Chapter 6

1024 Words
Namutla si Scylla Angelica nang makita ang repleksyon ng diyablo sa tubig na natapon sa sahig. Natuod siya at nanigas ang kanyang katawan. Totoo ang lahat. Pinaglalaruan siya ng diyablo.  “Scylla, huwag ka diyan, maaapakan mo ang mga nagkalat na bubog,” saway sa kanya ni Neneng.  Hinila siya ni Biboy. “May problema ka ba? Wala ka sa sarili mo. Magtapat ka nga. May umagrabyado ba sa iyo, Scylla?”  Nag-angat siya ng mukha. Dumaan sa gunita niya ang mga duguang katawan nina Biboy at Emong. Hindi siya puwedeng magsumbong dito dahil hindi tao ang gumugulo sa kanya. Ayaw niyang mapahamak ang mga taong itinuring na niyang pamilya kahit na hindi niya kadugo ang mga ito.  Umiling siya at muling nagyuko ng ulo. “W-wala, Biboy. Ano lang kasi—”  “May regla ka ngayon?”  “Ahm… o-oo,” sakay niya sa maling hula nito.  Nagkamot ito sa ulo. “Mga babae talaga. Sige na, kumain ka na muna, Scylla.” Sinutsutan nito si Sabel na miyembro rin ng grupo nila. Mas matanda si Sabel sa kanya ng limang taon at malaking babae ito. “Sabel, pakilinis naman.” Tumalima naman si Sabel.  Habang kumakain ay hindi mawaglit sa isipan niya ang mukha ni Ezrah. Napa-paranoid na yata siya. Pakiramdam niya ay nasa malapit lang ang misteryosong lalaki. Kahit na hindi siya lumingon ay dama niya ang mainit na titig ng kung sino sa likod niya  “Ano ba iyan, Scylla, kain sisiw?” puna sa kanya ni Emong. Nahalata nitong halos hindi siya sumusubo at nilalaro lang ang pagkain sa plato niya. Nagbuga siya ng hangin at pilit na pinatatag ang dibdib. Inubos niya ang pagkain.  “Masarap ba, Scylla?” came a voice so cold and a little bit husky that it sent shivers down her spine. Marahas siyang napalingon, pero wala namang ibang tao malapit sa hapag maliban sa kanila nina Neneng at Emong. Mukhang wala namang narinig ang dalawa. Nang dumako ang tingin niya sa unahan ay nakita niya ang lumang salaming nakasandig sa pader.  Nakita niya ang sariling repleksyon—namumutla at naninigas ang leeg. At hindi siya nag-iisa. Dahil sa likod niya ay may lalaking nakatayo—tall, ripped, wearing a black cloak. Humawak ang mga kamay nito sa magkabilang balikat niya. Gumalaw ang mga daliri nito, nilalaro ang balat niya. Yumuko ang lalaki malapit sa kanang tainga niya. Matiim itong tumitig sa repleksyon niya sa salamin. She gasped when he smiled at her! Then, he mouthed, “Akin ka.”  “SIGURADO ka bang kaya mo, Scylla? Baka mabulilyaso ang mga lakad natin ngayon dahil wala ka sa sarili mo?” Pang-apat na beses na iyong itinanong sa kanya ni Biboy. Ayaw siya nitong isama sa ‘lakad’ nila dahil baka raw imbes na kumita ay bumagsak pa sila sa kulungan.  “Kaya ko nga, Biboy. Kanina lang ako wala sa sarili pero okay na ako ngayon,” giit niya. Ayaw niyang magpaiwan sa bahay dahil baka mabaliw siya sa diyablo. Ayaw siya nitong tantanan. Para itong kabuteng bigla na lang sumusulpot sa kung saan-saang bahagi ng bahay.  Kamuntikan nang humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawang lupa kanina nang bigla na lang itong sumulpot sa likod niya. Mabuti na lang at hindi siya napasigaw. Baka isipin na ng mga kasama niyang nasisiraan na siya ng bait. Hindi naman din niya puwedeng sabihin sa mga ito ang totoo. Hindi rin maniniwala ang mga ito.  Gawain pa naman nila gabi-gabi ang magkuwentuhan ng mga walang katotohanang kababalaghan. Na kesyo may kaibigang apoy ni San Elmo ang lolo ni Emong. Si Neneng naman daw ay may boypren na Syokoy noong katorse ito. Si Biboy naman daw ay muntik nang mamatay sa bangungot noon dahil sa isang Batibat. Naalala niya na ang ikinuwento niya sa mga ito ay tungkol sa diyablong nahumaling diumano sa kanya. Gawa-gawa niya lang iyon pero bakit nagkatotoo naman yata? Napukaw ba niya ang diyablo dahil sa mga kuwento niyang iyon?  “Sige, sa easy target ka muna. Ayon.” Inginuso nito ang babaeng estudyante na halos ipangalandakan ang bagung-bago nitong cellphone. Panay kutingting sa aparato habang naghihintay ng jeep.  Umismid siya. “Ang dali naman niyan, eh.”  “Huwag ka nang magreklamo. Bahala ka na diyan, ha. Kaya mo na iyan. Doon muna kami dideskarte ni Emong sa Central Market.”  Napilitan siyang tumango. “Sige, saan ba magkikita-kita?”  “Sa dati pa rin.” Si Biboy.  “Areglado,” aniya.  Pumuwesto na siya malapit sa target. Inayos niya ang suot na sombrero at nagmatyag muna, sinigurong mag-isa lang si ateng. Kalat-kalat naman ang mga tao kaya kapag inagaw niya ang cellphone ay walang kukuyog sa kanya.  Nagbilang siya hanggang lima, pagkatapos ay mabilis na in-snatch ang cellphone. Noong una ay hindi nakagalaw ang babae sa labis na pagkabigla pero nang mahamig ang sarili ay hinabol siya nito.  Napamura siya nang makitang napakabilis nitong tumakbo. “’Tang ina, mahahaba pala ang binti.”  “Kapag naabutan kitang magnanakaw ka, bugbog ang aabutin mo!” sigaw ng babae.  Nagsunud-sunod lalo ang pagmumura niya. Nataranta na siya. Wala pa naman ang mga kagrupo niya dahil buong akala ng lahat ay easy target ang babae. Namputsa, ang bilis palang tumakbo!  Sa sobrang pagkataranta ay nabitiwan niya ang cellphone ng babae. Hindi na niya binalikan dahil baka mapitas pa siya. Lumiko siya sa kanto at sumuong sa bakanteng lote. Doon siya nagtago muna.  Halakhak ang nagpalingon sa kanya. “Careless. Tsk. Aren’t you watching TV? Hindi mo ba namumukhaan ang babaeng iyon? Siya ang pambato ng Pilipinas sa Mixed Martial Arts.”  Ang diyablo na naman!  “Mukha lang siyang estudyante pero hindi siya estudyante, lalong hindi siya easy target.”  Inignora niya ito. Lumingap siya sa paligid. Hindi pa siya puwedeng lumabas mula sa pinagkukublihan. Mariin na lamang niyang ipinikit ang mga mata at umusal ng panalangin.  “Tignan mo iyan, you are such a Holy Willie. Hypocrite witch. Stop praying, Scylla, f*ck! Tawag ka nang tawag sa itaas pero tignan mo nga iyang pinagagawa mo. Kanina lang ay may inagrabyado kang tao tapos ngayon ay mananalangin ka? You are evil, you are a damaged soul.”  Pinamukalan ng luha ang kanyang mga mata dahil totoo ang mga sinasabi nito. “T-tama na…”  “Hindi ka Niya pakikinggan. Ako, nandito. I will protect you, Scylla. Just accept me. Tayo ang nababagay sa isa’t isa. Ako ang kailangan mo. Ako lang, Scylla…”  “At kung hindi ko gustong tanggapin ka?”  Dumilim ang mukha ng misteryosong lalaki. Tumalim ang kislap sa mga mata nitong nakatuon sa kanya. His lips had compressed tightly to highlight the arrogant expression on his handsome face. "You can run and hide but I'll stop at nothing. I'll come for you, Scylla." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD