Chapter 18

965 Words
Ilang araw at gabi nang nag-aabang si Scylla. Ni hindi niya alam kung ano ang inaabangan niya. Pero malakas ang kutob niyang kay Ezrah galing ang mga itim na talulot at ang isang tangkay ng itim na rosas. Ito ang nag-iwan ng mga iyon sa kama niya. Dahil inilagay niya ang mga iyon sa lugar na mahalaga sa kanila. “Ezrah, parang-awa mo na, magpakita ka na sa akin,” pipi niyang hiling. Sa isiping buhay pa ang lalaki ay nagkaroon siya ng panibagong lakas. Bumalik siya sa penthouse nila. Wala pa ring nabago sa lugar. Tumakbo siya sa kuwarto nila, pero bakante ang silid. Parang nauupos na kandilang napaupo siya sa paanan ng kama.  Tama pa ba itong ginagawa niya o baka niloloko na lang niya ang sarili niya? Tumayo siya. Doon naman biglang umihip ang hangin. Bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Kung dahil sa takot na muling mabigo o dahil sa pananabik ay hindi niya matukoy. Nang dumako sa infinity pool ang kanyang mga mata ay nakita niya ang pigura ng matangkad na lalaking nakasuot ng itim na balabal. Nakatalikod ito sa kanya at nakatayo sa gilid ng pool. May nakasukbit sa isang balikat nito—mga palaso. Sa kabila naman ay may itim na uwak. “E-ezrah?” mahina niyang bigkas. The man angled his face a little. Pagkatapos ay lumingon ito at tuluyan nang humarap sa kanya. Nagulat siya sa purong itim nitong mga mata. He was all Ezrah except for his eyes—the devil’s eyes. Sa mga mata nitong iyon ay nasisilip niya ang kalupitan. The archdevil smiled wickedly at her. May gustong ipahiwatig ang ngiti nitong iyon sa kanya at alam niyang hindi niya iyon ikakatuwa. “Scylla.” Malamig ang boses nito. Nanibago siya. “Ezrah, a-ano’ng nangyari sa iyo?” Kumakabog ang dibdib niya. He raised a brow at her. His gaze fell upon her chest. For a while, he looked puzzled. Maya-maya ay wala na namang mababasang ekspresyon sa guwapo nitong mukha maliban sa hangarin nitong saktan siya. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit pero parang may itinayo itong mataas na pader sa palibot nito. Ibang-iba ito sa Ezrah na nakapiling niya. “Ezrah, nakikilala mo pa ba ako?” “Ikaw ang misyong hindi ko natapos noon. Bumalik ako para tapusin ang misyong iyon.” “A-anong misyon?” “Misyong patayin ka.” Nasaktan siya. Higit ang sakit kaysa sa pagkagimbal. Naalala niya ang mga sinabi noon ni Gavriil kay Ezrah sa Club Inferno. That she was Ezrah’s mission. Napaatras siya. “P-papatayin mo ba ako?” Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya. Tila iritadong napatitig na naman ito sa dibdib niya na para bang naririnig nito ang t***k ng puso niya. “I’ll make it quick, Woman. Just stay still. One arrow to your heart and we’re done.” Napasinghap siya. Bakit parang hindi siya nito kilala? “Ezrah, ako ito. Si Scylla!” Tumaas lang uli ang mga kilay nito. The expression on his face was no different from that of an Executioner. Ang nakikita niya lang sa mukha nito ay ang intensyong pumatay. Nirolyo niya hanggang siko ang mahabang sleeve ng suot na blouse. Itinaas niya ang palapulsuhan kung saan naroroon pa rin ang marka nito. It was fading, pero naroroon pa rin iyon. The evil grin that he flashed her just broke her heart. “I know what that is. I made that mark on your screen. Ibig sabihin ay ikaw nga ang sanggol na ini-utos sa akin. Ikaw ang sanggol na dapat ay matagal ko nang pinatay.” Nagulat siya. Wala sa loob na napatingin siya sa markang nasa palapulsuhan niya. “It’s the mark of the sundial. Ibig sabihin ay nauubos na ang oras mo. At ngayong gabi, sisiguruhin kong matatapos ko na ang misyon.” Nawalan ng lakas ang mga buto niya sa katawan. She broke down crying. “Kung papatayin mo ako, ay gawin mo na.” Ikiniling nito ang ulo, tila napapantastikuhan sa kanya. He aimed his bow at her. Wala siyang nakikitang pag-aalinlangan sa mga mata ni Ezrah. Malungkot niyang ipinikit na lang ang mga mata. The man snorted. Nang akala niya ay tatamaan na siya ng palaso ay biglang may humawak sa baywang niya. Ang kasunod niyon ay nasa kalawakan na siya at nakatunghay sa mga ilaw ng siyudad. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi niya nagawang makapagsalita. She was speechless, scared, and heartbroken. Ibinaba siya ng nilalang na sumagip sa buhay niya sa rooftop ng isang mataas na gusali. Nakita niya ang pakpak nito. They were huge and massive and white. “A-anghel ka?” “I am one of the watchers.” Awtomatikong nabuhay ang poot at galit sa dibdib niya. Ang mga ito ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Ezrah. Kung bakit hindi na siya ngayon makilala nito. Kung bakit hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. Pinagbabayo niya ito sa dibdib kahit alam niyang baka hindi naman sapat ang lakas niya para masaktan ang isang tulad nito. “I didn’t kill him,” anito. Tiningala niya ito. And flashbacks of that night came pouring back like heavy rain. “Ezrah!” Nakita niya si Ezrah—duguan at hawak sa leeg ng isang nilalang na may malaking pakpak. Anghel. Mahaba ang buhok ng anghel. Lampas balikat at kulay mais. Matangos ang ilong nito, hugis almendras ang mga mata at mapula ang mga labi. “Huwag!”  The angel just stared at her then he shoved his sword to Ezrah’s chest. “Ezrah!” “Ano’ng sinasabi mo? Ikaw ang pumatay kay Ezrah! Nakita kita! Bakit iniligtas mo pa ako ngayon? Hindi ako sasama sa inyo!” Nanlilisik sa galit ang mga mata niya. Lahat ng sama ng loob at galit na naipon sa dibdib niya ay inilabas niya ngayon. Hindi ito nagsalita. Sa halip ay tila malambot na bakal ang kamay nitong humawak sa kamay niya. Sa tangkad at laki ng katawan nito ay kayang-kaya siya nitong kaladkarin. “Magmula ngayon, ay dito ka muna sa poder ko,” deklara nito, may pinalidad sa tono ng boses. Gusto niyang sumigaw pero ano ang saysay? Naguguluhan siya at hindi na niya maintindihan ang nangyayari. Pero sa mga sandaling iyon ay isang mukha pa rin ang gusto niyang makita. Sa kabila ng kalupitang nabasa niya sa mga mata nito ay hindi nagbago ang damdamin niya. Ezrah…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD