Chapter 1

979 Words
2020. Pumasok si Ezrah sa pinakamalaking function room ng prestihiyosong hotel na iyon para personal na makita si Lucas. Lucas was one of the seven archdevils. Hawak nito ang trono ng Lust. Ezrah wore a formal tux. Sinenyasan niya ang banquet server na dalhan siya ng wine. Tumalima naman kaagad ito. He watched Lucas and the woman who had captured the heart of the devil. Nasa dulong gilid lang siya, malapit sa exit. He did not have to stand close to them just to see their faces. Malinaw niyang nakikita ang mga ito mula sa kinatatayuan niya. Dinala niya sa labi ang wine glass at sinimsim ang likido, habang nakatanaw pa rin kay Lucas. Hindi naglipat minuto ay naramdaman na rin siya nito. Nagtitigan sila. Walang kumukurap. A mysterious smile pulled up one corner of Ezrah's mouth, and the white portion of his eyes turned black. Mabilis lang iyon. Ikinurap niya ang mga mata at bumalik na sa normal ang kulay niyon. He did a brief curtsy meant to mock Lucas before he left the room. Wala naman siyang masamang balak dito o sa mga taong mas pinapanigan na nito ngayon. Gusto niya lang makita kung ano na ang nangyari kay Lucas. Or maybe a part of him was envious. Mabilis niyang binura iyon sa utak. No! Bakit naman siya maiinggit kay Lucas? Babae lang? Marami siya n'un. He could get a woman in a snap if he wanted a good f*ck. Lalo na at likas na sa kanilang mga diyablo ang palaging naghahanap ng katalik. And men, they loved having many s*x partners. Kaya hindi niya gugustuhing maging katulad ni Lucas na itinali ang sarili sa iisang babae lang. HINDI agad bumalik si Ezrah sa impyerno. Nagra-riot ang mga demonyo doon. Now that the Supreme Devil had been caged, everybody wanted to be the new leader. Hindi siya ipokrito kaya aaminin niyang iyon din ang hinahangad niya. So it intrigued him that Lucas had completely lost his appetite for power. Maybe, yes, he felt a twinge of envy for something that he could not even understand. Naglakad-lakad muna si Ezrah sa mundo ng mga tao. The last time he was up here, it was year 1997. Noong naatasan siya ng Supremong patayin ang babaeng sanggol sa regional hospital. Hindi siya nagtagumpay sa kanyang misyon dahil sa mga anghel. Hindi niya sinabi sa Supremo na hindi niya nagawa ang misyon niya dahil lahat ng mga misyong pinagawa nito sa ibang diyablo ay nagawa ng mga ito nang tama. At naiinggit siya sa mga ito. He was the only one who failed. And hell can go ahead and eat him whole, but he would never tell them the truth. Isa pa, isang sanggol lang naman ang hindi nila napatay. Ang anim pang mga sanggol sa ibang ospital ay napatay na ng mga demonyo. Malas na lang niya kung ang sanggol na nabuhay ang siya palang nakasulat sa itim na libro. Hindi na niya nabalikan ang sanggol dahil naging sunud-sunod na ang mga naging misyon nila. Tinungo niya ang ospital. May nabago na sa gusali. Maging ang mga istruktura sa palibot niyon ay hindi na rin katulad nang dati. Huminto siya sa tapat ng gate at tinanaw lang ang ospital mula sa labas. Maya-maya ay naramdaman niyang may lumapit sa likod niya. If his senses weren't sharp, baka hindi niya nga ito mapansin. Alam niyang papahawak na ito sa bulsa ng suot niyang slacks. Walang babalang bigla na lamang siyang humarap dito at hinuli ang palapulsuhan nito. Namilog ang mga mata ng pangahas. Kulang ang sabihing nagulat ito. Pilit nitong iwinawasiwas ang kamay niya pero ano lang ba ang lakas nito kumpara sa kanya? Madilim ang mukha niya at malamig ang tinging ipinukol niya rito. "What are you doing?" he asked, the tone of his voice was sharp and cruel. "B-bitiwan n'yo po ako kundi... kundi sisigaw ako," nauutal na pagbabanta nito. "You are a thief. Sige, sumigaw ka." He smiled ruthlessly at her. Hinahamon niya ito. "A-ano ba ang gusto mong mangyari, ha? Kung isusumbong mo ako sa police, gawin mo na." Hinayon niya ng tingin ang pangahas mula ulo pababa. Nakasuot ito ng sombrero, maluwag na T-shirt, lumang pantalon, at nagpuputik na sneakers. Hinatak niya ang sombrero nito, kaya humulagpos ang buhok nitong hanggang balikat ang haba. Tumaas ang kilay niya. "You're a woman." "Hindi pa ba halata? Hello? Siraulo ka yata, eh." "That was not even a question." Napahiya ang babae at muli na namang sinubukang bawiin ang kamay pero hindi pa rin ito nagtagumpay. "Ano ang pangalan mo?" "Bakit ba? Interesado ka ba sa akin? Type mo ba ako? Sorry, pero hindi for sale ang keps ko, okay? Isa pa, hindi ako mahilig sa foreigner." "Ano ang pangalan mo?" ulit niya, pareho pa rin ang tono. Parang hindi niya lang narinig ang mga sinabi nito. Napabuga ng hangin ang babae. Nakukunsumi ito sa kanya. "Ivana Alawi. Okay na?" "Liar." His tone was terse. Bumuntong-hininga ang babae. "Paano mo nasabing nagsisinungaling ako, aber?" "I just know." "Manghuhula ka ba? Kung gan'un naman pala, hulaan mo na lang ang pangalan ko," ingos nito. "I can stand here all day," kampante niyang sambit. Pumadyak ang babae. "Siraulo ka! O sige na, Scylla. Scylla Angelica. Masaya ka na? Baka sabihin mo na namang sinungaling ako!" He knew she was telling the truth this time. "Scylla is a sea monster. Why would your parents name you that?" Hindi nakaligtas kay Ezrah ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng dalaga. "Bakit ba ang dami mong tanong sa akin? May karugtong namang 'Angelica' ang pangalan ko, ah." Matiim niyang pinakatitigan ang babae. The woman was beautiful with a touch of roughness. She wasn't the elegant and innocent type; but she was beautiful in her own unique way. Hindi naitago ng maluluwag nitong damit ang kagandahang nakikita niya. Nang titigan niya uli ito sa mga mata ay parang dinala siya ng hangin sa taong 1997, sa loob ng hospital ward. Noong nakatitig din sa kanya ang babaeng sanggol. He twisted her hand a little so he could see her wrist. And he was right! Ang marka ng sundial. "It's you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD