chapter ten

1720 Words
[ Karyle ] Kakatapos ko lang uminom ng tubig dito sa Kusina. Naalipungatan na naman kasi ako. O sabihin nating inatake na naman ako ng insomia? Hays, pero binabalewala ko nalang. Hinugasan kong mabuti ang baso na ginamit ko saka ibinalik ko sa pinaglagyan. Lumabas ako para makabalik na ako sa Maid's quarter. Habang naglalakad ako sa pasilyo ng mansyon ay napahinto ako. Napatingin ako sa labas. Naniningkit ang mga mata ko nang makita ko si Sir Rhys sa may gazebo.Nakaupo siya sa isang upuan doon at nakatalikod sa akin. Buhat na dumating ako sa mansyon na ito ay hindi talaga masyado magkasundo nito ni Sir. Ang sungit kasi niya. Parang palaging siyang galit sa akin pero sa ibang tao, hindi naman. Ningingitian lang niya o kaya kinakausap ng maayos pero ako, hay, hindi. Kahit na anong gawin ko para mapabuti lang ang trabaho ko, wala talaga. Wala man lang, 'Nice job, Karyle!' Nakakapagtataka lang, hindi man lang ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Alam ko na din ang sikreto ng pamilya na ito pero hindi naman sila 'yung tipo na iniisip ko na masama. Sa katunayan pa nga ay mabait pa sila sa akin. Lalo na si Ma'm Lilith at Sir Harlan na minsan ay ako pa ang nag-aalaga ng kanilang anak na si Cade. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lapitan ko siya. Parang may something kasi. Kahit na hindi ko pa masilayan ang mukha niya para makita ko ang emosyon niya ay pakiramdam ko ang lungkot niya ngayon. Hindi siya typical na Sir Rhys na nakilala ko araw-araw. "S-sir?" Alanganin kong tawag sa kaniya na narito ako ngayon malapit sa kaniya, sa likuran niya. Agad siyang lumingon sa akin. Nahagip ko ang mga mata niya. Totoo nga ang hinala ko, malungkot nga siya. "Why are you here?" Malamig niyang tanong sa akin. Napalunok ako. "Ano kasi... Naalipungatan ako, pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Pabalik na ako nang makita ko kayo." Sagot ko. "M-may problema po ba kayo?" Hindi ko mapigilang itanong iyon. Hindi niya ako agad sinagot. Sa halip ay binawi niya ang kaniyang tingin at tumingala sa kalangitan. Napabuntong-hininga ako. Relax, Karyle... Huwag kang matakot sa kaniya. Huwag na huwag... Lakas loob akong lumapit pa sa kaniya at walang tanong-tanong pa. Umupo ako sa tabi niya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko. Bumaling ako sa kaniya. Painosente ko siyang tiningnan nang makita ko na nakakunot na ang noo niya dahil na din sa pagtataka. Inilapat ko ang mga labi ko at tumingala din sa kalangitan. "What are you doing?" Tanong niya. "Tutal naman sir, hindi naman tayo close. Hindi mo naman ako kilala at hindi rin naman kita... Kilala." Sabi ko. "Magsalita ka lang, ilabas mo kung anong kalungkutan d'yan sa loob mo." Inilapat ko ulit ang mga labi saka bumaling sa kaniya. Parang mapugto ang hininga ko dahil sa titig niya sa akin. Naroon pa rin ang pagtataka at pagkamangha. Inilapitan ko ang aking tingin sa damuhan. "Tulad ninyo din sir, malungkot din ako." "Huh?" Iyan lang ang natanggap kong sagot mula sa kaniya pero binalewala ko iyon. "Malungkot ako kasi maaga nawala ang mga magulang ko. Grade six pa po ako noon. Nasa paaralan pa po ako sa Barrio namin nang natanggap ko ang balita na pareho silang namatay sa aksidente. Nawalan ng kontrol ang minamaneho ni itay na tricycle tapos nahulog sila sa bangin. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa noon. Pagktapos n'on, kinapalan ko na ang mukha ko, humingi ako ng tulong sa kamag-anakan nina itay at inay pero wala. Kahit pagiging katulong nalang ang kapalit basta makapagtapos ako. Naiitindihan ko din naman sila kasi may kani-kaniya na silang pamilya at may mga pinapaaral silang mga anak. Narealize ko ng mga panahon na iyon, nakakahiya pala. Makikisiksik pa ako. Hehe. Mahirap pero habang nabubuhay ako, hinding hindi nawawalan ng pag-asa." Tiningnan ko siya. "Eh ikaw ba, sir? Anong kwentong rebisco mo?" Kumunot ang noo niya. "Anong rebisco?" "Biscuit iyon, sir. Masarap iyon. Chocolate flavor nga ang favorite ko, eh." Mahina aking tumawa kahit na alam kok ay naiirita na naman siya sa akin. Biro lang naman, sir. Ikaw naman... Pero seryoso po, ano po bang problema? Kahit makikinig nalang ako." Huminga ko ng malalim at tumingin sa kawalan. "Gusto ko lang makasama ang mama ko. Tulad ni Lilith, gusto ko din makompleto ang pamilya ko." Seryosong tugon niya. Oo nga pala. Nakabalik na pala si Ma'm Bethany at Sir Ramael dito sa mansyon. Noong una, naloka ako. Hindi ko alam na may mga nag-eexist na ganoon. Halos himatayin na ako noon buti kinaya ng powers ko. "Eh nakita ninyo na po ba ang nareincarnate ng mama ninyo?" Umiling siya. "Dahil sa Nine Hell siya namatay, hindi dito sa mundo ng mga mortal. Kaya may chance pa na maibalik si mama dito. Sabi ni Ms. Yen." Tumango ako. "Eh bakit hindi ninyo hilingin iyon kay Ms. Mystia? Paniguradong matutulungan niya kayo." Kita ko kung papaano niya binasa ang mga labi niya sa pamamagitan ng kaniyang dila. Hala hala hala... Ako lang na naaakit sa kaniya o sadyang ganyan talaga siya? "I don't know if my father will be agree on this." Sagot niya. "May parte na gusto ko pero may parte din na ayaw ko dahil ayaw kong magambala pa ang kaluluwa ni mama." Mapait akong ngumiti. "Sa totoo lang, maswerte kayo dahil nabigyan kayo ng ganyan pagkakataon. Sabihin nating selfish pakinggan pero kung ako ang nasa kalagayan ninyo, hihilingin ko na sana mabuhay nalang ang mga magulang ko para makasama ko na sila." Nagtama ang mga tingin namin. "Mawala na ang lahat huwag lang ang mga magulang, sir." Nanatili pa rin siyang nakatitig sa akin pero hindi siya nagsalita. Napangiwi ako. Agad akong tumayo. "P-pasensya na, sir. Ang daldal ko na yata. M-mauuna na po ako sa loob.. Goodnight po!" Saka nagmamadali na akong umalis sa tabi niya. Sarap tuktukan ang sarili ko! Nakakahiya naman itong pinagsasabi ko. Nagiging feeling close na tuloy ako kay Sir Rhys! Kainis!  ** Panay hikab ko habang nag-aasikaso kami ng almusal ng mga amo namin. Patago nga lang kada hikab ko para hindi ako mapagalitan ng mayordoma ng mansyon. Huhuh. Bakit kasi palagi ako inaatake ng insomia? Ang hirap kaya. Kitang maaga dapat ang gising ko. Haaaayyy! "Karyle, bilisan mo d'yan!" Malakas na pagkasabi ni Manang Rosa sa akin. "Opo! Opo!" Sagot ko. Sinisikap kong balewalain ang antok at pagiging lupaypay ko. Kinuha ko ang mga para ilapag ko ang mga iyon sa mahabang dining table. Pati na din ang mga kurbyertos. Naglagay din ako ng table napkin sa ibabaw ng mga plato. Para pagkababa ng mga amo namin ay maayos. "Karyle, tawagin mo na si Sir Rhys sa kuwarto niya. Ako na ang gigising kina Ma'm Lilith." Sabi ng isa sa mga kasamahan ko. "Okay!" Nagmamadali akong naglakad patungko sa silid ni Sir Rhys. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kuwarto niya. Bigo akong makakuha ng sagot mula sa loob. Marahan kong pinihit ang pinto. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto. Nilusot ko muna ang ulo ko para silipin kung natutulog pa ba si sir Rhys hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob. "Sir Rhys?" Mahinang tawag ko habang iginagala ko ang aking paningin sa loob ng silid. Bigo ako makakuha ng sagot. Maingat akong lumapit sa kama. "Sir?" Sabay marahan kong hinawi ang kumot pero wala siya. Nasaan na kaya iyon? Umalis kaya? Napalingon ako nang biglang nagbukas ang pinto mula sa banyo. Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang isang guwapong nilalang na lumabas mula doon. Halos malaglag na sa sahig ang panga ko! Wet look si sir Rhys ngayon! Tapos... tapos... Tuwalya lang ang suot niya na nakasabit lang sa may bewang niya! M-may... MAY ABS!? "What are you doing here?" Takang tanong niya. Agad akong tumalikod. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. "Inutusan po kasi akong pumunta dito para sabihing kakain na po ng almusal." Mabilis na mabilis kong sagot. Kulang anlang ay mag-rap na ako sa sobrang bilis. Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa aking nasaksihan! Jusko, bakit ganito ang bungad sa akin ngayong umaga?! "Are you sure?" Rinig kong tanong niya. "Opo!" Mabilis kong sagot na nanatiling nakapikit. "Pwede ka nang humarap." Sabi niya. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Tulad ng utos niya ay humarap ako sa kaniya. Nakalong-sleeves polo shirt at nakamaong pants na siya. "A-aalis na po ako, sir..." Kinakabahan kong sambit. Natatakot ako na baka pagalitan na naman niya ako. Agad kong dinaluhan ang pinto para makalabas na. "Wait—" Saka bigla niya akong hinawakan sa isang kamay ko. Hinatak niya ako palapit sa kaniya pero mukhang napalakas yata. Napikit akong mariin habang nakahawak ako sa dibdib niya. Ramdam ko na sabay kaming natumba sa sahig. Rinig ko pa ang daing niya. Sa pagdilat ng mga mata ko, nanlaki na naman ang mga mata ko dahil masyado na palang malapit ang mukha ko sa mukha niya! "Hala! Sir Rhys! Oh my gosh!" Bulalas ko. "What's goin'on here?" Rinig kong boses ni Ma'm Lilith. Napatingin ako sa pinto. Akala ko siya lang ang naroon, maski ang asawa niyang si Sir Harlan, ang mga magulang niya pati ang mga kasamahan nila. Lagot! "Naku, pareng Rhys. Hindi ko alam na ganito pala ang sikreto mo." Natatawang sabi ni Sir Harlan. "Sa wakas, nadinig na nag panalangin ko!" Malakas na wika ni Sir Raziel habang nakatingala. "Magkakagirlfriend na ang anak mo, Primus." Napangiwi ako. Bumaling ako kay sir Rhys. Mabilis akong umalis sa ibabaw niya. Inayos ko ang sarili ko. Lalo nag-iinit ang buong mukha ko dahil sa hiya! "S-sorry po..." "That was an accident. Tss." Sabi niya. Tumayo na din siya. Bumaling siya sa akin. Napayuko ako. Hinahanda ko ang sarili ko na mapagalitan niya ulit. Inilapat ko ang mga labi ko. "It's my fault, don't be sorry." Natigilan ako sa aking narinig. S-seryoso?! "Ako dapat ang magsorry." Sabi niya. Inangat ko ang aking tingin sa kaniya. Pakurap-kurap ko siyang tiningnan. Hindi ako makapaniwala. "Oy, alis na tayo. Huwag na tayo mang-istorbo sa diskarte ng isa." Malakas na pagkasabi ni Sir Raziel sa kanila. Isa-isa na silang umalis. Hindi pa rin ako makapaniwala. Napalunok ako. "By the way, thank you for you advice last night, Karyle." Biglang sabi niya. Napaawang ang bibig ko. "A-alam ninyo ang pangalan ko?" Hindi makapaniwalang tanong. Ngumiti siya. "Yeah, as your reward, ibabalik kita sa pag-aaral mo." Para akong nanghina sa aking narinig. Para ding tumigil ang t***k ng puso ng mga oras na ito. S-seryoso ba ito? Hindi ba ako nanaginip? All this time na nakasama ko sa isang bubong si Sir Rhys, pakiramdam ko isang milagro ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD