Chapter 3 – Kuya

1008 Words
Guest daw siya?? Paulit-ulit niyang tinatanong ang sarili niya kung bakit. Nawalan na rin siya kanina ng pagkakataong tanungin si Jayvee kung bakit siya nito gagawing guest sa bahay nito at hindi katulong dahil pagkatapos kumain ay nagmamadali na itong umalis. Mamaya na lang daw sila nito mag-uusap ulit. Ano na ang magiging trabaho niya? Ano ang magiging kapalit ng pagpapatira, pagpapakain at pagpapaaral nito sa kanya? Ayaw rin nitong magpatawag ng Sir sa kanya kaya lalo siyang naguguluhan. Ang sabi lang nito ay ituring lang daw niya itong kapamilya. Papagabi na at nandito siya ngayon sa sala at hinihintay ang pagbalik ni Jayvee. Jayvee lang kasi hindi niya raw ito Sir. Pero pagkaalis ni Jayvee kanina ay sinubukan niyang tumulong sa mga kasambahay sa pagliligpit at paglilinis pero tumanggi ang mga ito sa kanya dahil magagalit raw si Jayvee pag sumuway sila sa bilin nitong hindi siya pagtrabahuhin. Naalala niya rin ang sinabi nito kanina na dapat daw ay sumunod siya sa mga utos nito kaya iyon ang dapat gawin niya para hindi magbago ang isip nito at palayasin siya. Ayaw rin niyang madamay sa parusa sina ate Perla at iba pang mga katulong kung sakaling magpupumilit siyang tumulong sa trabaho ng mga ito. Siguro sa ngayon ay maghihintay na lang muna siya kung ano ang ipapagawa ni Jayvee sa kanya. “Ma’am, wala po talaga dito si Sir Jayvee. Umalis po siya.” Habang nakaupo siya sa malambot na upuan ay naulinigan niya ang boses na iyon na papalapit sa kinaroroonan niya. Tinanaw niya ang pinto at nakita niya roon si ate Dina na nakasunod sa isang napakagandang babae na animo diyosa sa paningin niya. Makinis ito, maputi at talagang napakaganda. “Don’t lie to me. Iniiwasan ba ako ni Jayvee? I know he’s back. So call him and let him know that I’m here.” Anang magandang babae. Hindi pa siya nito napapansin dahil diretso itong nakatingin sa may hagdan, tila hinahanap doon si Jayvee. At sino naman kaya ang babaeng iyon? Napakaganda. Baka girlfriend iyon ni Jayvee, bagay na bagay ang dalawa. “Ma’am Sophie, umuwi nga po siya pero umalis din po siya kanina. Hindi po namin alam kung saan siya pumunta.” paliwanag naman ni Ate Dina. Biglang napagawi ang tingin sa kanya ng magandang babae na tinawag na Sophie at agad sumama ang timpla ng mukha nito. Lumapit ito sa kanya kaya napatayo na siya, tumayo naman ito sa harap niya. “Who are you?” mabagal at tila puno ng pagtatakang tanong nito habang nakakunot-noo at nakataas-ang isang kilay. Maganda nga talaga ito, pero mukhang maldita. “Ahm… Ako po si Luna.” magalang niyang sagot sa tanong nito. “Boba. That’s not what I’m asking. Who are you in Jayvee’s life and why are you here?” bahagya nang tumaas ang boses nito at lalong tumaas ang kilay nito. Bigla naman siyang kinabahan at nakaramdam ng kaunting takot sa babae. Bakit ba ito nagagalit? Girlfriend ba ito ni Jayvee? Pero bakit ito nagagalit? Wala naman siyang ginagawa o sinasabing masama rito. “Guest po siya ni Sir Jayvee, Ma’am Sophie.” “Guest? What do you mean ‘guest?’ She’s living here?” Lalo pang lumakas ang boses ni Sophie at sinibat na siya nito ng masamang tingin. “And why would you live here?” baling muli nito sa kanya at ramdam niya ang galit sa tono nito. Malalim siyang napaisip dahil sa mga tanong nito. Bakit nga ba siya pinatira roon kung hindi naman siya kukuning katulong? Bakit imbes na katulong ay naging ‘guest’ siya roon? Kapag hindi nagustuhan ni Sophie ang sagot niya ay baka bigla na lang siya nitong saktan. Baka nga girlfriend ito ni Jayvee at nagseselos ito sa kanya lalo’t nalaman nitong doon siya nakatira. Titira pa lang naman siya roon pero hindi na lang niya iyon itinama. Kailangan na lang siguro niyang magpakabait dito dahil pag pinaalis siya sa bahay na iyon ay baka wala nang tutulong ulit sa kanya at tuluyan na siyang magpapalaboy-laboy. “You look so young to be Jayvee’s woman...” Hindi-makapaniwala nitong dagdag. “P-po? H-hindi niya po ako babae!” mabilis niyang sagot dito. Iniisip ba nito na may relasyon sila ni Jayvee? “Ahm.. kamag-anak k-ko po si k-kuya Jayvee…” naisip na lang niyang idugtong para matigil na ito sa pagdududa nito. Ayaw niya ng gulo. Makikitira lang naman siya roon at maghahanap ng trabaho. “Kuya? But they don’t have a sister..” nahihiwagaan naman nitong sagot. “Sophie? What are you doing here?” Sabay-sabay silang napatingin sa baritonong boses na iyon na nagmula sa pinto. Papasok na pala si Jayvee at agad itong sinalubong ni ate Dina. Iniabot naman ni Jayvee ang dala nitong paper bags kay ate Dina habang may sinasabi na hindi na niya narinig. Lalapit din sana si Sophie kay Jayvee pero nilampasan ito ng lalaki at sa kanya ito lumapit. Hindi naman siya makatingin dito ng maayos kaya yumuko na lang siya at tumingin sa magandang sahig. “I’m visiting you. I heard you’re back so I quickly came here to see you.” Ani Sophie. Napatingin siya rito at pansin niyang biglang bumait ang anyo nito habang nakaharap kay Jayvee. Pero hindi naman si Jayvee ngumingiti dito. Teka, kung malamig ang trato rito ni Jayvee ay hindi ba nito girlfriend ang Sophie na ‘yon? “How many times do I have to tell you that you can’t keep coming here whenever you want?” Malamig na tanong dito ni Jayvee. “Why are you here? Hinihintay mo ba ako?” Bigla ay baling nito sa kanya at kataka-takang tila lumambot ang ekspresyon nito sa mukha. Napakurap-kurap tuloy siya ng ilang beses. “O-oo… K-kuya Jayvee.” Bigla itong napatitig sa kanya at napakunot-noo. Ayaw nitong magpatawag ng ‘Sir’ sa kanya, tapos ituring na lang daw niya itong kapamilya. Eh di tatawagin na lang niya itong kuya. Solo siyang anak, pero wala na siyang kapamilya. At least ngayon ay may magiging kuya na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD