[ Rhys ]
Pagpasok ko sa Dining Area ay natigilan ako. Nagtataka. Sino ba namang hindi magtataka kung lahat ng mga mata ay nasa akin, including my father? Lahat sila ay nakangiti, while Harlan, tatay and my father was grinning at me. What the hell?
"Ikaw, ha! Hindi ka nagsasabi sa amin." Panimula ni Lilith habang kalong niya ang anak niyang si Cade. "Sabi na nga ba, kursunada mo si Karyle. Pasuplado effect ka pa."
Napapikit ako't huminga ng malalim. "Kung aasarin ninyo lang ako ng ganito kaaga, huwag ninyo nang ituloy. Wala rin naman mangyayari." Sabi ko sa kanila. Dumiretso na ako sa upuan kung saan ako madalas nakapwesto. May lumapit na isang maid para paglagyan ako ng tubig. Bumaling ako kay papa. "Aalis pala ako mamaya..."
"Oh, saan tungo mo?" Takang tanong niya sa akin.
"Sa grocery. May bibilhin lang."
"Ikaw lang?" Tanong ni tita Lucille.
"Actually..." Bumaling ako kay Harlan. "Magpapasama ako sa kaniya."
Tinuro ni Harlan ang sarili niya. "H-ha? Ako talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Wala kang pasok ngayon." Walang emosyon kong sabi. "Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin."
"Hmm, mukhang may napapansin ako." Wika naman ni tita Lucille na nakangiti, katabi niya si tatay dito sa Dining. Inaasikaso pa nga siya ni tatay sa pagkain.
"Don't spoil the momentum, Lucille." Seryosong kumento pa ni tito Ramael habang inaasikaso niya din si tita Bethany.
"Ay, hindi ko na nga sasabihin para may thrill." Saka bumungisngis pa siya. "May naalala ako sa ganyan, eh. Diba, Raziel Love?" Bumaling siya kay tatay.
Tumawa siya. Sinamaan naman siya ng tingin ni tito Ramael. Tumawa na din ang iba maliban lang sa akin. Ano ba kasing ibig nilang sabihin?
"Naku, huwag mo nalang kami itindihan pa, Rhys. Tapusin mo nalang ang pagkain para makaalis na kayo mamaya ni Harlan." Sambit ni tita Bethany.
Tumango lang akosaka pinagpatuloy ko ang aking pagkain.
**
Pagkatapos namin kumain ay hindi pa kami umalis ni Harlan. Maliligo at magbibihis daw muna siya. Naisipan ko nalang na puntahan sila sa Salas para kausapin. Tulad ng inaasahan ko ay naroon nga sila. Abala sila sa kuwentuhan. Natigil lang iyon nang maramdaman nila ang presensya ko.
"Oh, Rhys!" Puna sa akin ni Lilith habang karga niya si Cade.
Tumikhim ako bago ko sila kinausap. "Uhm, may sasabihin sana ako..." I muttered.
Nakuha ko ang kanilang atensyon. Lahat sila ay nakaabang sa sasabihin ko. They looks anticipated. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
"I have a proposal...." I paused for a seconds. "I want to help her. Karyle."
Napaawang ang bibig nila. "Karyle? One of the maids?" Tanong ni tita Lucille.
Tumango ako bilang tugon.
Ngumuso si tita. "Anong tulong naman ang gusto mong gawin, Rhys?"
"She's only grade six graduate. I know she have a lot of dreams and I want to help her out." Paliwanag ko.
I saw Lilith was grinning at me. "Tulong ba talaga iyan... O ano?" Sinimangutan ko siya. Tumawa siya. "Alright, alright, I'm just kidding, Rhys. Huwag masyadong seryoso. Well, may slots pa naman para sa sponsorship ng company. Pwede natin ipasok doon si Karyle instantly."
"Thank you, Lilith." Then I smiled.
Ginantihan niya ako ng ngiti. "No problem, Rhys. Basta ikaw. Basta sabihan mo lang kami kung anong tulong na kailangan mo. We're willing to help."
Hindi ko na magawnag sumagot dahil dumating na si Harlan. Nagpaalam na ako sa kanila at hinatak ko na si Harlan palabas ng mansyon. May kani-kaniya naman kaming sasakyan but we're gonna use Harlan's. Noong una ayaw pa nga ang gago dahil nagtitipid daw siya sa gas. Tss.
"Ano ba kasing bibilhin mo sa grocery?" Bigla niyang tanong habang nagmamaneho.
Nakadungaw lang ako sa window pane ng sasakyan. "Pagkain."
"Huh? Pare, marami namang pagkain sa mansyon. Ang dami pa ngang stocks—"
"Wala doon ang hinahanap ko." Mabilis at seryoso kong sagot.
"Eh ano bang hinahanap mo?"
Lihim akong ngumisi. Pinili ko nalang na huwag na sagutin ang tanong niya.
**
"TANGINA, SERYOSO KA?! REBISCO TALAGA?!" Malakas na pagkasabi ni Harlan sa akin nang makuha ko na ang kailangan ko. Binatukan ko siya dahil sa ingay niya. Napapatingin na nga ang ibang tao dahil sa kaingayan niya.
"Shut up." Mariin kong sambit. Tinalikuran ko na siya para magbayad.
"Teka, iyan lang talaga ang bibilhin mo?" Ang kulit talaga ng isang ito. "Ngayon ko lang alam na mahilig ka sa mga biscuits, ah! Kailan pa?"
Tss. Hindi naman para sa akin ito, gago.
**
[ Karyle ]
Abala ako sa pagdidilig ng mga halaman dito sa garden. Kapagod pero okay naman. Makakapagpahinga naman ako mamaya pagkatapos ko nito. Hehe.
Ay teka. Kanina napansin ko hindi ko na mahagilap si Sir Rhys pagkatapos nila kumain, ah. Ay, hala! Ano ba itong naiisip ko?! Manahimik ka, Karyle. Amo mo si Sir Rhys at huwag kang ano d'yan. Ang ipinunta mo dito ay trabaho, hind panlalandi! Huhuh!
"Hi,"
Halos matalon ako sa gulat. "Ay, anak ng tikbalang!" Bulalas ko sabay sapo ko sa aking dibdib. Bumaling ako kung sino ang nagsalita sa may likuran ko. Napasinghap ako nang makita ko si Sir Rhys! "S-Sir...?!"
Ngumiti siya at humakbang pa siya palapit sa akin. "Masyado ba kitang nagulat?" Malumanay niyang tanong.
Para akong nanigas sa kinakatayuan ko. Sandali, si Sir Rhys na itong nasa harap ko? Simula pa kaninang umaga, nagiging mabait na siya sa akin. Tuloy-tuloy na ba ang blessings na natatanggap ko? "S-Sakto lang, sir." Mahina kong sagot ngunit hindi maalis ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Shems, anyayare?!
Bago man siya ulit nagsalita ay may ipinakita siya sa akin. Dumapo ang tingin ko sa kaniyang kamay. Napasapo ako sa aking bibig nang makita ko ang pagkain na hawak niya. Muli ko siyang tiningnan. "S-sir?"
Ginawaran niya ako ng ngiti. "This is for you, Karyle. I hope you'll like it." Aniya.
Parang hindi ako makahinga na ewan. Tinanggap ko ang biscuit na bigay niya. "S-salamat po dito..." Sabi ko. Shems, chocolate flavor pa nga ang binili niya! Halaaaa!
"You're welcome." Napakamot siya sa kaniyang ulo. "I-iyan lang kaya nandito ako... Para... Ibigay sa iyo 'yan." Sabay turo niya sa biscuit.
Ngumiti din ako. "Thank you po."
"Sige..." Tinalikuran na niya ako't naglakad na siya palayo. Hinatid ko lang siya ng tingin.
Nang nakabalik na siya sa loob ay bumaling ako sa isang balot ng biscuit na nasa kamay ko. Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko magawnag itago ang saya na nararamdaman ko ngayon.
Dahil lang pala sa rebisco, magkabati kami. Haha.
**
[ Eurille / Bethany ]
Kanina pa kami nahihilo sa kakapaparito't paparoon ni Raziel. We're discussing about his wedding proposal for Lucille. Mabuti nga lang wala si Lucille dito at nagpapahinga siya ngayon sa kanilang kuwarto. Kinakabahan si Raziel, baka daw mareject siya o ano.
"Huwag kang kabahan, Raziel. Alam kong sasagot ng oo si Lucille." I assure him.
"Saan mo ba balak magpropose?" Tanong ni Primus sa kaniya habang umiinom ng juice.
"Dito lang din. Pero sa garden." Sagot niya habang nakadungaw sa bintana. Sa tono ng pananalita niya, kinakabahan nga siya. Naalala ko din kung papaano magpropose si Ramael sa akin noon. Nakakatuwa lang. "Marami pang dapat ayusin."
"Don't worry, Raziel. Tutulungan ka naman namin." Sabi ko.
Bumaling siya kay Ramael. "Ugh. Ganito ba nararamdaman mo, dude? Noong nagpropose ka kay Bethany?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat naman ito. "Hm, nope?" Saka ngumisi siya nang nakakaloko. Nagtama ang tingin namin saka kumindat siya. Mukhang confident siya sa sagot niyang iyan. Hahaha.
"Bukas ng gabi ka magpopropose, hindi ba?" Si Primus naman ang nagtanong.
"Oo. Sana." Ngumuso siya at hinilot ang kaniyang sentido. "Ang hirap naman nito."
Tumayo si Ramael saka nilapitan niya si Raziel. Tinapik niya ang isang balikat nito. "Bakit ka ba kakabahan? Mahal ninyo naman ang isa't isa. Kaya wala namang dahilan para kabahan ka."
Huminga ng malalim si Raziel. "Kapag nakatanggap ako ng rejection, sunugin mo na ako ng buhay, dude."
"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Hindi ko kakayanin kapag humindi siya!" Saka umiiyak siya kungwari. Dahil d'yan ay nakatikim siya ng batok mula kay Ramael. "Naiisip ko palang, mamamatay na yata ako, eh! Masakit, dude."
"Tama lang sa iyo 'yan, para mabawasan ang kaba mo." Malamig na tugon ni Ramael. Dinaluhan niya ako. Niyapos niya ako sa bewang. "Let's go somewhere else. Medyo naiirita na naman ako sa kadramahan ng isang ito."
I chuckled. Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniya. Sumulyap ako sa kanila bago kami tuluyang nakalabas sa silid na ito.