Chapter 4 – Not Funny

1287 Words
“Kuya!” Malakas na napasigaw si Luna nang bigla na lang tumalon si Jayvee sa pool na pinaglalanguyan niya. 19 years old na siya ngayon at sa sunod na pasukan ay ga-graduate na siya. Nakasanayan na rin niyang tawaging kuya si Jayvee at pinanindigan na lang nila ang kasinungaling magkamag-anak sila. Sa tuwing may nagtatanong ay sinasabi na lang nilang malayo siyang kamag-anak ni Jayvee. Sinabuyan niya ito ng tubig habang tumatawa. Iyon ang ganti niya sa panggugulat nito! Pero bigla itong sumisid at bago pa siya makalangoy palayo ay nahawakan na nito ang isang paa niya at hinila siya pailalim sa tubig. Nagpapasag siya pero iniwasan niya itong masipa at nang nasa pinakailalim na siya ay mabilis na siyang binitawan ni Jayvee at nauna na itong lumangoy pataas. Palagi siya nitong pinagtitripan! Sa tuwing nagsu-swimming siya sa pool ay bigla na lang itong lilitaw doon at gugulatin siya. Minsan naman, pag nakatalikod siya ay bigla nitong kikilitiin ang tagiliran niya. May mga pagkakataon ding pabiro nitong hinihipan ang tenga niya kapag hindi niya ito napapansin na nasa paligid niya. Tssk! Ganoon pa man ay napaka-sweet nito sa kanya. Kapag may sakit siya o kahit masakit lang ang ulo niya o puson niya dahil sa regla ay ito mismo ang naghahatid ng pagkain sa kuwarto niya. Napaka-swerte talaga niya at kinupkop siya nito kaya nagkaroon siya ng kuyang nag-aalaga ngayon sa kanya. Nakakalungkot lang minsan dahil…… Agad niyang pinigil ang kung anumang tumatakbo sa isip niya. Kuya niya si Jayvee. Kinupkop lang siya nito at tinulungan dahil naawa marahil ito noon sa kanya. Kaya dapat ay lagi siyang magpakabait dito at wag na wag niya itong pag-iisipan ng masama, at hinding-hindi niya dapat samantalahin at abusuhin ang kabaitan nito sa kanya. Imbes na lumangoy na rin siya pataas sa ibabaw ay nanatili muna siya sa malalim. Naisip niyang pagtripan din ito at hindi muna siya aahon para pag-alalahin niya ito. Tingnan lang niya mamaya kung ano ang magiging reaksiyon nito. Magkukunwari siyang nalunod tapos ay tatawanan niya ito mamaya ng bonggang-bongga! Hindi na siya gumalaw at ipinikit na niya ang mga mata niya nang makita niyang mabilis na itong lumalangoy pababa papunta sa kanya. Lihim na lang siyang napangiti. Mabuti na lang ay nakakayanan na niya ngayong magpigil ng hininga ng matagal sa ilalim ng tubig. Niyugyog siya ng isang beses ni Jayvee hanggang sa mabilis na siya nitong inakay papunta sa ibabaw. Nagpaubaya na lang siya rito hanggang sa dalhin siya nito sa gilid ng pool at mabilis na pinahiga roon. “Luna! Luna, wake up!” inilapat nito ang isang palad sa bandang dibdib niya habang nakasuporta ang isa pa. Shet! Bigla siyang nakaramdam ng kakaiba. Hindi niya yata napaghandaan iyon. Hindi niya naisip na iyon pala ang dapat gawin ni Jayvee para ‘iligtas’ siya mula sa pagkalunod. “f**k! I’m sorry… Luna, please wake up baby!” Didilat na sana siya pero mabilis na nitong idiniin ng dalawang beses ang mga palad sa dibdib niya. Aray ha! “Baby, I’m sorry!” sabi pa nito habang ginagawa ang CPR sa kanya. Tinatawag na naman siya nitong ‘baby.’ Pag ganoon ay talagang seryoso na ito. Bigla nitong hinawakan ang mukha niya at ibinuka ang bibig niya. Oh no, ima-mouth to mouth resuscitation na siya nito! Hindi puwede. Hindi puwede para na rin sa peace of mind niya! Pero tumigil yata saglit sa pagproseso ang utak niya kaya hayon at na-delay ang action niya. Saktong paglapat ng bibig ni Jayvee sa bibig niya ay saka lang dumilat ang mga mata niya. Shuta! Na-late lang siya ng isang segundo! Dahil sa katangahan niya ay parang iyon na rin ang first kiss niya! At hindi talaga tama iyon dahil kuya niya si Jayvee, or at least, ganoon niya dapat ito ituring. Kitang-kita niya kung paano nagbago ang ekspresyon sa mga mata nito. From pag-aalala ay naging pagtataka na iyon. Agad niya na lang itong itinulak ng malakas na halos ikatumba pa nito dahil siguro sa pagkalito. “Joke!” bumungisngis siya rito at pilit niyang itinago ang kaba niya. Hindi nito puwedeng mapansin ang totoong damdamin niya. Lalo itong napakunot-noo sa kanya hanggang sa halos sabay silang tumayo. Pero sa pagtataka niya ay hindi siya nito inalalayang tumayo na palagi nitong ginagawa sa mga normal na pagkakataon. “Ano, pagti-tripan mo pa ako?” binelatan niya ito at ikiniling-kiling ang ulo niya. Pero sa totoo lang ay kinakabahan pa rin siya dahil hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon nito na halatang hindi ito natutuwa. Hindi yaka bumenta rito ang joke niya. Tssk. “It’s not funny.” Seryoso nitong sabi bago siya tinalikuran at dire-diretso nang pumasok sa kabahayan. Ni hindi man lang ito nagsuot ng roba! Tssk! Baka mapagpiyestahan pa ng mga kasambahay ang maganda nitong katawan! Sa isiping iyon ay mabilis niyang kinuha ang roba nila at isinuot ang isa habang patakbo niyang hinahabol si Jayvee. Nasa bandang likod ang pool at may hiwalay na daanan doon papunta sa loob ng bahay. Still, baka may mga katulong pa ring makakita kay Jayvee na naka-swimming trunks lang kaya hindi ito puwedeng magpalakad-lakad lang lalo’t may pagka-tsismosa ang ibang mga katulong nila at baka manyakin pa sa isip si Jayvee. “Hey!” Sa wakas ay tuluyan na niya itong nahabol nang nasa hagdan na sila paakyat sa 3rd floor kung saan nandoon ang kani-kanya nilang kuwarto. Hinihingal niyang iniabot dito ang roba dahil tumutulo pa ang tubig mula sa katawan nito ngunit ni hindi siya nito nilingon. Napikon yata talaga ang loko. Tsk. “Hey, kuya Jayvee! Sorry na. Ginantihan lang naman kita.” Sa wakas ay lumingon na ito sa kanya pero lalo lang siyang tiningnan ng masama. “Sorry na talaga. Ok, bad joke iyon. Hindi ko na uulitin.” Pero hanggang sa nakarating na sila sa labas ng kuwarto nito ay hindi pa rin siya nito kinakausap. Mukhang napikon yata talaga ito sa pagkukunwari niya kanina. Effort na effort pa man din siyang pigilin ang hininga niya. Ang bilis lang pala nitong maloko, eh. Kaya lang nakakakonsensiya rin talaga ang pagkataranta nito kanina. “Kuya Jayvee, please… sorry…” aniya pa. Nilambingan niya ang tono niya nang hawak na nito ang seradura ng kwarto nito. Hindi siya mapapalagay kapag alam niyang nagtatampo ito. Minsan na kasi itong nagtampo sa kanya, noong isang beses na susunduin siya nito sa school kaso nagpumilit magpasama sa kanya sa bookstore ang classmate niyang bakla. Akala niya ay saglit lang sila kaso medyo natagalan sila at nang makabalik sila sa school ay lampas 30 minutes nang naghihintay doon si Jayvee at sobra na itong nag-aalala sa kanya. Nagtanung-tanong na rin daw ito sa ibang classmates niya pero walang nakakaalam kung saan sila nagpunta ni Sandro, ang classmate niyang bakla. Kaya ang ending, ilang araw siyang hindi kinausap ni Jayvee. Siyempre ayaw na niya iyong maulit dahil bukod sa napakalaki ng utang na loob niya rito ay ayaw niyang sumasama ang loob nito, lalo sa kanya. Bigla naman itong bumuntong-hininga at dahan-dahan siyang hinarap. Napangiti na siya nang tiningnan siya nito at napansin niyang wala nang bahid ng galit o inis sa mga mata nito. “Sorry na…” sabi pa niya. Bumuntong-hininga ulit ito hanggang sa sinenyasan siya nitong lumapit pa rito. Nang makalapit na siya ay bigla siya nitong niyakap ng mahigpit. “You scared me. Don’t ever do that again. Promise?” “Promise.” Sagot niya sabay yakap din dito ng mahigpit. Hinalikan nito ang noo niya pagkatapos ay muli siyang niyakap ng mas mahigpit. Sa mga pagkakataong ganito ay parang gusto niyang magsisi kung bakit bigla ay naging kuya niya ito. Itinuturing lang niya itong kuya, pero lihim naman niya itong gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD