Prologue

957 Words
March 24, 1997. Nag-utos ang Supremo na patayin ang lahat ng sanggol na babae na ipapanganak sa kabilugan ng buwan sa araw, buwan at taong iyon--March 24, year 1997. Isinulat sa itim na libro na isang sanggol na babae ang isisilang sa mundo ng mga tao sa unang kabilugang buwan ng Marso, taong kasalukuyan, na siyang magiging dahilan ng pagbagsak ng isa sa pitong haligi ng impyerno, which meant that one of the archdevils of the seven thrones of hell will fall if the child lives. Archdevils were former angels who were also thrown to hell. Sila ang mga anghel na mas pumanig kay Lucifer, ang kanilang Supremo. Mas malakas sila at mas nakatataas kaysa sa mga demonyo. Kaya sa kanila ibinigay ang trono. "Hanapin ninyo ang pitong babaeng sanggol na ipapanganak mamayang kabilugan ng buwan," utos ng Supremo. Pito lang sa bilang ng mga buntis ang nagdadalangtao ng babaeng sanggol. Natunton na ng Supremo kung saang mga ospital dinala ang bawat isa. Umakyat si Ezrah sa mundo ng mga tao at tinungo ang regional hospital ng siyudad ng Bacolod kung saan siya itinalaga ng Supremo. Sa pitong archdevils ay siya lang ang naatasang umakyat sa lupa dahil ang iba ay may kanya-kanya ring misyon. Kasama niya ang anim na demonyo na itinalaga sa ibang ospital. He hated it that he had to set foot in the land of the weak. Yes, land of the weak. Ganoon ang tawag niya sa mundo ng mga tao--lugar ng mahihina. He did not understand why God wanted them to bow down to these weak creatures. Naniniwala siya sa Supremo na sila ay mas nakakaangat. Kaya mas pinili niyang pumanig dito. And so he, together with all the other angels who sided with Lucifer, were cast out from heaven. Hell became their new home. Ezrah lost his massive wings. Nag-iba ang kulay ng balat nila at tinubuan sila ng mga sungay. Pero may pormang tao rin naman sila kapag may misyon sila sa lupa. Their human form was how they actually looked like when they were still angels minus the massive wings, the warmth, and the angel's grace, of course. In hell, he was one of the strongest and was given a throne. The throne signified the seven deadly sins. He ruled the throne for Envy. Pumasok siya sa entrada ng ospital. Pamilyar na sa kanya ang lugar na iyon. He was there when the building was occupied by the Japanese Imperial Forces in the year 1941. Ngayon ay pinagtitinginan siya ng mga tao. Bakit hindi? He looked like a Roman god with his towering height, strong physique, and a cold expression on his handsome face. Being over 6 ft tall, he was quite an arresting figure! His hair, the color of bright sun, was thick and wild. Lalo na at nililipad iyon ng hangin. He owned a pair of cold, blue eyes under thick brows. His nose had an incredible shape--almost perfect. And his lips were always pressed tight into a stern line. Gusto niyang magpakawala ng tawang puno ng sarkasmo. Ang mga taong ito ba ang mas pinili ng Ama kaysa sa kanilang mga anghel noon? Ang mga taong itong halos sambahin siya ngayon? These people obviously adored him. Nakita niyang nagsikuhan ang dalawang nurse na nasa nurse's station malapit sa labor at delivery room. Sumulyap siya sa bintana. Bilog na bilog na ang buwan. Nararamdaman na niyang malapit nang isilang ang isa sa pitong sanggol. He yawned and rested his back against the wall. Napakadali ng misyong ito. Ano ang laban ng sanggol sa kanya kahit na gawin pa nitong barikada ang buo nitong pamilya. He will come for her. Kung siya lang ang masusunod ay papasukin na niya ang delivery room ngayon. Tapos ang misyon. But he was not allowed to make a scene. Hindi dahil takot sila sa tao kundi dahil baka makuha ang atensyon ng langit. They did not want the angels to interfere with their affairs. Hinintay niyang ilipat ang mga nanay sa ward at ihatid sa mga ito ang bagong silang na mga sanggol. Sa lampin palang na ipinambalot sa mga ito ay tukoy na kaagad niya ang kasarian. Lumapit siya sa ward kung saan dinala ng nurse ang misyon niya. Sumandal siya sa hamba ng pintuan at pinanood ang babaeng nilalaro ang kamay ng anak nito. He exhaled roughly and took out a coin from his pocket. Nilaro niya ang barya habang naghihintay na makatulog na ang mga tao sa loob ng ward. "Finally," it came out as a growl. Inip na inip na siya. Kung bakit naman kasi ang tagal matulog ng ina ng sanggol. Lumapit siya sa bagong silang. Gising pa ito at tila nakikipagtitigan din sa kanya. Kung siya lang ay tatapusin na niya ito, wala nang maraming salita pa. Pero ang sabi ng Supremo kailangang sambitin muna ang demoniac orison at iukit sa balat ng sanggol ang simbolo ng kamatayan bago ito tuluyang tapusin. He smirked. Sa tapat ng kanang pulso ng sanggol ay diniin niya ang kuko. Ang sugat na minarka niya rito ay pormang sundial. Ang ibig sabihin ay, 'time is passing.' Nalalapit na kamatayan. Umiyak ang sanggol, pero wala siyang pakialam. Inusal niya ang mga salitang mag-aalay sa kaluluwa nito sa Supremo. Ezrah saw how the blood from her wound burned and turned to ashes. Nagising ang ina ng bata at tumili ng malakas lalo na nang makita nitong hawak niya ang kamay ng anak nito. He was tempted to slit the mother's throat. Pero naggising na ang mga pasyente sa katabing mga kama. Wala sana siyang balak na umalis, pero nakita niya ang mga anghel sa labas ng bintana. The angels were cloaked so they could roam the sky unnoticed. "F*ck." Nag-iwan siya ng huling sulyap sa sanggol bago mabilis na nilisan ang ward. He sighed. "Guess you'll have to die another day..." were his last words before he vanished in a dark corner.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD