Chapter 13

1145 Words
Tulala si Scylla habang nakatanghod sa mga gusali mula sa penthouse, sa gilid ng salaming bintana. Naguguluhan siya sa sarili niya at sa mga nangyayari. Parang kahapon lang ay ordinaryong tao lamang siya na kasali sa maruming sistema ng lansangan, nakikipag-patintero sa batas, walang maayos na buhay. Pagkatapos ay dumating si Ezrah. Kahit ayaw man niyang aminin noon ay totoong may malakas na koneksyong nagtatali sa kanilang dalawa. Ni hindi niya alam kung nakikita ito ng ibang tao noon sa tapat ng ospital dahil parang siya lang naman ang nakakakita rito nang mga sandaling iyon. Kung ganoon nga, bakit nakita niya ito? Hindi siya biniyayaan ng regalong makakita ng mga elementong naiiba sa tao. Ni hindi siya masasabing matalino at mataktika. Pero bakit siya? Bakit sa kanya nagpakita ang diablo? Sino ba siya? Huminga siya nang malalim at pumihit pakanan para bumalik sa kanilang silid ni Ezrah nang biglang gumuhit ang matalas na sakit sa kanyang sentido. Tila may bumabarina sa utak niya. Napaungol siya, mahigpit na sinapo ang ulo. “E-ezrah…” Bahaw lang ang lumabas sa labi niya. Halos hindi siya makapagsalita. Naitukod niya ang isang kamay sa pader, pero hindi naglipat minuto ay natumba rin siya sa malamig na baldosa. Sa isipan niya ay paulit-ulit niyang sinasambit ang pangalan ni Ezrah na nasa silid nila. Tumirik ang mga mata niya at kasunod niyon ay halu-halong eksena ang nagsalimbayan sa kanyang gunita. An image of a woman wearing a white camisole dress, without anything on her feet. Nakatalikod ito sa kanya at nakayuko. The woman was humming a lullaby, Tili Tili Bom, as she walked towards a tiny crib. Ang lullaby na iyon ay narinig na niya noon kay Ezrah. Suddenly, she was already part of the scene. Tulirong napatingin siya sa sarili. Nakasalampak siya sa isang sulok. Nanginginig ang mga kamay niya. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Umisod siya palikod nang bigla na lang tumahimik ang babaeng nakaputi. The woman angled her face a little, kaya nakikita niya ang isang bahagi ng mukha nito bagaman malabo iyon. Akala niya ay lilingon ito. Pero tumawa lang ito. “Huwag kang matakot sa akin, Scylla. Iisa lang tayo,” sambit nito na ikinagulat niya. “A-ano ang ibig mong sabihin?” Lumingap siya sa paligid. “N-nasaan ako?” Ayaw niyang kausapin ang babae pero walang ibang taong naroroon. Silang dalawa lang. “Look around you, Scylla. Open your eyes.” “Kanina pa dilat ang mga mata ko.” Maliban sa babaeng nakaputi at sa puting kuna ay purong kadiliman lang ang nakikita niya. “You’re not really looking, Scylla. Nakamulat ka lang pero sarado ang utak mo.” Napasinghap siya. Ano ang ibig nitong sabihin? Naguguluhan siya. Nasapo niya ang ulo dahil biglang kumirot na naman iyon. A door suddenly appeared on her right. It was an old, unpolished door. Kusang bumukas iyon. Mula sa kinaroroonan ay wala siyang matanaw sa loob. Pumikit siya at huminga nang malalim bago dahan-dahang binuksan ang mga mata. Nagulat siya nang makitang napapalibutan siya ng magagandang halamang namumulaklak at punong-kahoy. May mga hayop na kaygandang pagmasdan. Nang tumingala siya sa kalangitan ay nakita niya ang mapipintog na bituin kahit may araw. Posible ba iyon? “Nasa paraiso ba ako?” wala sa loob niyang tanong. “You died, Scylla.” “H-hindi totoo iyan!” Hindi nagsalita ang babae. Muli itong lumapit sa kuna at tumunghay sa sanggol. “This baby died early.” Kumabog ang dibdib niya. Totoo ba ang sinasabi nito? Sino ba ito? Ni hindi ito tumitingin sa kanya. Nakatalikod pa rin ito. Isa ba itong anghel? Muli niyang inilibot ang tingin sa paligid. Nasa paraiso nga siya. Ito na ba ang sinasabi nilang langit? Inipon niya ang lakas at pinilit ang sariling tumayo. Akala niya kapag biglaan ang pagkamatay ng isang tao ay gumagala muna ang katawan nito sa lupa, hindi matahimik at ang iba’y naghahanap ng hustisya. “Scylla!” Napakislot siya nang marinig ang boses ni Ezrah. Nanggaling iyon sa madilim na silid. “Ezrah…” “Scylla, wake up and come back to me, Darling,” came Ezrah’s voice once again. “Stay here, Scylla. You belong here,” anang babae. “Hindi ako nababagay dito. Doon sa piling ni Ezrah, doon ang paraiso ko!” Tumakbo siya at inihagis ang sarili papasok sa madilim na silid. “WE ARE very sorry, Mr. Ezrah Villan. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin pero…” Umiling ang doktor. Nasa loob pa rin sila ng Operating room. He wasn’t supposed to be there, pero pinuwersa niya ang mga taong papasukin siya. He wouldn’t be one of the seven archdevils if he was useless. Para ano ang kapangyarihan niya kung hindi niya kayang manipulahin ang mga tao? Kumuyom ang mga kamay niya. Nakatitig siya sa maputlang katawan ni Scylla. Her body laid lifeless on that cursed bed! He felt the vessels around his eyes straining. Tila baga ang nasa mga ugat niya. He knew his eyes had turned to black, kaya yumuko siya habang nagpipilit na kontrolin ang sarili. But it was so hard. So hard. Hindi puwedeng mamatay ni Scylla. Dahil mapupunta ito sa langit kapag nangyari iyon. And the holy walls of heaven prevented the demons and devils from getting inside the kingdom of the Father. But why would the Creator take his Scylla? Ibig bang sabihin niyon ay hindi ito ang nasa propesiya? Hinawakan siya sa braso ng doktor para sana akayin siya paupo. Pero napaso ito sa balat niya. “M-mr. Villan—” “Doctor Perez, ang pasyente!” natatarantang tawag dito ng nurse. Napatingin sila sa cardiac monitor. Kanina ay flat line na iyon. Pero ngayon ay tumitibok na ulit ang puso ng pasyente. “Scylla!” Hinawakan niya ang kamay ng dalaga. The doctors tried to stop him from holding the patient, pero hindi siya natinag. Katulad ng solidong pader, hindi siya magawang itulak o hilahin ng mga ito. Kahit halos tatlo na ang nakahawak sa kanya. “Mr. Villan—” Bumaling siya sa nagsalitang doktor. He showed him the eyes of the devil and the man automatically moved back. Natulala ito at biglang nawala sa sarili. Devils could have that effect on mortals. Wala na siyang pakialam kahit gumuguho na ang depensa niya. He was literally exposing himself! And he couldn’t care less. Hinawakan niya ang kamay ni Scylla. As if on cue—dumilat ang mga mata nito. He knew that his chest ached so bad. And there was something inside of him that kept on beating insanely since he saw Scylla’s body on the floor. “Ezrah…” “You f*cking scared the hell out of me. What happened, Scylla?” She looked straight into his eyes. May nakikita siyang takot sa mga mata nitong iyon. And f*ck it, the woman reeked of fear. Tumingin ang dalaga sa mga taong nasa paligid. The people inside the OR were like lost sheep. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa mga ito. Kinabig niya ang ulo ni Ezrah at bumulong sa tainga nito. “Tumawid ako sa kabila.” She breathed nervously. “I think I just died and went to heaven…” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD