Chapter 9

1027 Words
Infernum. Iyon ang bagong pangalan ng bar na pag-aari ni Ezrah. Nakatayo ang lalaki sa mezzanine at nakatanghod sa mga taong nagsasayaw. Ang isang kamay nito ay nakapaikot sa baywang ni Scylla. Bumaba ang tingin niya sa mga brasong nakapaikot sa kanya--parang sa matapang na mangangasong hindi takot makipagbuno kahit sa pinakamabangis na hayop. Sa loob ng ilang buwang magkasama sila ng lalaki ay ibinibigay nito ang lahat ng luho niya. Dinadala siya nito sa mga lugar na kahit sa panaginip ay hindi niya inisip na mapupuntahan niya.  "Enjoying the night, Darling?" baling nito sa kanya. Malawak siyang ngumiti. "Oo naman." Masaya siya. Walang mga kamag-anak na nagsasabing malas siya. Walang mga taong natatakot maugnay sa kanya. Tumingala siya kay Ezrah. Ito lang ang nag-iisang ayaw mapalayo sa kanya. Ano ngayon kung hindi ito tao? Ano ngayon kung wala itong pananampalataya sa Lumikha? Wala nang ibang mahalaga sa kanya kundi ang presensya nito sa buhay niya. I will protect you, Scylla. Just accept me. Tayo ang nababagay sa isa't isa. Ako ang kailangan mo. Ako lang, Scylla... Tama ito. Silang dalawa ang nababagay. Kung totoong siya ay isinumpa, nararapat lang na silang dalawa ang magsama. Wala sa loob na bumaba ang tingin niya sa markang nasa kanyang palapulsuhan.  "Here!" sambit ni Ezrah, kumaway ito sa bandang entrada ng bar. Tumingin siya sa kinawayan nito. Isang grupo ang pumasok. Napasiksik siya sa katawan ng lalaki dahil tila may kakaiba sa grupong tinawag nito. Pulos nakaitim na damit at misteryoso. Maging ang ngiting nakapagkit sa labi ng mga ito ay tila mapanganib. "Don't worry, Darling, they are... harmless." Tumuon ang tingin nito sa isang partikyular na lalaki sa grupo. "Or maybe not." Sinalubong na nito ang mga bagong dating—dalawang babae at tatlong lalaki. "Astrid," sambit nito sa pangalan ng isang babaeng higit na kaakit-akit sa suot nitong black leather jumpsuit at pointy pumps. Humalik sa labi nito ang tinawag na Astrid habang ang isang babae ay kagat-labing tumitig sa mga ito, may nababasa siyang pagkagutom sa mga mata nito. Tumikhim siya para kuhanin ang atensyon nina Ezrah at Astrid. Ngali-ngali na niyang batukan ang dalawa.  "Nice place. Paano mo nakumbinsi ang may-ari na ibenta sa iyo itong bar?" tanong ni Astrid na tahasan siyang inignora. Kahit gusto na niyang murahin ito ay nagpigil siya at naghintay ng disenteng sagot mula kay Ezrah. She was half-expecting him to say na binayaran nito nang malaki ang dating may-ari. The devil just grinned. "I showed him my... pincers."  Tumaas ang mga kilay ni Astrid. "Torture pincers." "Yes." Nagulat siya. Ano ang sinasabi nito? Tinakot ba nito ang dating may-ari para makuha ang bar? Ganoon ba ito kasama? Bakit parang kilalang-kilala ito ng babae? Sino ba ito?  "Poor mortal, takot na takot. Na-miss ko tuloy ang trono at mga palaso ko. I missed Parkah and the souls I torture in hell..." Lumingon sa kanya si Ezrah at hindi na itinuloy ang litanya nang makitang namimilog ang kanyang mga mata. "Madali namang kausap ang dating may-ari," pag-iiba nito sa usapan. "By the way, this is Astrid, a very good friend." Ipinakilala ni Ezrah ang babae sa kanya kahit halata namang hindi siya interesado. "Very good friend," pabulong niyang ulit sa sinabi ni Ezrah.  "Astrid, this is Scylla." "Well, hello, Scylla," bati sa kanya ng babae, may sarkastikong ngiti sa labi. Hindi ito mukhang tao. Mukha itong manikang gawa sa porselana.  Hinigit siya ni Ezrah palapit at hinalikan sa tainga. "She is also a fallen angel," bulong nito.  Nagulat siya. Kaya pala may kakaiba rito. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang matiim na titig ng isa sa mga lalaking kabilang din sa grupo ng bagong dating. "Stop staring at her, Gavriil," may pagbabanta sa boses ni Ezrah. Nakatitig ito sa lalaking nakatutok ang mga mata sa kanya. "What is he even doing here, Astrid? Ikaw lang ang inimbita ko." Hindi kumibo si Astrid. Humarap siya sa tinawag na Gavriil. Magandang lalaki ito, matangkad, at matapang ang mga mata. Bagaman nakangiti ay may nakakatakot na pahiwatig iyon sa kanya. Bahagya itong yumuko, nakangisi, at nang mag-angat ng mukha ay purong itim na ang kulay ng mga mata nito. Napasiksik siya lalo sa katawan ni Ezrah.  "You're scaring her," asik nito sa lalaki. Itinaas ni Gavriil ang isang kamay. "I'm just..." He stared intently at her again, "curious." Hinayon siya ng tingin nito mula ulo pababa. "Armad told me about her, siya ang hindi natapos na misyon." Nag-apoy ang mga mata ni Ezrah at nag-igting ang mga panga nito. "Matagal nang tapos ang misyon. Hindi siya ang nakasulat sa itim na libro." "Play all you want, Ezrah, pero kagaya ng sabi ng Supremo noon... always finish everything on your plate. Hindi dahil ayaw mong kainin ay hindi mo na uubusin. Finish your mission. She is a threat to all of us. Alam mo iyan. At hindi dahil ayaw mo, ay pababayaan mo na lang. Tapusin mo ang nasimulan mo, kung hindi'y... ako mismo ang tatapos sa kinalimutan mong misyon. And when I do, I'll make sure she screams--hard, and I'll make it really, really bloody."  Kumasa si Ezrah pero bago pa ito makahakbang ay niyakap na niya ito. Alam niyang kung gugustuhin nito ay madali ritong makawala sa pagkakayapos niya. Ramdam niya rin ang lalong pag-init ng balat nito. Nakatiim-bagang ito at matalim ang tinging ipinupukol kay Gavriil. Ipinulupot ni Astrid ang mga kamay sa leeg ni Gavriil. "Shush, Gavii. Let's dance." Hinila nito ang lalaki patungong dance floor. Sumunod naman dito ang tatlong kasama ng mga ito. Pero bago tuluyang tumalikod ang tatlo ay nag-iwan ang mga ito ng nakakalokong ngiti sa kanya. "A-ano ang ibig niyang sabihin, Ezrah?" tanong niya rito nang mapagsolo silang dalawa. "Nothing," anito, nakatingin sa malayo. May bumabagabag dito.  Napabuntong-hininga siya. "May binanggit siya tungkol sa hindi natapos na misyon..." Imbis na sumagot ay siniil siya nito ng mainit na halik. He pushed her against the wall and kissed her hard. The hands of the devil slithered up her shirt. His movement was so fluid that she could not tell how his hands were able to land on her breasts and were now fondling her nipples.Napaungol siya at nangunyapit sa balikat ng lalaki. Hinila siya nito at itinulak paupo sa pabilog na mesa. Nahulog ang mga bote ng alak at wala silang pakialam.  They enjoyed each other's body... And the comfort of the night.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD