Chapter 10

1271 Words
"Ano bang surprise iyan, Ezrah?" tanong ni Scylla. "Makikita mo rin." Binuksan niya ang pinto ng two-story space penthouse. Maaliwalas ang kabuuan at mataas ang kisame. The black ceiling light fixture, with six candle bulbs, was giving them the gothic vibe. The spiral staircase around a concrete pole, the chairs, ottomans, and one part of the wall where the wide TV was mounted were all black. "Go on, see for yourself," aniya. Humakbang papasok ang dalaga. Inilibot nito ang mga mata. "Ano ba kasing—" Hindi nito natuloy ang lintanya nang makita ang king-size oil painting sa isang bahagi ng living room. Tutop ang bibig na lumapit ito doon at tumingala sa napakalaking painting. He wrapped his strong arms around her small frame. Bumuntong-hininga siya at tumitig din sa painting. "Isn't it beautiful?" "A-ako iyan..." He let out a low, sexy chuckle. "Yes, I know. Nagustuhan mo ba ang surprise ko sa iyo?" Malawak ang pagkakangiti ni Scylla sa painting, and her sweaty skin was bathed in wild colors from the disco lights. The background was mostly black. "Hindi lang iyan, meron pa sa dining, and bedroom." "Ha?" Humarap sa kanya ang dalaga at inilingkis ang mga kamay paikot sa leeg niya. "Bakit mo ito ginagawa, Ezrah?" Pinamumukalan ng luha ang mga mata nito. "Dahil kaya ko, at dahil gusto ko." "Ang dami mo nang ibinibigay at ginagawang mga bagay na hindi ko kayang tumbasan." "Wala akong hinihinging kahit na ano, Scylla. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang." Lalo niyang kinabig palapit ang dalaga padikit sa katawan niya. His hand crawled around the small of her back. "As long as I have you and your full attention, I'm okay." Ang totoo'y hindi niya rin maintindihan ang sarili. Ang sabi niya noon ay hindi siya gagaya kay Lucas na nagpatali sa isang babae. He thought there was no fun in fidelity. And he used to bed women left and right. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kanya ngayon. Everything was normal until he tasted her lips, and f*ck all the demons of hell but the kiss was so f*cking good. Hindi niya gustong isipin na naiinggit lang siya kay Lucas kaya niya ginagawa ang mga ginagawa niya ngayon. Because why the f*ck would he get envious of Lucas? Pero alam niya kung anong klaseng diablo siya. Nagagalit siya sa atensyong ibinibigay ni Scylla sa mga kagrupo nito noon, sa mga taong kumupkop dito at itinuring nitong pamilya. So, he took her away from them. Or he would slit their throats. He desired things that belonged to another. Nag-iinit ang dugo niya sa pagnanasa sa mga bagay na hindi sa kanya. But if he was so envious of Lucas, why didn't he take his wife instead? Napaungol siya, naguguluhan. "Ezrah, may masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Scylla. Kinubkob nito ang mukha niya. His penetrating gaze fell upon Scylla, and the color of his eyes flipped from blue to black. All black, the color of death. Tumitig sa mga mata niya ang dalaga. Hinaplos ng malambot nitong mga daliri ang palibot ng kanyang mga mata. She gently ran her fingers on his skin and the vessels that had become visible around his eyes. "Why aren't you scared of me, Scylla?" "Noong una, natatakot ako sa iyo. Pero hindi rin nagtagal ang takot na iyon." "Why?" Matagal bago sumagot ang dalaga. Sa loob ng kung ilang segundo ay nakatitig lang ito sa mukha niya. "Dahil umibig ako sa iyo. Mahal kita, Ezrah." Siya naman ang hindi nakapagsalita. Hindi niya eksaktong maipaliwanag pero tila may kung anong dumaklot sa loob ng dibdib niya nang sinabi nitong mahal siya nito. Love? He didn't believe in love. There's no love in hell. Naniniwala silang napaniwala lang ng nasa itaas ang mga anghel at tao na totoo ang bagay na iyon. Love was made for the weak puppets of the Father. "Hindi ka naniniwala sa pag-ibig, Ezrah?" Hinagilap nito ang batok niya at tumingkayad upang tamnan ng mainit na halik ang kanyang mga labi. "Ipaparamdam ko sa iyo." Awtomatikong napapikit siya. All lips should taste the same. They were just a part of the human body. But Scylla's had always been different. And her mouth was so warm like a harmless flame. Nagmamadaling kinalas ng dalaga ang mga butones ng polo niya. At nang ihimlay nito ang mga palad sa tapat ng kanyang dibdib ay tila may pumitik sa loob-loob niya. Nahihiwagaang itinulak niya palayo ang dalaga. "Bakit?" nagtatakang tanong nito. "I..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. What the f*ck! There's something really, really wrong with him. And hell, he couldn't forget the look in Scylla's eyes when she confessed her feelings. Paulit-ulit iyon sa utak niya na parang sirang plaka. "Dito ka na muna." Inilang hakbang niya lang ang patungong pintuan. "Aalis ka?" Hindi siya sumagot at tuluyan nang lumabas. MATAGAL NANG NAKAALIS si Ezrah ay nakatitig pa rin sa nakasaradong pinto si Scylla. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong umalis. Nag-uusap lang naman sila, pagkatapos ay ikinumpisal niya ang totoong damdamin dito. Natigilan siya. Hindi ba nito nagustuhan ang sinabi niyang mahal niya ito? Pero totoo iyon! Natutunan na niyang mahalin si Ezrah kahit na hindi ito tao, at kahit na madilim na landas ang tinatahak nito. Sa loob-loob niya ay umaasa siyang magbabago ito. Mga katok sa pinto ang nagpapitlag sa kanya. Dali-dali siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon sa pag-aakalang bumalik na si Ezrah. Limang kalalakihan ang bumulaga sa kanya. Pulos nakaitim na balabal at matiim ang pagkakatitig sa kanya, blangko ang ekspresyon sa mga mukha. "S-sino kayo?" Napahakbang siya palikod. Hindi sumagot ang mga ito. Ang nasa unahan ay tinanguan ang isang kasama. Tumango ang huli at walang kahirap-hirap nitong tinalon ang ikalawang palapag ng penthouse. Napasinghap siya at mabilis na tumakbo patungong kusina. Ang lalaking nasa unahan kanina ay tumalon sa sofa at tumalon sa harapan niya, hinarangan ang daanan patungong kusina. Naging purong itim ang mga mata nito, umusli ang buto sa kilay, humaba ang hitsura, at naging kulay abu ang balat. Nang lingunin niya ang mga kasama nito ay ganoon na rin ang hitsura. Tinalon siya ng isang nasa harapan niya pero mabilis niya iyong nailagan at itinuloy ang mabilis na pagtakbo patungong kusina. Sa minsang paglingon niya ay nakita niyang ang dalawa sa limang lalaki ay nasa kisame at hinahabol din siya. Nahindik siya. Dumerecho siya sa banyo at in-lock ang pinto. Kinalampag iyon ng mga nasa labas. Putlang-putla na ang mukha niya at hinihingal siya sa mabilis na pagtakbo. Ni hindi niya alam kung paanong narating niya nang ganoon kabilis ang banyo. Ano ang gagawin niya? Kinapa niya ang bulsa ng pantalon at nanlamig nang matantong hindi niya naisuksok doon ang cellphone. Muling kinalampag ng mga lalaki ang pinto na halos mawasak na iyon. Hindi na niya napigilang umiyak. Sumiksik siya sa pinakasulok ng banyo at naupo, yakap-yakap ang mga tuhod. Sa kada pukpok ng malalakas na kamao sa labas, ay doble-doble ang pagkabog ng dibdib niya. Sa isipan ay tinatawag niya si Ezrah kung nasaan man ito. Napasigaw siya nang tumilapon ang pinto at bumulaga sa kanya ang mukha ng limang lalaki. Mga demonyo. Sigurado siyang mga demonyo ang mga ito. Nang akmang dadaluhungin na siya ng mga ito ay biglang may kakaibang puwersa ang nanulay sa buong katawan niya. Pakiramdam niya ay may tumulak sa kanyang kamalayan sa kailalimang bahagi ng kanyang utak at may ibang nagpapagalaw sa kanya dahil natagpuan niya ang sariling tumayo at humarap sa mga demonyo. Alam niyang may nag-iba sa kanya at nang mahagip niya ang repleksyon sa salamin ay nakita niyang purong puti ang kanyang mga mata, maging ang bilog na parte ay puti na ang kulay. Hindi siya iyon. Hindi siya ang nakikita niya sa salamin. Sumigaw siya at sumabog ang nakabubulag na liwanag sa buong kabahayan. Pagkatapos ay nawalan na siya ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD