KABANATA 15

2691 Words

Kabanata 15 "Nanay! Nanay! Nanay!" sunod sunod na tawag sa akin ni Hera dahilan maimulat ko ang aking mata. Hindi ko alam kong anong oras ako natulog kagabi dahil sa pag-aasikaso kay Rihav. Pinilit ko siyang umuwi at bumalik nalang kapag magaling na at papakilala ko ang mga anak ko sa kanya. Pero nagmatigas siya, ayaw niyang umuwi. Kaya ang ginawa ko doon ko siya pinatulog sa kabilang kwarto, ang kwarto ni Amer. Umupo ako sa pagkakahiga at hinarap si Hera na hanggang ngayon ay tinatawag ako nang tinawag. "Ano ba iyon Hera?" tanong ko sa kanya habang tinatali ko ang aking buhok. "Nanay, ang lalaki kaninang gabi nasa kabilang kwarto siya. Umuubo po tapos ng lumapit kami ni Kuya Hacov maiinit siya." batang boses aniya. Tumayo ako mula sa aming higaan, "Nasaan si Hacov?" ulit kong tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD