Chapter 11

1151 Words
Parang mapupunit ang dibdib ni Ezrah nang madatnan niyang magulo ang bahay. He knew archdevils didn't have that organ they call 'heart,' or if they did have, it was probably dead. Hindi tumitibok ang puso nila. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit may tila pumupulso nang malakas sa loob ng kanyang dibdib. Inilibot niya ang tingin sa paligid at nakita niya ang malalalim na kalmot sa mga pader at haligi, gawa ng matatalas na kuko. Alam niyang iisa lang ang may gawa niyon. Demons. Umaalingasaw din ang amoy ng Sulfur sa buong kabahayan. "Scylla!" Maging ang foam sa sandalan ng sofa ay napunit. Nilapitan niya iyon at pinaraanan ng daliri ang parteng nasira. He was sure the marks were from the strong claws of a vulture. And demons had claws like those of scavenging birds of prey. Tumingala siya sa kisame, at nakita niya ang parehong mga bakas ng kuko. May mga umatakeng demonyo at hindi lang iisa. Mahinang pag-iyak ang umagaw sa atensyon niya. "Scylla!" Tumakbo siya patungong banyo. Natagpuan niyang nakasiksik sa sulok si Scylla at nakayuko ito, yakap-yakap ang mga tuhod, inuugoy ang sarili. Napatda siya nang may maapakan siyang itim na pulbos. Kinumpirma lang niyon ang hinala niya. Naabong mga demonyo? Lumuhod siya sa harapan ng dalaga at hinawakan ang magkabila nitong mga balikat. "Ano'ng nangyari rito, Scylla?" Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha, namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak. "Nakakatakot sila. Gusto nila akong paslangin!" Umiling ito. "Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Hindi ko alam kung paano ako nakaligtas." Then she paused, her eyes were wide with fear. Tila may naalala itong importanteng bagay. "Ano iyon? Sabihin mo sa akin. May tumulong ba sa iyo? Sino?" Tumitig ito sa kanya. Nababasa niya ang pag-aatubili sa mga mata nito. The woman was scared and confused. May hindi ito gustong sabihin sa kanya. "W-wala." Kumuyom ang mga kamao niya. Gusto niyang yugyugin ang dalaga. Pero may isang bahagi ng katawan niya ang pumipigil sa kanya. "Yakapin mo ako, Ezrah. Iparamdam mo sa aking poprotektahan mo ako. Sabi mo, poprotektahan mo ako. Huwag na huwag mo na ulit akong iiwang mag-isa." Humagulgol ito. He looked straight into her eyes. Ang takot sa mga mata nito ay tila punyal na humihiwa sa dibdib niya. He didn't want to see her like this. He didn't want to see this human suffer. May mga emosyon itong ipinaparamdam sa kanya na hindi niya noon nararamdaman—takot, galit, at pagkahabag. He clenched his fists tightly. Tumiim ang mga bagang niya at kahit na gaano man niya labanan ay kusang pumatak ang isang butil ng luha mula sa kanyang mga mata. Lumuha siya! And he had never cried a single tear before. Ngayon palang at bago sa kanya ang bagay na iyon. Scylla threw herself into his arms. Mahigpit na mahigpit ang pagkakayap nito sa kanya. Dama niya ang pangangatal at panlalamig ng maliit nitong katawan. Nagkiskisan ang mga bagang niya sa pagdaloy ng dagsa-dagsang emosyon sa kanya. He growled and gave in to what he truly wanted to do—niyakap niya si Scylla nang buong higpit at hinaplos ang buhok nito. He embraced her little body as if his life depended on her. "Sinaktan ka ba nila?" Umiling ang dalaga, lalo nitong ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib. "Paano ka nakaligtas?" The woman stiffened. "H-hindi ko alam..." Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, Scylla. Hinding-hindi na ulit ako aalis sa tabi mo." SCYLLA was kissing him aggressively. Hindi matukoy ni Ezrah kung dala pa rin ng takot nito kanina kaya ganoon ito kumilos. Pero naninibago siya rito. She was aggressive at times, yes, pero hindi tulad ngayon. Nakangiti sa kanya ang dalaga habang nasa ibabaw niya ito. She was naked as the day she was born on earth. And the swell of her breasts looked inviting. Perfect. Saktung-sakto lang sa mga palad niya. Her breasts were uniformly round and her n*****s were rosy like a fresh flower in full bloom. Ang painting na nakakabit sa pader sa uluhan ng kama ay ang nakahubad na dalaga. Sa painting ay nakaluhod ito at hinahawi palikod ang buhok na nililipad ng hangin. Bahagyang nakaawang ang mga labi nito at sa mga mata ay matiim na ekspresyon ang nakapaloob. Itim pa rin ang kabuuan ng painting maliban sa balat ng dalaga na maputlang kastanyo ang ginamit na kulay sa pagpinta. Sa pagkakatitig niya ngayon sa dalagang tumaas-baba sa ibabaw niya ay tila nabuhay ang painting nito. The woman on top of her looked... magical. Hinawakan niya ang dibdib nito at hinulma sa mga palad niya. They were extremely soft and warm. Napungol siya nang idiin ni Scylla ang mga kamay sa kanyang dibdib. Slowly, he felt her nails sinking into his skin. It was painful but that only added fuel to the fire that was already consuming him whole. Itinaas niya ang kamay para abutin ito pero tinabig lang nito ang kamay niya. She grinned at him and moved forcefully that made him growl like a vile beast in raging heat. Para siyang dinadala ni Scylla sa isang paraiso na hindi pa niya napupuntahan. Dumiin ang mga kamay niya sa mga hita ng katalik habang pabilis nang pabilis ang paggalaw nila. And when he reached the orgasm, parang niyanig ang buong katawan niya. "Where the hell did you learn that?" napapantastikuhan niyang tanong. Hindi umimik ang dalaga na ngayon ay nakaunan na sa braso niya. "Hey, are you okay?" Umiling ito. "H-hindi ko alam, Ezrah." Tumitig ito sa kanya. Naghugpong ang kanilang mga mata. There was something in her eyes that was not there before. Kung ano man iyon ay hindi niya matukoy. "Ang mga demonyong umatake sa akin, hindi sila maalis sa utak ko. Bakit gusto nila akong saktan? Ano ang kasalanan ko?" Humugot ito ng malalim na paghinga. "Sino ba talaga ako, Ezrah? Ang mga narinig kong sinabi ni Gavriil sa bar, may kinalaman ba iyon sa pag-atake ng mga demonyo?" Itinaas nito ang kamay at ipinakita sa kanya ang marka. "Itong markang ito, bakit may ganito ako? Ano ang ibig sabihin nito? Ikaw ba ang may gawa nito? May sinabi ka noon tungkol sa pag-renew ng bond. Ano iyon?" Imbis na sumagot ay kinabig niya ang ulo ng dalaga at maingat na isinandal sa dibdib niya. "Huwag ka na munang mag-isip, Scylla. Pagod ka. Ang kailangan mo ngayon ay ang magpahinga." "Pero—" "Shhh." Nakagat ni Scylla ang ibabang labi, malinaw sa mga mata nito ang pagtutol, pero pinili nitong manahimik na. Hanggang sa hatakin na ito ng antok at pagod, at tuluyan na itong nakatulog. Napabuga siya ng hangin at minsdan ang mukha ng nahihimbing na dalaga. "I was tasked to kill you, Scylla. Twenty-three years ago. Ako ang diablong naatasang kumitil sa iyo," mahina niyang bulong, alam niyang hindi na nito iyon maririnig. Naalala niya ang naging pag-uusap nila noon ni Armad. "...paano kung ang babaeng iyon ang nakatakdang magpabagsak sa iyo?" "Then I'd laugh my f*cking arse out when that time comes. Isang malaking biro iyon sa akin kapag nagkataon." One of the archdevils of the seven thrones will fall if the child lives... Napatitig siya ulit sa maamong mukha ni Scylla. "Ikaw ba ang nakasulat sa itim na libro?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD