Hindi maalis ang matiim na ngiti sa mga labi ni Ezrah habang tinatanaw ang dalagang tumatakbo palayo. Palagi na lang itong tumatakbo. When will she stop running? Wala naman itong puwedeng pagtaguan na hindi niya matutunton. Didn’t he just tell her that he was the devil? Hindi ba nito naintindihan iyon?
Pinasayad niya ang daliri sa kanyang mga labi at ipinikit ang mga mata. He couldn’t tell whether to regret kissing the woman or not. Dahil ngayon ay tila nakaukit na sa isipan niya ang lasa ng mga labi nito. He needed to taste her again. He needed to possess her. He wanted all of her.
Hindi naman talaga kasama sa plano niya ang makipaglapit dito. But tasting her soft lips once changed everything. Para itong masarap na putaheng gusto niyang balik-balikan.
“Magiging akin ka rin, Scylla. And no one can stop me. Not even the angels. Utang mo naman sa akin ang buhay mo kaya hindi na masama kung sisingilin kita ngayon.”
Sa isang pitik niya lang ay nasa harapan na siya ng dalaga. Nanlalaki ang mga mata nito sa labis na pagkahindik. Humakbang ito palikod at muling tumakbo pero hindi pa ito nakakalayo ay naroroon na naman siya.
He smiled wickedly and sang again. This time, he sang the song in a more blood-curdling version, sa tono ng Tili Tili Bom na isang Russian lullaby. The song sounded creepy… spine-chilling even.
Habang kumakanta ay hindi niya inaalis ang mga titig sa mukha ng dalaga. The woman was pale, frightened to the core.
Tumaas ang isang palad niya sa pisngi ni Scylla. “Devil, devil go away. Come again another day. Little Scylla wants to play…”
“M-maawa ka sa akin.”
He grinned. “Mercy is for the good-hearted.”
“A-alam kong hindi ka masamang tao.”
“Hindi naman talaga ako tao.” The right half of his face revealed what he really looked like in hell—his devil form. Nagsasanga-sanga ang mga sungay niyang parang katulad ng sa isang toro. Ang kulay ng balat niya ay abuhing pula. At ang mga mata niya ay purong itim. "I warned you, didn't I? I told you to stop following me. Pero hindi ka nakinig. Now, you have my full attention."
Lalong nanlamig ang dalaga at kitang-kita niya ang panginginig ng labi nito. And he loved it. The woman reeked of fear. Lalo tuloy siyang natatakam dito. Fear made the demons and devils stronger… wilder.
He leaned over her shoulder and whispered in her ear, “My name is Ezrah. And you are mine.” Walang pasabing hinila niya ang palapulsuhan ng babae at minasdan ang marka ng sundial. May sinambit siyang mga kataga.
Napatili ang dalaga at pilit na binabawi ang kamay. Pero hindi siya natinag. Ang kulay ng marka sa palapulsuhan niya ay naging matingkad na pula mula sa maputlang kulay niyon.
“I just renewed our bond, Darling.” Pagkasabi niyon ay siniil niya ng mainit na halik ang mga labi ng dalaga.
TILA NAGISING sa isang bangungot si Scylla. Pawis na pawis siya. Natutop niya ang tapat ng dibdib. Para siyang hinabol ng isang daan at isang demonyo. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya.
Matagal na siyang umalis sa poder ng tiyahin niya. Hindi na niya kayang tiisin ang pang-aapi ng mga ito sa kanya. Di bale na sana kung siya lang ang inaalipusta ng mga ito, pero maging alaala ng namayapa niyang ama ay niyuyurakan pa ng mga kamag-anak niya.
“Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?” Bumangon siya mula sa kinahihigaang banig. Dating sari-sari store ang maliit na istrukturang ginawa na nilang tirahan. Napabayaan iyon at non-operational sa loob ng mahabang panahon bago nasunog.
Nagpasya silang doon na tumira. Dati ay sa kalye sila natutulog kasama niya sina Biboy, Emong, at ang iba pa nilang kasamahan. Ngayon ay may permanente na silang pagsisilungan.
Ang bubong ay ginawan nila ng paraan para maayos. Naglagay din sila ng mga partisyon sa loob para hiwalay ang lalaki sa babae. Si Biboy na siyang pinaka-leader nila ay sa sala natutulog, halos nasa bungad na ng pinto.
Humapdi ang lalamunan niya nang maalalang wala na pala sina Biboy at Emong. Kahit naman puro kagaguhan ang pinagagawa nila ay mabait naman ang dalawang iyon sa kanya. Parang tatay na niya si Biboy at nakatatandang kapatid naman ang turing niya kay Emong.
Napahikbi siya.
“Scylla? Bakit umiiyak ka?”
Nag-angat siya ng ulo at kulang ang sabihing nagulat siya nang makita niya si Biboy na nakatayo sa harapan niya.
“B-Biboy?”
“Aba’y sino pa ba?”
“A-akala ko patay ka na?” hindi niya napigilang sabihin.
Nagpatung-patong ang linya sa noo ng lalaki. “Loko ka pala, eh. Sino namang nagsabi sa iyong patay na ako? Ito ako, buhay na buhay.” Tinapik pa siya nito sa pisngi. “Kulang lang sa almusal iyan. Kumain ka na. Pinagluto tayo ng ginisang sardinas ni Neneng.”
“S-si Neneng? Ang asawa ni Emong?”
“Oo. May iba pa bang asawa si Emong?”
“B-buhay din si Emong?”
Bumunghalit ng tawa si Biboy. “Sino pa sa mga kasamahan natin dito ang gusto mong patayin?” pabiro nitong tanong. “Magpatawas ka nga mamayang hapon at mukha kang nausog.”
Lumabas na si Biboy pero siya ay nanatiling nakaupo sa banig. Panaginip lang ba ang lahat? Hindi ba totoo ang diyablong iyon? Sumilip siya sa sala at nakahinga nang maluwag nang makitang masiglang kumakain si Emong at sinusubuan pa ito ng nilagang saging na may bagoong ni Neneng.
Kumuha siya ng isang basong tubig. “Salamat naman at panaginip lang pala—” Biglang kumirot ang palapulsuhan niya. The mark on her skin burned. Nang tignan niya ang marka ay matingkad na pula na ang kulay niyon. And then she heard that creepy lullaby again. Nabitiwan niya ang baso. Nabasag iyon. At nang tignan niya ang natapong tubig sa sahig ay nakita niya ang mukha ng diyablo.
“Ezrah…”