"Kung hindi ka tao, ano ka?" pang-uusisa ni Scylla. Pilit niyang pinapatatag ang dibdib kahit may kutob na siya kung anong klaseng nilalang ang kaharap niya.
Binitiwan na siya ng estranghero at nagpatuloy na ito sa paglalakad, walang pagmamadali. Hindi sumagot ang lalaki. Tahimik na tahimik ang paligid at ang tanging maririnig ay ang mga kuliglig.
Sinundan niya ang lalaki, kahit alam niyang hindi dapat. Marami nang mga katanungan sa buhay niya na hindi niya mahanapan ng sagot. Ayaw na niyang idagdag pa ito.
"Stop following me, Scylla," malamig ang boses ng lalaki. Pero hindi siya natatakot dito.
"Hindi. Sabihin mo muna sa akin kung sino ka at ano ang kailangan mo sa akin." Pumiyok ang boses niya. Pakiramdam niya ay nauupos siyang kandila. Ang dami nang nangyari sa buhay niya na hindi maganda at ang sabi ng mga kamag-anak niya ay malas daw ang dala niya. Magmula nang isilang siya ay naghirap na ang kanyang pamilya.
Ang tatay niya ay inatake sa puso. Ang nanay niya ay nasiraan ng ulo. Palagi nitong binibigkas na siya raw ay demonyo. Ang buo niyang pangalan ay Scylla Angelica Pascua Lacayanga. Scylla Angelica--for monsters and angels. Kahit sa pangalan ay ipinapaalala nito kung ano'ng tingin nito sa kanya.
Ang sabi ng nga kamag-anak niya, ang marka raw sa kanyang balat ay marka ng kamatayan. Kaya walang sinuman ang gustong makipaglapit sa kanya. Takot ang mga itong malasin o mamatay. Lumaki siyang kinukutya at palaging nag-iisa.
Walang may totoong nagmalasakit sa kanya. Kahit noon ay ni ayaw siyang lapitan ng mga pinsan niya sa tiyahing kumupkop sa kanya. Kung pagkupkop bang matatawag ang pagpapatira nito sa kanya sa maliit na kubo sa labas ng bahay ng mga ito.
Sa huli ay natuto siyang gumawa ng masama para mabuhay--nangupit, nang-away, sumama sa samahan ng mga taong halang ang bituka. Doon niya nakilala si Biboy. Ngayon ay wala na si Biboy. Kung paano nalaman ni Emong ang tungkol sa estrangherong lalaki ay hindi niya rin alam. Wala naman siyang pinagsabihan.
"Gaano ba kaimportante sa iyong malaman kung sino at ano ako?"
"Importanteng-importante," nabasag ang boses niya, and she began sobbing. She fell on the ground and wept. Walang ampat ang pag-iyak niya. Para bang ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataong maghinakit sa buhay na mayroon siya.
Huminto sa paglalakad ang estranghero. Lumingon ito sa kanya. Then he began marching towards her. Iniluhod nito ang isang tuhod at pinisil ang baba niya, pilit siyang pinatingala rito. Naghinang ang mga mata nila.
"Magulung-magulo na ang buhay ko. Ayaw ko nang dagdagan pa sa kakaisip kung sino at ano ka," aniya.
Tumitig sa mukha niya ang lalaki. Ilang beses na dumako ang mga mata nito sa nakaawang niyang mga labi. Humigpit ang pagkakapisil nito sa baba niya. Watching him, he looked like someone who was trying to fight his own demons. Gumalaw ang mga panga nito, umigting. Kitang-kita niya ang tensyon sa linya ng panga nito.
Biglang lumitaw ang maliliit na ugat sa palibot ng mga mata nito. And again, the white portion of his eyes turned black. Kulang ang sabihing nahindik na naman siya sa nakita. Umisod siya paatras. "S-sino ka ba talaga? Kung hindi ka tao, ano ka?" Gilalas siya.
Imbes na sumagot ay lumapit ang lalaki at dumiin lang sa batok niya ang isang palad nito. Hindi siya makahinga, pilit nitong hinuhuli ang mga mata niya. A cunning look came into his eyes and the next she knew, he was already kissing her torridly! She could feel his lips moving over her own. His tongue slithered into her mouth like hot temptation and when he tasted her tongue, flavors exploded in her mouth.
Nangunyapit siya sa balikat nito nang lumalim ang halik. Hindi siya nito binibigyan ng pagkakataong sumagap man lang ng hangin. This man was a vile beast… sadistic even. Mukhang natutuwa itong tila nalulunod siya sa mga halik nito. But she could not complain. Dahil sa kabila ng kapangahasan nito ay aaminin niyang napakasarap nitong humalik.
Napapikit siya at napaungol. Hindi na niya naisip kung nasaan sila. Lalo na nang ipasok nito ang isang kamay sa loob ng T-shirt niya. This man could not be possibly human. Dama niya ang naglalagablab na init na nagmumula sa katawan nito.
Huminto ang estranghero sa paghalik sa kanya at matiim siyang tinitigan sa mga mata. “You amuse me, woman.” He slipped his thumb into her mouth then brought it up to his lips, sucked his own finger, and growled ecstatically when the taste of her saliva filled his mouth. “F*ck it, you are finger-licking good!” bulalas nito. “I want more.” Malinaw ang pagnanasa sa mga mata nito.
Sa huling segundo bago pa siya tuluyang madarang sa init ng katawan ay nahanap niya ang matinong bahagi ng utak. “B-bitiwan mo ako…” garalgal ang tinig niyang sambit.
Ngumisi lang ang misteryosong lalaki at imbes na bitiwan siya ay lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa baywang niya. Natutunaw siya sa mapanuksong titig ng lalaki.
“Sure, if and only if you can make the devil go away.” Nag-iba na naman ang kulay ng mga mata nito.
Napasinghap siya at nagkumahog sa pagtayo. Hinayaan naman siya ng misteryosong lalaki. Nagtatakbo siya palayo. Alam na niya kung ano ito at natatakot siya. Parang binabayo ang dibdib niya sa mga pinaghalong emosyon.
Habang tumatakbo ay naririnig pa niya ang buong-buong pagtawa ng lalaki at ang pagkanta nito gamit ang tono ng ‘Ran, Rain Go Away.’
“Devil, devil go away. Come again another day. Scylla wants to run away… Devil, devil go away. Come again another day. Scylla wants to run away…”