“Beb! OMG buti nakarating ka!” “Happy birthday beb!” Bati niya kay Sandro at nagyakap agad sila nang pagbuksan siya nito ng pinto ng apartment nito. Gaya ng sinabi niya kahapon kina Jayvee at Jaycee ay siya lang ang mag-isang pumunta roon at nagpahatid lang siya sa driver nilang si Mang Luis at magpapasundo na lang din siya rito mamaya. “Akala ko kasi pagbabawalan ka na naman ni Papa Jayvee na pumunta rito. Buti at hindi na siya gaanong strict sa’yo!” masayang saad ni Sandro at inakay na siya nito papunta sa sala nito. Maliit lang naman ang apartment ni Sandro. Pero malinis iyon at mayroon na ring mga gamit gaya ng sofa at electronic equipments. Likas naman kasing masipag si Sandro. Siguro ay dahil nga maaga itong naulila, kaya hindi na siya magtataka kung yayaman ito balang araw.