In the beginning, there was only darkness. And God said, Let there be light: and there was light.
God separated light from the darkness and gave us the day and night. He created the land, water, and the sky. He created every living creatures. He created the sun, moon, and the stars. And then, He created man.
Una ay purong itim lang ang nasa paligid ni Ezrah hanggang sa sumabog ang liwanag. Lumingap siya sa paligid. Before his very eyes, the plants began to grow, and earth was filled with life.
Parang nasa gitna siya at mabilis niyang nakikita ang pagkabuo ng mundo. Ang pagyabong ng mga puno, ang pamumukadkad ng mga bulaklak, paghinog ng mga prutas, ang pagpapala ng mga hayop sa paraiso, ang paghampas ng alon sa tabing-dagat.
Nasaksihan niya ang paglangoy ng mga isda sa dagat, pagpagaspas ng pakpak ng mga ibon sa kalawakan, at ang pagtakbo ng iba’t ibang uri ng hayop sa lupa.
Pagkatapos ay nakita niya ang unang taong nilikha. He was beautiful. He was perfect. Tumingala siya sa kalangitan at nakita niyang nakatanghod sa paraiso ang mga anghel sa langit. Natutuwa ang lahat.
Kabilang na siya.
And he saw himself… as the angel that he once was.
Biglang binalot ng kadiliman ang buong paligid. All things that God has created vanished into thin air. Then he saw Scylla. She wore a white camisole dress. Wala itong suot na kahit anong pansapin sa paa. Puno ng grasa ang mga paa nito. Nakatitig ito sa kanya nang matalim.
“Scylla.” Iyon lang ang tanging nasambit niya.
Pero parang walang may narinig ang dalaga. She was looking at him, as if there was only one thing in her mind—to kill, to slaughter.
Itinaas nito ang hawak na punyal at kumislap iyon sa gitna ng kadiliman.
“Dapat ay matagal mo na akong pinatay, Ezrah.” Ngumiti ito sa kanya. “Mahina ka.”
“Ano’ng pinagsasabi mo, Scylla? Give me the knife.” Inilahad niya ang kamay sa dalaga.
The woman grinned at her. “Oh, I will, Ezrah. I will give you the knife. I will bury it into your chest.”
Nabigla siya. Humalakhak si Scylla. And her white camisole dress was suddenly covered in blood. Kahit ang mga kamay nito ay puno ng dugo.
“Ezrah!” she screamed and charged towards him. Para itong halimaw na gustong pumatay.
Napabalikwas ng bangon si Ezrah. Was that a future sight? Mangyayari ba iyon sa hinaharap? Si Scylla ba talaga ang taong nakasulat sa itim na libro at siya ba ang diablong pupuksain nito?
Napalingon siya sa dalagang nahihimbing sa kanyang tabi. Maingat niyang hinaplos ang pisngi nito. Umungol ito at ngumiti.
“I love you, Ezrah,” she murmured in her sleep. Her voice was so soft like an angel's whisper.
His chest tightened. Hindi siya makahinga. Bumaba siya ng kama at tumungong banyo. Tutop niya ang dibdib habang nakatukod ang isang kamay sa sink.
He stared at his face in the mirror. Pakiramdam niya ay nakangisi sa kanya ang repleksyon niya sa salamin. Ngising puno ng pang-uuyam at pagkasuya.
“Is she worth it, Ezrah?” the pure devil in him was beyond angry.
Nagkiskisan ang mga bagang niya nang unti-unting gumapang ang mga ugat sa ilalim ng kanyang mga mata. He clutched hard on the sink as if it was the only thing that could help him survive the severe pain of being at war with his own self.
Napayuko siya at lumabas ang mahahaba niyang sungay na parang sa toro, nagsasanga-sanga, makapal, at mahaba. He growled like the brutal beast that he was. Lumabas ang mga kuko niya at naidiin niya iyon sa sink kaya nabasag ang tiles.
Naalala niya ang mga marka ng demonyo sa kisame, pader, haligi, at mga kasangkapan ng bahay. He was just like them. Mas mataas lang ang posisyon nila sa impyerno. Mababang uri ang mga demonyo. Habang sila ay mas malakas. They were the most powerful in hell next to the Supreme Devil, Lucifer. Pero ang tingin niya ngayon sa sarili niya ay walang pinagkaiba sa mga demonyo.
He moaned roughly when his huge, reddish-gray wings similar to that of a gargoyle's appeared. Naging abuhing pula rin ang kulay ng kanyang balat.
“You are evil, and you belong in hell!” asik ng isang bahagi ng utak niya.
Umigting ang mga panga niya, pero nang masulyapan niya ang dalagang payapang natutulog na hindi man lang naggising sa pagkabasag ng baldosa at sa mga ungol niya ay unti-unti humupa ang apoy na pilit nagkukumawala sa loob-loob niya
Tila nakaramdam siya ng kaginhawaan ng loob sa simpleng pagsulyap sa maamong mukha ng dalaga. And his wings just disappeared. Bumalik din sa normal ang kulay ng kanyang balat. Maging ang sungay niya ay nawala na rin.
Naguguluhan siya. Kakampi o kalaban ba ang babaeng nasa piling niya?