Chapter 2

990 Words
Halu-halo ang emosyong nararamdaman ni Scylla. Nagagalit na natatakot siya sa estrangherong nasa harapan niya ngayon at hawak pa rin nang mahigpit ang palapulsuhan niya. Sa tanang-buhay niya ay ngayon lang siya naka-engkuwentro ng lalaking kahit seryoso ang hitsura ay ang sarap pa ring titigan. Lalo na at bughaw ang kulay ng mga mata nito. Para siyang hinihigop ng malalim na karagatan. Akala niya kanina ay simpleng turista lang ang lalaki. Pero ngayon ay hindi na niya alam kung ano ang sasabihin dito. "It's you," anas nito nang makita ang marka ng sundial sa palapulsuhan niya. Hindi niya ito maintindihan. Nagsisimula na siyang makaramdam ng takot sa lalaki. Nalilito na rin siya kung ano at sino ba talaga ito. "A-ano ba ang pinagsasabi mo diyan? Pasyente ka yata sa psychiatric ward, eh. Paano ka nakatakas, ha?" Lumingap siya sa paligid. Naghahanap ng taong posibleng sumaklolo sa kanya. Nakita niya ang guwardya ng ospital na nakatanaw sa dako nila. "Guard!" tawag niya sa guwardya. "Guard, tulungan mo ako! Hinaharass ako ng lalaking ito!" sigaw niya. "Hoy, ano iyan!" tugon naman ng guwardya. Tumingala si Scylla sa mukha ng estranghero. Hindi man lang ito nag-abalang lingunin ang guwardya. Hindi ito natinag kaunti man. Nakatitig pa rin ito sa kanya at bahagya pang umalsa ang isang sulok ng mga labi. "Ano ang nangyayari rito?" pasitang tanong sa kanila ng guwardya nang makalapit ito. Dahan-dahang humarap ang lalaki sa guwardya. Nginisihan lang nito ang bagong lapit. Ang simpleng ngisi nito ay nagbabadya ng panganib. "I don't see any problem here..." Bumaba ang tingin nito sa name cloth ng guwardya, "SG Bagayo," bigkas nito. Natahimik ang guwardya at nabahag ang buntot. "Pasensya na, Sir. S-sige, maiwan ko na ho kayo. Pasensya po talaga." "Teka lang, Manong!" Hahabol pa sana siya kay SG Bagayo pero hindi siya makawala sa lalaki. Muling tumuon sa kanya ang mga titig ng estranghero. Naglalakbay lang sa mukha niya ang mga mata nitong mainit kung tumitig. "It's been twenty-three long years," sambit ng lalaki. "Ano?" Gusto na niyang umiyak. Iniba niya ang taktika. "Sir, sorry na po. H-hindi na po ako uulit," aniya. Nag-focus siya para mamuo ang luha sa kanyang mga mata. Noong isang taon lang ay um-extra siya sa isang pelikula. Ang role na nakuha niya ay babaeng inaabuso ng kumpare habang nasa ibang bansa si Mister kaya magaling siyang magpaawa. Ngumisi ulit ang estranghero at napaigtad pa siya nang sumayad ang hinlalaki nito sa pisngi niya. Pinahid nito ang luha niya. Then he sneered at her. "Fake tears, Darling." Dinaig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Maysa-manghuhula ba ang lalaking ito? Hinatak ng lalaki ang kamay niya kaya napadikit siya sa katawan nito. The man inched closer and pressed his mouth sensually against her earlobe. "Do not use fake tears on me, Scylla," he whispered in her ear. "Or I will like you even more. You are not just a liar, Darling; you are also a fraud. We are birds of the same feather. Mine maybe just... let's say, a little darker than yours." Biglang umikot ang paningin niya. Pakiramdam niya ay bumigat ang kanyang katawan at kung hindi sa mga bisig ng lalaking nakahawak sa baywang niya ay baka dumausdos na siya pababa. May musika siyang naririnig. Hindi pamilyar sa kanya. It was like a soft incantation song. Nadadarang siya. "A-ano ang g-ginawa mo sa akin?" anas niya sa mahinang boses. Namumungay ang kanyang mga mata. The man touched her face. And then he was gone. Napaluhod siya sa semento at sunud-sunod ang ginawa niyang pagsagap ng hangin. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang pakiramdam niya. Nang tuluyang makabawi ay marahas siyang lumingap sa paligid. Mukha wala namang nakita ang mga tao sa palibot niya. Napamura siya at mabilis na tumakbo palayo. MULA sa kubling sulok, sa di-kalayuan, ay isang tipid na ngiti ang kumurba sa mga labi ni Ezrah habang pinapanood ang mabilis na pagtakbo palayo ni Scylla. He could tell how scared she was! Namumutla ang mukha nito. But damn that woman, he had never felt so aroused until now. Kaunting dampi lang ng labi niya sa tainga nito ay kakaibang init na ang kanyang naramdaman. It was like dipping himself in the lake of fire. "I am suprised to see you up here, Ezrah. Isa ka sa mga hindi ko inaasahang makita rito sa lupa," anang isang tinig sa likod niya. "Armad," he acknowledged. He knew it was the reaper, si kamatayan, in his long cloak. "I came to visit my beloved traitor of a brother," tukoy niya kay Lucas. Mahinang tumawa si Armad. "That's not what I saw." "That woman was a thief. Hindi siya ang sinadya ko rito." "At hindi mo siya pinarusahan?" "Why would I punish a thief? I like thieves." "You should have punished her, dahil ikaw ang binalak niyang biktimahin. The Ezrah I know is unforgiving." He growled. "Leave me alone, Armad. Hindi ko kailangan ng makakausap." Tumanaw si Armad sa kalsadang tinahak ng babae kanina. "That woman was supposed to die a long time ago." "You knew?" baling niya rito. "The reaper grinned at him. "I was supposed to collect her soul. But she never died that night, twenty-three years ago. And you never came back to finish what you started. You failed the mission." Hindi na nakapagtatakang alam ni Armad ang sekreto niya. He was the reaper afterall. "It doesn't matter now. Hindi na malalaman ng Supremo ang tungkol sa bagay na iyon." Tumango si Armad. "Pero paano kung ang babaeng iyon ang nakatakdang magpabagsak sa iyo?" "Then I'd laugh my f*cking arse out when that time comes. Isang malaking biro iyon sa akin kapag nagkataon," puno ng sarkasmo niyang sabi. "I guess, ang magagawa lang natin ngayon ay ang maghintay kung ano ang mga mangyayari." Nginisihan niya lang si Armad at tumalikod na. Pero bago pa niya tuluyang lisanin ang lugar ay may pahabol si Armad. "Ano ang plano mo sa babae?" "Nothing." Totoo iyon. Hindi niya intensyong makipaglapit sa mortal na tao. The woman can continue wasting her life. Wala siyang pakialam. Ang misyon niya rito ay natapos noong gabing pinabayaan niya itong mabuhay at ang pagkikita nila kanina ay hanggang doon na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD