“Oy mga bakla, salamat sa pagpunta niyo ha. Alam niyo naman na kayo na lang talaga ang itinuturing kong family kasi nag-iisa na ako. I love you friendships!” Nag-group hug silang apat at masayang nagtawanan bago kumalas sa bawat isa. Nasa kaliwa niya si Sandro at sa kanan naman si Ava kaya nasa gitna nina Sandro at Ava si Myrna. Alas otso na ng gabi at nandito na silang apat ngayon sa labas ng apartment ni Sandro, sa labas mismo ng gate at sa gilid ng kalsada. Dapat ay alas siyete umuwi na sila kaso ay napasarap pa ang kuwentuhan nilang apat kaya umabot na pala sila ng alas otso sa apartment ni Sandro. Siguradong kanina pa rin naghihintay sa labas si Mang Luis dahil alas sais pa lang ay pinapunta na niya ito roon. Kanina pa rin tumatawag at nagti-text sa kanya sina Jayvee at Jaycee, pe