli kami nagkasama. Masuyo niya akong nihiga sa kama dito sa kuwarto namin. Hinawi niya ang takas kong buhok at isinabit niya iyon sa aking tainga. Marahan kong idinapo ang aking palad sa kaniyang pisngi. Pinagmamasdan kong mabuti ang kaniyang mukha... Oh, how I miss my husband for a long time. "Hindi pa rin ako makapaniwala, Ramael..." Malambing kong sambit. "Kapiling na ulit kita. Nasa harap na kita, nakikita na ulit kita... Nahahawakan." Umupo siya sa gilid ng kama. "Ganoon din ako, Bethany. Matagal ko na din hinihintay ito. Sa pagkatataon na ito, hinding hindi na ako aalis sa tabi mo... Hinding hindi na." Dinampian niya ako ng halik sa aking noo. Napapikit kaming dalawa. Pagkatapos ay ramdam ko naman na hinalikan niya ang tungki ng aking ilong. "I did my promise, I will find you and now, I found you, baby..." "Thank you for not giving up." Mahina kong sambit. "Hindi lang ikaw ang makakasama ko. Maski ang anak natin na si Lilith... Pati sina Raziel at Lucille." "For my queen, I'll do everything for you, baby." Pagkatapos ay may ipinakita siya sa akin. Napasinghap ako nang makita ko na singsing ang hawak niya. "Lilith gave me this. Alam ko na ang gusto niyang mangyari. Sa oras na makita kita, maibibigay ko na sa iyo ito." Napahawak ako sa aking leeg. Thankful naman ako, akala ko nawala pa ang singsing na binigay ng anak namin noong natagpuan niya kami bilang bata. Kinalas ko ang kuwintas at hiniwalay ko ang singsing doon. Unang hinawakan ni Ramael ang isang kamay ko. "Now I found you, no one can break us apart, Bethany..." Saka pinadausdos niya ang singsing sa aking daliri. Napangiti ako. Ginawa ko din ang ginawa niya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Itinapat ko ang singsing sa kaniyang palasingsingan. "I believe you are the one for me, Ramael. I'll never tired for loving you." Isinuot ko sa kaniya ang singsing sa kaniyang daliri. Nagtama ang mga tingin namin. Pareho kaming napangiti. Muli kami nagkasama. Malaking paniniwala ko na hinding hindi na kami maghihiwalay. Walang makakabuwag sa aming pagmamahalan. Kung may bago man kaming pagsubok na haharapin ay malalagpasan din namain iyon. Hanggang sa unti-unti naang inilapit ni Ramael ang kaniyang mukha sa akin. Marahan akong pumikit para hintayin na dumapo ang kaniyang mga labi niya... Naputol lang iyon nang biglang may kumatok sa pinto. Rinig ko pa ang pagmura ni Ramael na ikinatawa ko. Parnag naulit ang nangyari noon. Mahilig manira ng ganitong eksena si Raziel. Our typical friend Raziel... "Ano na naman kailangan mong gago ka?!" Bulyaw ni Ramael kay Raziel nang pagbuksan niya ito ng pinto. Parehong inangat ni Raziel ang magkabilang kamay niya, tanda na pagsuko o hindi lalaban. "Hey, chilll. I'm here to talk to you. This is urgent, alright?" Lumingon sa akin si Ramael. Tulad ko ay may pagtataka sa kaniyang mukha. Muli niyang binalingan ito. Nilakihan niya ang awang ng pinto para makapasok ang kawawang Raziel. "Bilisan mo bago man kita ipatapon sa labas." Mariing sabi ni Ramael sa kaniya. Napabuntong-hininga si Raziel. Umupo siya sa malapad na couch. Umalis ako sa kama saka dinaluhan sila. Napahawak ako sa braso ni Ramael. Nagkatinginan kaming dalawa. "Anong urgent iyon, Raziel?" Tanong ko. Ngumuso siya at tumingin kay Ramael. "Alam ninyo naman siguro na mahal na mahal ko si Lucille, hindi ba? She's now a human she's freely to love someone." Panimula niya. "And then?" Segunda pa ni Ramael na seryoso na din ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Seryoso na din ang kaniyang mukha. "I want to marry Lucille." Determinado niyang sabi. "I want to marry your sister, Ramael. I won't let her go this time." Bumaling ako kay Ramael. Pinapanood ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya. Seryoso pa rin. Tila hindi man lang siya nagulat o ano. Parang kalmado lang siya. "She's my world, Ramael. I've been waiting so long to see her again. I wanted to be with her until my last breath." Dagdag pa ni Raziel. "Wala naman problema sa akin, ang tanong lang naman d'yan ay kung papayag ba si Lucille sa proposal mo. Well..." Inakbayan niya ako. "We're willing to help if you want to." Hindi mapigilang mapangiti ni Raziel sa pagpayag ni Ramael. Walang sabi na bigla niyang niyakap ang tinuturing niyang kaibigan. Alam ko naman kung ano ang magiging reaksyon niya. Nandidiri na naman. Pilit niyang kumawala sa pagkayakap nito sa kaniya pero ayaw pumalag ni Raziel. Siguro dahil tao na nga si Ramael kaya wala siyang kapangyarihan. Lugi tuloy siya. Haha! Nakamiss tuloy ang ganitong eksena. Alam kong namimiss din ito ni Raziel. "Bumitaw ka!" Inis na sabi ni Ramael na patuloy pa rin kumawala. "Ayaw ko nga. Wala ka naman powers ngayon kaya itotodo ko na." Natatawang sagot niya. "Baka gusto mong bawiin ko tungkol sa proposal mo?" Dahil d'yan ay bumitaw nga si Raziel. Tinapik niya si Ramael sa braso. "Masyado ka namang mainit. Hindi ka talaga mabiro kahit kailan. Huwag ganoon, dude." Muli siyang ngumisi nang nakakaloko. "Oh siya, alis na ako. Matutulog na ako. Matulog na, ha? Huwag na gumawa ng milagro." "Siraulo." Kumento pa niya. Hanggang sa nakalabas na si Raziel dito sa silid. Siya na rin ang nagsara ng pinto. Nagkatinginan kami ni Ramael. "Ang akala ko hindi mo papayagan si Raziel na mapangasawa si Lucille." Sabi ko. "Hindi naman siya kumontra sa atin noon kaya sinuklian ko lang iyon." Sagot niya. Bigla niya akong binuhat na parnag bagong kasal. "Let's get sleep, baby. You need to gain some energy." Ngumuso ako. "Sige na nga." Nang pareho na kaming nakahiga sa kama ay niyakap niya ako ng mahigpit. Nakatalikod ako sa kaniya. Parang ayaw niya akong pakawalan sa posisyon na ito. Si Ramael talaga... Teka, oo nga pala... Tao na pala siya. Ibig sabihin, hindi na niya mababasa ang isipan ko? Hala. Parang hindi naman ako sanay. Hindi ko tuloy siya papapakilig sa pamamagitan n'on! "Baby, sleep na..." Namamaos niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. "W-wait, nababasa mo ang inisiip ko?!" HIndi makapaniwalang tanong ko. "Nope, I can feel it." Then he plant a kiss on my temple. Kinagat ko ang aking labi. Ipinikit ko ang aking mga mata. I can feel his warmth, his breath and his heartbeat. Sana palagi kaming ganito... ** [ R h y s ] Hindi ako makatulog. Gustong gusto ko nang matulog pero hindi man lang ako dinadalaw ng antok. Gising pa ang diwa ko. Hinawi ko ang kumot at umalis muna sa kama. Nagpasya akong magpahangin muna kahit saglit. Nagbabakasaling antukin. Kinuha ko ang jacket na nakapatong sa couch. Pinuntahan ko ang pinto ng balkonahe dahil doon nalang ako dadaan. Tumalon ako mula sa taas. Okay naman ang pagdapo ko sa damuhan. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Hanggang nasa gubat na ako na malapit lang sa mansyon. Isinuksok ko ang aking mga kamay sa loob ng bulsa ng jacket para hindi ako masyado malamigan dahil bawal sa amin ni Lilith iyon. Masasabi namin na isa iyon sa mga weakness namin ang lamig. Tumigil ako sa paglalakad nang may natanaw ako ng isang kubo na tama lang ang kalakihan. Tama lang para sa iisang tao. Naniningkit ang mga mata ko dahil may ilaw. Hindi kaya gising pa si Mystia? Nabanggit kasi niya sa amin na dito lang din siya sa gubat nanunuluyan pero hindi ko alam na may kubo dito. Hindi ko rin maitindihan ang aking sarili kung bakit nagpakawala ako ng hakbang upang mas lalo ako mapalapit sa naturang bahay na iyon. Curiosity kills me. Medyo nakaawang ang pinto. Dahan-dahan kong nilakihan ang awang kahit kaunti para masilip ko kung ano ang meron sa loob. Tumambad sa akin si Mystia na nakaluhod habang nakaharap sa altar. Dahil nakaside-view siya ay kita ko na nakapikit ang kaniyang mga mata. Nagdadasal yata siya. Aalis na sana ako nang bigla siya nagsalita. "What brings you here?" Seryosong niyang tanong. "N-nothing... I'm just walking to unwind." Sagot ko. Dumilat siya saka bumaling sa aking direksyon. "Pwede ka namang pumasok. I won't harm you." Sabi niya. Bahagyang itinulak ko ang pinto hanggang sa nakapasok na ako. "Maaari kang umupo doon." Turo niya sa mababang silya na nasa tabi ko lang. Umupo ako. Tumingin ako sa kaniya. Tumayo siya mula sa pagkaluhod niya sa altar para lapitan ako. "Hindi ka makatulog dahil may bumabagabag sa iyo." Mukhang tama siya. May bumabagabag sa akin. Kaya hindi ako makatulog ngayon. Lakas-loob akong tumingala sa kaniya. Seryoso ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata. "I want to ask this, Mystia Circe." "What is it?" "C-can... Can you resurrect a human from death?" Tanong ko. Tumaas ang isang kilay niya. Tila nasopresa siya sa aking tanong. "This is about your mother, am I right?" Hindi ko magawang sumagot sa halip ay napayuko ako. "May tsansa pa naman," Sabay kaming napatingin ni Mystia sa pinto. Tumambad sa amin na nakatayo roon si Ms. Yen! Seryoso din ang kaniyang mukha. "M-Miss Yen..." Mahinang tawag ko sa kaniya. "Tao siya pero hindi siya namatay dito sa mundo ng mga mortal. Kung namatay siya dito sa mundo ng mga mortal, I'm sure she will never be resurrected, reincarnate instead." Sagot niya. She snapped her fingers. Biglang may sumulpot na makapal na libro sa harap niya. Lumulutang iyon sa harap namin. Dahil d'yan ay napatayo ako. Kusang lumilipat ang pahina hanggang sa tumigil iyon. "Trisha Marie Fonsi, a businessman's daughter. She will supposed to be died at the age of 89." Diretso siyang tumingin sa aking mga mata. "Dahilan ng pagkamatay, katandaan. Iyon ang dapat na nakatakda sa kaniya kung hindi siya ina ng cambion." Hindi ko magawang magsalita. Oo nga pala, she's a grim reaper. She knows everything about dead people. "She have a chance to live, Rhys." Sabi ni Mystia. "Once I perform a spell, I need your cooperation, all of you. Mabigat ang isasagawa natin. And I'll take this as your wish, hm?" Bigla ako kinabahan. Tatanggapin ko ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD