Chapter 19

1020 Words
Seryoso ang ekspresyon sa mukha ni Ezrah habang nakaupo sa trono niya, nakatitig sa mga kaluluwang nalulunod sa nag-aapoy na lawa. His grasp around his bow tightened as he recalled the face of the woman in the penthouse. Umigting ang panga niya at naningkit ang kanyang mga mata. The woman was beautiful. A mortal, yes. Weak and helpless but…  Marahas siyang napabuga ng hangin. Sino ang babaeng iyon? Alam niyang si Scylla ang babae at misyon niyang patayin ito. Pero parang may iba pa siyang nararamdaman nang maglapat ang mga tingin nila. And the thing that bothered him the most was the fact that he could hear her heartbeat. Hindi niya maintindihan kung bakit malinaw niyang naririnig ang t***k ng puso nito. And her heartbeat was distinct and different from other mortals.  Napakalakas.  It was as if her heart was beating through an amplifier. Dinig na dinig niya. “Hello, brother,” bati sa kanya ni Gavriil. The ruler of Greed stared at the poor, tormented souls littering around like trash then smirked devilishly. Wala itong makapang awa para sa mga kaluluwang iyon. Kagaya nang wala rin siyang makapang awa para sa mga ito. “Gavriil,” he acknowledged. His voice was as cold as a steel. Tinitigan siya nito, binabasa ang mukha niya. “Ano’ng problema?” “Wala.” Ngumisi ito. “A liar will never become honest overnight. Tell me,” pilit nito, kumikinang ang mga mata nito. He scowled at Gavriil. “Why the f*ck would you want to know?” “Come on.” Tumawa ito. His eyes were glaring at Gavrill when he spoke, “I saw her.” Gavriil tilted his head. “Her?” “The mission,” he said tersely. “And?” Iritado niyang nasapo ang ulo. “Nothing.” Pinatama niya ang palaso sa isang kaluluwang nagpipilit bumangon mula sa pagkakadapa. Muli itong sumadsad pahiga. “What happened to me again?” “The watcher did this to you. Mapapatay mo na sana ang Scylla na iyon. But then the heavens intervened again and sent those watchers to protect her. One of them almost killed you. Mabuti na lang at dumating kami ni Astrid. If it weren’t for us, you’d be long dead by now. Iyon lang, may bahagi ng memorya mo ang nawala.” Kumuyom ang mga kamao niya.  “A devil’s revenge is the sweetest. I will give them hell. Isn’t it sweet?” sarkastiko niyang sabi. Tumango si Gavriil. “Do that. Pinagtulungan ka nila. Ang anghel at ang babaeng iyon.” Umangat ang isang sulok ng labi niya. “Kilala mo ako. I will never forgive those who have wronged me. Ako mismo ang magpapataw ng parusa.” He glanced at his pincers. Hindi na siya makapaghintay na magamit ang mga iyon. Nagngangalit ang mga ngipin niya. Ngumiti lang si Gavriil. But his smile was far from being innocent. > WELL-DEFINED ABS. Strong biceps and triceps. Broad shoulders. Wide chest. And sweat dripping from his forehead to his neck down to his chest and abdomen! Nakasuot ng itim na vest ang lalaki at itim ding harem pants. Going Under by Evanescence played in the background while the man held the waist of his partner as they swayed sexily inside the crowded Club Inferno. Naudlot ang paghakbang ni Scylla. Dahil iyon kaagad ang nakita niya pagkapasok niya ng main entrance. Kung bakit ang mukhang iyon agad ang nakita niya kahit na siksikan ang mga tao sa loob ng Club Inferno. Hindi nga niya alam kung ano pa ang ginagawa niya sa lugar na iyon. Pinagbawalan siya ng anghel na umalis sa poder nito dahil delikado raw. Pero paggising niya kaninang bandang dapithapon ay wala ito kaya mabilis siyang tumakas. Naglakad-lakad lang siya at nang lumalim ang gabi ay dinala nga siya ng mga paa niya roon. Wala siyang pakialam kahit na pinagtangkaan pa ni Ezrah ang buhay niya. Nagsikip ang dibdib niya. Natutop niya ang tapat ng dibdib. Si Astrid ang kasayaw ni Ezrah at sobrang lapit ng dalawa sa isa’t isa. Ang paraan ng pagpisil ni Ezrah sa baywang at balakang ng babae ay nagpapahayag na may unawaan ang dalawa. Nanlambot ang mga tuhod niya. Napayuko siya. Ang sakit-sakit. Una ay nawala sa kanya si Ezrah. Nagluksa siya,  naghinagpis. Tapos bigla-bigla ay bumalik ito at binalak siyang paslangin. Sinabi nitong siya ay misyon lang nito. Ganoon lang ba talaga siya rito? Lahat ba ng pinagsamahan nila ay kasinungalingan lang? Pagpapanggap? At ngayon ay nakayapos ito kay Astrid. Humapdi ang lalamunan niya. She clutched hard on her chest. Parang sasabog iyon. Nang mag-angat siya ng mukha ay nagtama ang mga paningin nila ni Ezrah. He was staring at her penetratingly from across the room. Nagsasalubong ang mga kilay nito habang matiim na nakatitig sa kanya. Gusto niyang mag-iwas ng tingin pero parang hinihigop siya ng mga titig nitong iyon. HABANG nakikipagsayaw kay Astrid ay biglang nagsalubong ang mga kilay ni Ezrah. He was hearing that familiar heartbeat again. Naiirita na siya dahil hindi niya maibigyan ng magandang dahilan kung bakit naririnig niya ang pagtibok ng puso nito. His eyes scanned the room and spotted her—Scylla. Nakatitig din ito sa kanya. Bakas ang sakit at pagdaramdam sa mukha nito. As if his body understood, kusang bumitaw ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa katawan ni Astrid. And then her heartbeat intensified. Nakita niyang nakahawak ito sa tapat ng dibdib. What is wrong with this woman? In a snap, he moved in front of her. Nagulat ito pero mas nagulat siya sa ginawa niya. Sa lugar kung saan napapalibutan sila ng maraming tao, nanatili silang nakatayo at nakatitig sa isa’t isa. He was gazing down at her intently. Ito naman ay nakatingala sa kanya. “Scylla,” sambit niya sa pangalan nito. “Ezrah…” Alam niyang dapat ay patayin na niya ito. Ito na ang pagkakataon niya. There was no watcher to rescue her this time. The woman willingly threw herself to his lair. Kinapa niya ang punyal na nakasuksok sa tagiliran niya. But he didn’t expect that she would touch him. Hinawakan nito ang kamay niya at parang bolta-boltaheng kuryente ang nanulay sa katawan niya. To say that he was shock with how his body reacted to her was an understatement. Naguguluhan siya. “Ezrah, b-bumalik ka na sa akin, pakiusap. Miss na miss na kita,” sumamo nito. Nagagalit siya dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kalakas ang epekto ng babaeng ito sa kanya. Iwinasiwas niya ang kamay nito. “You stay the f*ck away from me, Darling,” magaspang niyang sabi. “Because the next time I see you, I’ll kill you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD