Kabanata 14 Lumalalim na ang gabi at ang malakas na buhos ng ulan na tumatama sa bubong namin ang naglilika nang ingay ngayon sa buong bahay. Napagpasyahan ko na pumasok na sa loob ng bahay pagkatapos ng pag-uusap na iyon, sinirahan ko siyang ng pinto at iniwang nakaluhod doon. Ngayon, wala akong alam kong umalis na doon si Rihav o ano. "Nanay, ang kaninang lalaki po. Siya po iyong kapareha namin ni Hera, bakit niyo po siya ipinaalis? Ang lakas po nang ulan, baka inuulanan siya doon sa labas." Sabi ni Hacov. Ngayon naghahanda na kaming matulog, nakayakap silang dalawa ni Hera sa akin ng magkabilaan. Hinarap ko si Hacov at inaplos haplos ang kanyang buhok. "Matulog kana Hacov," napakapikit na sambit ko. Ayaw ko nang pahabain pa ang aming istorya tungkol kay Rihav, baka madulas pa ako a